You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

ILOILO STATE UNIVERSITY OF FISHERIES SCIENCE AND TECHNOLOGY


COLLEGE OF EDUCATION
Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo | email: coediscofmain@iscof.edu.ph
website: iscof.edu.ph | Contact No: (+63) 917-624-6100

Banghay – Aralin sa Filipino 11


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

I. Layunin
Pagkatapos ng isang oras na talakayan 90% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakapagbibigay kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa Lipunan
(F11PT – Ic – 86).
B. Napapahalagahan ang mga konseptong pangwika sa pakikipagtalastasan at
ugnayan sa kapwa, paaralan, at pamayanan.
C. Nakagagamit nang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga
konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30).
II. Nilalaman
A. Paksa: Wika
Kahulugan at Kabuluhan ng Wika
B. Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
May-akda, Jocson, Magdalena O.– Quezon City, Vibal Group Inc., 2016
Nagpana Falls
Gabay Pangkurikulum/Gabay ng Guro
C. Kagamitan: batayang aklat, powerpoint presentations, lunsaran, kartolina, visual
aid, marker.
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
Panalangin (Tatayo ang lahat na mga mag-aaral at
“Bago magsimula ay isasagawa muna pupunta sa harapan ang isang mag-aaral
natin ang panalangin. Magsitayo ang na na inatasan ng guro upang manguna
lahat para sa ating panalangin.” sa isasagawang panalangin.)
Pambungad na Pagbati
“Magandang umaga sa lahat!” “Magandang araw din, po Mam!”
“Bago magsimula ang ating klase ay “Opo, mam!”
pakiayos ang lahat na mga upuan at
pakitago ang iyong mga cellphone.”
B. Pagganyak/Motibasyon
(Shuffle Word: Magpakita ng mga (Bibigyan ng pagkakataon ang mga
salita na wala sa wastong ayos. Ihanda mag-aaral na hulaan ang salitang
ang mga salitang hindi nakaayos) maaring mabuo dito batay sa tanong na
ibibigay)
“Ok.. class nakikita nyo ang mga
naghahalong salita sa pisara?
“Opo, mam!”
Ito ay mga shuffle word. Ang gagawin
niyo ay huhulaan ang salitang maaring
mabuo dito batay sa tanong na
babasahin ko. Handa na ba kayo?
Mahusay! Ok.. number 1”
“Handa na po.”
1. Makahulugang tunog ng isang
wika. AMENOP
Mag-aaral 3: “PONEMA PO, MAM!”
2. Ito ay sistema ng mga sagisag na
binubuo ng mga tunog o kaya ay
mga pasulat na letra na iniuugnay
Mag-aaral 6: “WIKA PO, MAM!”
natin sa kahulugang nais nating
ipabatid sa ibang tao. KIWA .. Ano
ito?
Mag-aaral 4: “INGLES PO, MAM!”
3. Kinikilalang lingua franca ng
mundo. SINGLE
Mag-aaral 5: “FILIPINO PO MAM
4. Kinikilalang lingua franca ng
ANG SAGOT!”
Pilipinas. PINOFILI
“Magaling! Dadako na tayo sa ating
aralin.”
“Binigyang kahulugan ni Henry
C. Paglalahad ng Aralin Gleason ang wika bilang sistematikong
balangkas ng mga binibigkas na tunog
(Pagtalakay sa paksang-aralin tungkol
na pinipinili at isinasaayos sa paraang
sa wika (kahulugan at kabuluhan) at arbitraryo upang magamit ng mga taong
may isang kultura.
pagpapalawak ng kaalaman ukol dito)
Ang salitang wika ay nagsimula sa
salitang “lengua” na ang literal na
“Ano ang kahulugan ng wika? Pakibasa
kahulugan ay dila at wika. Maraming
ang kahulugan.” kahulugan at kabuluhan ang wika tulad
ng: ito ay behikulo ng paghahatid ng
C1. Pagpapabasa
mga impormasyon saan mang lugar ka
(Malalim na pagtaklay ng guro pagkatapos naroon, sa paaralan, tahanan o kahit
saan. Instrumento rin ito ng
basahin ng mga mag-aaral ang
komunikasyon sa pamamagitan din ng
pinapabasa.) wika, mabilis na naipalalaganap ang
kultura ng bawat pangkat. Higit sa lahat
simbolo ito ng Kalayaan.”
“Magaling! Ngayon ay dadako naman tayo Mga Katangian ng Wika
sa mga katangian ng wika.” Taglay ng kahulugan ng wika ang mga
pangunahing katangian nito ayon sa
“Pakipabasa ang unang katangian ng sumusunod:
wika.” 1. Ang wika ay sinasalitang tunog.
Kakailanganin ng tao ng aparato sa
pagsasalita (speech apparatus) upang
(Malalim na pagtaklay ng guro pagkatapos mabigkas at mabigyang modipikasyon
basahin ng mga mag-aaral ang bawat ang tunog. Mahalaga sa tao ang
katangian.) kanyang diapram, enerhiyang
nagmumula sa baga, babagtingang tinig
o vocal cords na nagsisilbing
artikulador, at ang mga sangkap sa loob
ng bibig tulad ng dila, ngipin, guwang
ng ilong, gayundin ang matigas at
malambot na ngala-ngala.
“Pakipabasa ang ikalawang katangian ng 2. Nabubuo ang wika sang-ayon sa mga
wika.” taong gumagamit nito sa loob ng
mahabang panahon (Rubin, 1992). Ang
wika ay set ng mga tuntuning
(Malalim na pagtaklay ng guro pagkatapos pinagkasunduan at tinatanggap nang
basahin ng mga mag-aaral ang bawat may pagsang-ayon ng lahat ng
katangian.) tagapagsalita nito. Sapagkat
napagkasunduan o arbitraryo ang wika,
nagagawang pagsaluhan ng isang
komunidad wika ang kumbensyong
panlipunan na nagbibigay dito ng
kolektibong pagkakakilanlan bilang
isang pangkat o grupo.
3. Likas ang wika, ibig sabihin, lahat ay
“Pakipabasa ang ikatlong katangian ng may kakayahang matutong gumamit ng
wika.” wika anoman ang lahi, kultura, o
katayuan sa buhay.
4. Ang wika ay dinamiko upang
(Malalim na pagtaklay ng guro pagkatapos mapanatiling masigla at buhay ang lahat
basahin ng mga mag-aaral ang bawat ng wika, kailangang makasabay ito sa
katangian.) pagbabago ng panahon. Nagbabago ang
paraan ng pananalita ng mga tao maging
ang angking kahulugan ng salita sa
paglipas ng panahon.
5. Ang wika ay masistemang balangkas.
Bago matutong bumasa ang isang bata,
kailangan muna nitong matutong
kumilala ng tunog (ponolohiya).
Itinuturing na makabuluhan ang isang
tunog kung may kakanyahan itong
makapagpabago ng kahulugan.
Sinusundan ito ng pagsasama-sama ng
tunog upang makabuo ng maliit na yunit
ng salita (morpolohiya). Ang
pagsasama-sama ng salita upang
makabuo ng payak na pahayag o
pangungusap ang tinatawag na sintaks o
palaugnayan.
(Malalim na pagtaklay ng guro pagkatapos 6. Bawat wika ay tuwirang nakaugnay
basahin ng mga mag-aaral ang bawat sa kultura ng sambayanang gumagamit
katangian.) nito. Wika ang pangunahing
tagapagbantayog ng mga kaugalian,
pagpapahalaga, at karunungang
mayroon ang isang komunidad. Ang
wika at kultura ay hindi kailanman
maihihiwalay sa isa’t isa.
7. Ang wika ay ginagamit sa
(Malalim na pagtaklay ng guro pagkatapos komunikasyon. Kailangang patuloy na
basahin ng mga mag-aaral ang bawat gamitin ang wika upang mapanatili
katangian.) itong masigla at buhay. Kailangang
kalingain sa komunikasyon ang wika
“Ok.. magaling.. ngayon ay natapos na upang patuloy itong yumabong at
natin talakayin ang paksa.may tanong pa umunlad.
ba kayo sa paksang ating natalakay? “Wala po, Mam.”
Malinaw ba sa lahat?”
“ok, magaling.”
C2. Pagsusuri
1. Batay sa iyong pag-unawa, Bakit (Ang mga mag-aaral ay malayang
mahalaga ang wika sa ating: sasagot sa bawat katanungan batay sa
a. Sarili kanilang sariling pag-unawa o opinyon.)
b. Lipunan
c. Kapwa
“Ok.. magaling.. Ngayon ay mayroon
akong ipapagawa sa inyo.
(Pagpapabasa ng Lunsaran na may
D. Pangkatang na Gawain
pamagat na “Nagpana Falls” sa loob ng
(Pagpapabasa ng Lunsaran na may
5 minuto. Pagkatapos nito ay sasagutin
pamagat na “Nagpana Falls” sa loob ng 5
ng mga mag-aaral ang mga
minuto.)
katanungan.)
“ Bumuo kayo ng 4 na pangka,t Sa loob ng
Nagpana Falls
5 minuto ay pakibasa ang teksto na
Ang Nagpana Falls ay
ibinigay sa inyo na may Pamagat na
matatagpuan sa Barangay Lipata,
“Nagpana Falls. Pagkatapos ay sasagutin Barotac Viejo, Iloilo. Ang Nagpana ay
isang swiiming hideaway kung saan
ang gawain na ibinigay sa inyo at
nakatira ang mga Aeta. Ang sitio
ibabahagi ito sa ating klase. ”. Nagpana ay 8 kilometro ang layo mula
sa bayan ng Barotac Viejo at 70
kilometro ang layo nito kung mula ito
sa Iloilo City. Ang talon o Nagpana falls
ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang
Pangkat 1
bahagi ng sitio. Ang pagpunta sa
1. Anong layunin ng tekstong iyong Nagpana ay bumpy rock ride na
nabasa kung bakit binuo ito? paakyat, ang pagsakay sa habal-habal na
motorsiklo o traysikel ang tanging
Pangkat 2
paraan ng transportasyon sa pagpunta
Sa pamamagitan ng chart na ito, doon. Upang marating ang talon,
kailangan mong mag-hike ng ilang
tukuyin ang pangunahing kaisipan at
kilometro at kailangan mong dumaan sa
mga detalye na nais ipahiwatig ng loob ng isang makapal na kagubatan na
may mauunlad na wildlife at maglakbay
tekstong ito?
hanggang sa marating ang tuktok ng
burol. Masisiyahan ang mga bisita sa
Magandang tanawin ng mga bundok
kapag marating ang tuktok nito habang
hinahalikan ng malamig na sariwang
hangin. Kung plano nang bisita na
manatili nang mas matagal doon ay
magdala ng sariling pagkain dahil
walang available na mga tindahan sa
lugar na iyon. Sa talon, ang komunidad
ay nagtayo ng isang pavilion kung saan
ang mga bisita ay maaring mag-iwan ng
Pangkat 3
kanilang mga gamit at maaari pang
2. Gamit ang concept cluster, Ano-ano manatili sa gabi. Naka-frame sa
pamamagitan ng mga nakamanghang
ang mahalagang impormasyon ang
tanawin ng bundok, ito ay tahanan ng
iyong nakita ukol sa tekstong ito? Nagpana Falls kung saan masisiyahan
ang mga bisita sa maraming aktibidad
Tukuyin ang mahahalagang datos.
na umiikot sa paligid nito. Mayroon
itong pavilion na may dalawang
kuwarto na kayang tumanggap ng mga
overnight stay na may samoung tao
bawat kuwarto. Mayroon itong
palikuran at paliguan na may umaagos
na tubig na nagmumula sa isang hose na
konektado mula sa isang bukal na
matatagpuan sa itaas na bahagi ng
Nagpana Falls. Ang mga bisita sa
Nagpana ay may pribilehiyong maglibot
sa pamamagitan ng guided-walk kasama
ang isang maalam na Aeta guide sa
Pangkat 4 katauhan ni Gng. Rafael Mateo na
nagbibigay ng insight sa landscape ng
3. Ibigay ang kahalagahan ng tekstong
Nagpana at maaring mapahusay ang
iyong nabasa. Anong naidulot nito sa kanilang karanasan sa pamamagitan ng
isang showcase ng kaniyang katutubong
iyo bilang mambabasa?
craft ng nito-weaving.

IV. Ebalwasyon
Malayang Pagpipilian
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagbuo ng wika?
A. Morpema C. Sintaks
B. Simbolo D. Ponema
2. Nauukol sa paggamit ng higit sa dalawang wika bilang panturo sa Sistema ng
Edukasyon.
A. Multilingguwalismo C. Bilingguwalismo
B. Multikulturalismo D. Naturalismo
3. Kinikilalang lingua franca ng mundo.
A. Mandarin C. Filipino
B. Niponggo D. Ingles
4. Makahulugang tunog ng isang wika.
A. Sintaksis C. Diskurso
B. Morpema D. Ponema
5. Ito ay kahulugan ng salitang Latin na Lingua.
A. Teorya C. Wika
B. Kamay D. Dila
6. Ito ay kinikilalang lingua franca ng bansang Pilipinas.
A. Wikang Katutubo C. Filipino
B. Pilipino D. Tagalog
7. Ang wika ay nagbabago. Anong ibig sabihin nito?
A. Masistemang balangkas C. Dinamiko
B. Arbitraryo D. Pinipili
8. Isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog.
A. Dayalek C. Dila
B. Salita D. Wika
9. Sino ang nagbigay ng kahulugan, ang wika ay masistemang balangkas?
A. Finnocchiaro C. Brown
B. Gleason D. Hill
10. Ito ay tumutukoy sa pagbuo ng maliit na yunit ng salita.
A. Morpolohoiya C. Sintakis
B. Ponolohiya D. Ortograpiya
V. Takdang-Aralin INIHANDA NI
Magsaliksik ukol sa Kasaysayan ng Wikang Pambasa. LESLIE BILLONES
BSED 3 FILIPINO

You might also like