You are on page 1of 1

Noong panahon nga mga Kastila, sinasabing ang edukasyon na kanilang ipinalaganap ay

nakabase sa kanilang relihiyon na Katolisismo. Dagdag pa rito, ang layunin ng edukasyon na ito
ay upang kontrolin ang mga Indio at pilitin itong maging tapat sa pamamaraan ng simbahan at
ng mga Kastila. Dahil dito, naging malaki ang impluwensiya ng mga Kastila sa pag-iisip at galaw
ng mga Pilipino. Bumaba ang tingin nga mga Pilipino sa kanilang mga sarili, sabay ng pagtaas ng
tingin nila sa mga Kastila. Nagbago rin ang kanilang pamamaraan at pananaw sa mga bagay-
bagay tulad na lamang ng kanilang pag-angkop sa pananamit ng mga Kastila at ang pagbabago
ng pananaw nila sa kung ano ang maganda at hindi base sa kutis ng isang indibidwal.

Nong panahon naman ng mga Amerikano, imbes sa relihiyon ang basehan ay naging
tunay na pang-akademiko ang uri ng edukasyon na kanilang ipinalaganap sa Pilipinas.
Gayonpaman, imbes na wikang Filipino, wikang Ingles ang kanilang ginamit bilang paraan ng
komunikasyon na nagresulta sa pagpapatibay ng kanilang lengguahe at ang paglabnaw ng
wikang Filipino. Dagdag pa rito ay ginamit rin nila ito upang ipasok ang kanilang mga pananaw
sa mga Pilipino.

Maraming naging impluwensiya ang mga Kastila at Amerikano na naoobserbahan parin


sa kasalukuyang panahon. Una, ang wikang Tagalog o Filipino ay maraming salita na hango sa
wikang Espanyol gaya na lamang ng “balyena”, “lamesa”, “kusina”, “sapatos”, pati narin ang
madalas nating ginagamit na salita na “kumusta” ay galling sa saling “como esta” ng wikang
Espanyol. Ang wikang Ingles naman, kung mapapansin natin ay gamit na gamit sa kasulukuyan
maging pang akademiko o sa pag-gamit ng media, halos lahat ay nakasulat o binabanggit sa
wikang Ingles. Sa katotohanan pa, nagiging “TagLish” kung tawagin ang nagiging pamamaraan
ng komunikasyon ng mga Pilipino ngayon o yung paggawa ng mga pangungusap gamit ang
kombinasyon ng wikang Filipino at Ingles. Dagdag pa rito, nakakalungkot ring isipin na mayroong
ibang mga Pilipino na tinitingala ang mga taong mahusay sa wikang Ingles.

Isa pa, ang Katolosismo na ipinalaganap ng mga Kastila noon ay nakatayo at matibay
parin ang impluwensya sa mga Pilipino. Sa katotohanan, ang bansang Pilipinas ay sinasabing
nagiisang Kristyanong bansa sa buong Asia na maaring naging marka ng halos tatlong siglong
pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.

Sa aking pananaw, ang nakikitang kong solusyon sa lisyang edukasyon ng mga Pilipino ay
ang paggawa ng mga bagay na taliwas sa kung ano ang ginawa ng mga mananakop sa atin.
Halimbawa, sinasabing naging epektibo ang pananakop ng mga Kastila sa atin dahil sa kanilang
hindi makatarungang paglalathala ng mga kaganapan sa bansa. Sa mga Amerikano naman ay
ang paggamit ng wikang Ingles sa mga akademikong paaralan. Ngayon, paano naman kung
baliktarin natin ang kanilang pamamaaraan? Maaring solusyon dito ay ang paglalathala ng mga
bayaning hindi nabigyan ng makatarungang sulatin patungkol sa kanilang kontribusyon sa
katayuan ng ating bansa sa kasulukuyan. Dagdag pa rito, kung ituturo pati ito sa mga kabataan o
sa lahat ng mamamayang Pilipino sa wikang Filipino ay maaring magbigay ng kamalayan at
pagmamahal sa kanilang puso’t isipan patungkol sa wika at historya ng bansang Pilipinas.

You might also like