You are on page 1of 25

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan, Linggo 3 at 4 –
Modyul 13
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Mula sa Gabay Pangkurikulum ng EsP

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan, Linggo 3 at 4 - Modyul 13: Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD, CESO V
Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Aga Christy A. Dologmandin


Mga Tagasuri: Ann May E. Araña at Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd
Ilustrador/Potograpo: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, at
Aga Christy A. Dologmandin

MgaTagapamahala
Tagapangulo: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Pangalawang Tagapangulo: Shambaeh A. Abantas-Usman, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Mga Miyembro: Henry B. Abueva, EPS, OIC-CID Chief


Amelita M. Laforteza, EdD, Division EsP Coordinator
Rustico Y. Jerusalem, PhD, EPS LRMS Manager
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan, Linggo 3 at 4 -
Modyul 13
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP


Junior High School sa Dibisyon ng Iligan. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa iligan.city@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
This page is intentionally blank
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ......………………………........................... i

Nilalaman ng Modyul ......………………………........................... i

Pangkalahatang Panuto ......………………………........................... ii

Mga Icon na Ginagamit sa Modyul ......………………………........................... iii

Alamin ......………………………........................... 1

Subukin ......………………………........................... 2

Balikan ......………………………........................... 3

Tuklasin ......………………………........................... 3

Linangin ......………………………........................... 4

Suriin ......………………………........................... 5

Pagyamanin ......………………………........................... 9

Isaisip ......………………………........................... 10

Isagawa ......………………………........................... 10

Buod ......………………………........................... 11

Tayahin ......………………………........................... 11

Karagdagang Gawain ......………………………........................... 12

Susi sa Pagwawasto ......………………………........................... 13

Sanggunian ......………………………........................... 13
This page is intentionally blank
Pangkalahatang Ideya ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan at
paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging
makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kaniya at sa lipunan.
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon, K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 1-10. (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2016), 123

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa
mga mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito. Sumunod nito ang pagtataya ng kaalaman
ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim (6) na antas ng Bloom’s Taxonomy ng
Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng
bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa nagdaang modyul
at ng kasalukuyang modyul sa bahaging Balikan.

Narito ang apat (4) na pangunahing bahagi ng modyul: Ang bahaging Tuklasin ay
tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa
kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga maling kaalaman
(misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang
Pampagkatuto (PKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge) sa Bloom’s
Taxonomy.

Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa


Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga
kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang
ikalawang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP2), na nakatuon sa
pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation)
sa Bloom’s Taxonomy.

Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman


at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP– ang Etika at Career
Guidance na nakaankla sa expert system of knowledge. Tinutugunan ng bahaging ito ang
ikatlong Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP3), na nakatuon sa pagsukat
ng Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Bloom’s Taxonomy. Gabay
ito ng mga mag-aaral sa pagsagot sa dalawang gawain sa Pagyamanin at sa Tayahin.

Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman, kasanayan, at pag-unawa


ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasiyon ng
buhay. Tinutugunan nito ang ikaapat na Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto
(PKP4), na nakatuon sa pagsukat ng Paglalapat (Application) at Paglikha (Creating) sa
Bloom’s Taxonomy.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “Power Point Presentation,” May 6, 2019, 49-57

i
Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga
aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 kahit hindi ka makapasok sa paaralan dahil
sa pandemya. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin,
sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin o paalala:

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadget (hal. cellphone, tablet, laptop, computer) kung kinakailangan
ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang gumamit o
pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensiyon sa pag-aaral.

3. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

4. Unawaing mabuti ang nilalaman ng bahaging Alamin bago tumuloy sa ibang bahagi ng
modyul.

5. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin o paalala ng modyul.

6. Sundin ang sinasabi ng iyong guro kung sa kuwaderno, Yellow paper o sa nakahandang
sagutang papel ipasusulat ang iyong mga sagot.

7. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat gawain bago ito isulat.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga gawain. Gamiting gabay ang layuning
matuto, mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-aaral sa lahat ng mga
gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan, o sa mga


awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “MS Word,” September 26, 2017, 1-2

ii
Mga Icon na Ginagamit sa Modyul
Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin na
Alamin
dapat makamit sa pag-aaral mo ng modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri
kung ano na ang iyong alam tungkol sa bagong
tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan


Balikan ng pagtatalakay sa mga mahahalaga mong
natutuhan sa nagdaang aralin na may koneksiyon sa
tatalakaying bagong aralin.

Tuklasin Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan


ng iba’t ibang gawain.

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


Suriin
nararapat mong matutuhan na mga konsepto upang
malinang ang pokus na kasanayang pampagkatuto.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


Pagyamanin
natutuhan at magbibigay ng pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang.

Isaisip
Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong
mahahalagang natutuhan sa aralin.

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


Isagawa
mailapat ang iyong mahahalagang natutuhan sa mga
pangyayari o sitwasiyon sa totoong buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Karagdagang
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Gawain
kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


Susi sa
mga gawain sa modyul.
Pagwawasto

iii
This page is intentionally blank

Modyul
Personal na Pahayag ng
13 Misyon sa Buhay
Alamin
Naranasan mo na bang pumunta sa isang lugar na hindi mo alam ang tamang daan
ng iyong pupuntahan? Paano kaya kung ikaw ay magkamali? Paano kung ikaw ay maligaw?
Ano kaya ang maaaring mangyari sa yo?
Sa naunang modyul, naunawaan mo ang mga panloob at panlabas na salik na
kailangan mong isaalang-alang sa pagpili ng kurso o track sa Senior High School.
Magbibigay-daan ito sa iyo na magiging produktibo at makatutulong sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa.
Layunin ng modyul na ito na magabayan ka upang magkaroon ng tamang direksiyon
sa kurso o karera na iyong pipiliin. Mula dito ay masasagot mo ang Mahalagang Tanong na:
Paano bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
Handa ka na ba? Simulan mo na ang iyong paglalakbay patungo sa pagbuo ng iyong
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
A. Para sa kasalukuyang linggo ng iyong pag-aaral sa Ikaapat na Markahan
(Ikatlong linggo), ang una at ikalawang layunin ang iyong pag-aaralan:
14.1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay
14.2. Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay
B. Para sa susunod na linggo ng iyong pag-aaral sa Ikaapat na Markahan (Ikaapat
na linggo), ang ikatlo at ikaapat na layunin ang iyong pag-aaralan:
14.3. Nahihinuha na ang kanyang Personal na pahayag ng Misyon sa Buhay ay
dapat na nagsasalamin ng kanyang pagiging natatanging nilalang na
nagpapasiya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat
14.4. Nakapagbubuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9. Modyul Para sa Mag-aaral. (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 232

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Sino ang ay may-akda ng Seven Habits of Highly Effective People na naniniwalang
nararapat na ngayon pa lamang ay dapat malinaw na sa iyong isip kung ano ang nais
mong mangyari sa iyong buhay?
A. Jurgen Hubernas B. Howard Gardner C. Stephen Covey D. John Holand
2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Personal na Pahayag ng Mithiin sa Buhay (PPMB)?
A. Upang magkaroon ng gabay sa mga pagpapasiya at ng pokus sa pagtupad ng
itinakdang mithiin sa buhay
B. Upang higit na makilala ng tao ang kaniyang sarili
C. Upang masagot ang mga tanong sa buhay
D. Upang matuwa ang mga magulang
3. Natutuhan mo sa EsP 9 na mahalagang sigurado ka sa direksyong tatahakin upang
makamit mo ang iyong layunin sa buhay. Ano ang dapat mong gawin upang
mapagtagumpayan ang mga layunin mo sa buhay?
A. Magkaroon ng tamang batayan ng iyong gagawin na mga pagpapasiya sa araw-
araw
B. Magkaroon ng sapat na impormasyon tungkol sa iyong gustong makamit sa buhay
C. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
D. Magkaroon ng maraming tagapayo tungkol sa kukunin na kurso

4. Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan. Sang-


ayon ka ba rito?
A. Oo, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
B. Oo, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa mga konteksto ng kaniyang buhay.
C. Hindi, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
D. Hindi, sapagkat magkaroon siya ng problema kung babaguhin niya ang saligang
ito.
5. Bakit itinuturing na higit sa trabaho, propesyon o negosyo ang bokasyon?
A. Sapagkat ito ay kalagayan o gawain na naaayon sa plano ng Diyos sa atin
B. Sapagkat dito nakasalalay ang anomang kaligayahan
C. Sapagkat dito tayo makapagsimula sa buhay
D. Sapagkat may nakalaan sa bawat isa sa atin
6. Ang sumusunod ay mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay (PPMB) maliban sa:
A. Alamin ang iyong mga layunin sa buhay
B. Suriin ang iyong mga pagpapahalaga
C. Pagnilayan ang nais mong marating
D. Makipag-usap sa mga kaklase
7. Alin sa mga situwasiyon ang nagpapakita ng hakbang na angkop sa pagbuo ng
makabuluhang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB)?
A. Si Martin ay marami ng naisulat na mga sanaysay.
B. Si Lory ay nagninilay sa kaniyang pansariling salik at mga katangian.
C. Si Jason ay nagkalap ng impormasyon sa mga kurso sa Senior High School.
D. Si Earl ay palaging nakikinig sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa kaniya.

8. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon sa buhay ang isang tao?


A. Upang makamit ang itinakdang mithiin sa buhay
B. Upang hindi siya magkamali kailanman
C. Upang purihin siya ng iba
D. Upang yumaman
9. Bilang mag-aaral sa Baitang 9 na may pangarap sa buhay, ano ang iyong
gagawin upang maisakatuparan ito?
A. Alamin at unawain ko ang mga panloob at panlabas na salik sa pagpili ng track o
kurso
B. Maging kampante na maabot ko ang aking pangarap
C. Maging bilib sa sarili sa lahat ng pagkakataon
D. Makinig sa lahat ng sinasabi ng ibang tao
10. Paano maipakikita ng isang mag-aaral sa kaniyang PPMB na siya ay nagpapasiya at
kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat?
A. Naipahahayag ang kaniyang napagninilayang misyon sa buhay
B. Naisa-isa ang mga kagustuhan niya sa buhay
C. Naisulat lahat ng kaniyang mga ginagawa
D. Naisaisip ang mga sinasabi ng magulang

Balikan
Sa Modyul 12, natuklasan mo ang kahalagahan ng pagiging tugma ng iyong mga
personal na salik sa mga pangangailangan ng pipiliin mong kurso. Ang pagtutugmang ito ay
isang tulong sa pagkakaroon mo ng makabuluhang trabaho at negosyo na makatutulong sa
pagiging produktibo mo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng ating bansa. Sa
kasalukuyang modyul mararanasan mong bumuo at magkakaroon ng Personal na Pahayag
ng Misyon sa Buhay upang matahak ang tamang direksiyon tungo sa kurso o karera na
iyong pipiliin.

Sa modyul na ito, masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Paano bumuo ng


Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?

Handa ka na bang simulan ang mga gawain sa Ikatlong Linggo ng iyong pag-aaral
sa Ikaapat na Markahan? O, tayo na!

Tuklasin

Panuto: Narinig mo na ang mga katagang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


(PPMB) di ba? Ano ang malaking kaugnayan nito sa pagkamit mo ng iyong career
goal o mithiin sa buhay? Halina at tuklasin mo!
1. Basahin at pag-aralan ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay sa ibaba.
2. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) ni Mary


Isang mapagmahal na guro sa Junior High School na buong pusong aakayin
at gagabayan ang mga mag-aaral na ipinagkakatiwala sa akin ng kanilang mga
magulang, ng paaralan at ng Diyos upang mahubog sila sa akademiko at mga moral
na pagpapahalaga bilang tao sa pamamagitan ng paglalapat ng mga kaalaman at
kasanayan ko sa pagtuturo, sa pag-unawa sa pagka-iba-iba ng bawat mag-aaral at
sa patuloy na pananaliksik at pagkatuto ng mga istratehiya at dulog sa pagtuturo.
Mga Tanong:
1. Ano ang mithiin sa buhay ni Mary bilang isang guro?
2. Ano-ano ang mga gagawin niya upang makamit ito?
3. Ano ang tawag sa nabuo niyang payahag na ito para sa kaniyang sarili bilang isang guro?
4. Sa palagay mo, makatutulong ba ang pagkakaroon niya ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay (PPMB) sa kaniyang pagtuturo? Ipaliwanag.
5. Bakit mahalaga ang pagbuo at pagkakaroon ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay sa pagkamit ng mithiin?
6. Bilang isang mag-aaral, mahalaga rin ba na bumuo at magkaroon ka ng PPMB para sa
iyong mithiin? Pangatwiranan.

Linangin
Gawain 2
Panuto: Naunawaan mo na ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay. Ang mga hakbang sa pagbuo ng iyong PPMB ang pokus sa
gawaing ito.
1. Suriin ang sarili mo at tukuyin kung ano ang apat na pangunahing ugali/katangian mo.
Isulat ang mga ito sa unang kolum.
2. Suriin at tukuyin din kung ano ang apat na pangunahing pinahahalagahan mo sa buhay.
Isulat ang mga ito sa ikalawang kolum.
3. Isipin at pagnilayan kung ano ang mga naging kontribusyon mo sa pamilya, paaralan,
pamayanan at simbahan. Isulat ang mga ito sa ikatlong kolum.
4. Pagkatapos, suriin mo naman ang iyong sarili kung ano ang iyong mithiin sa buhay
kaugnay sa lahat ng naitala mo sa mga naunang kolum. Isulat ito sa ikaapat na kolum.

Mga Isaalang-alang sa Pagbuo Ko ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


Mga Pangunahing Mga Pinahahala- Mga naging Kontribusyon Mithiin ko sa
Ugali/Katangian Ko gahan ko sa ko sa Pamilya, Paaralan, Buhay
Buhay Pamayanan at Simbahan
Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:
- tibay ng loob - pag-aaral - regular na pag-aaral ng Isang
- kasipagan - Diyos mga modyul ng aking mga mapagkalinga
- pagmamahal - pamilya asignatura na doktor sa
- paglilingkod - pagtulong sa - pangangalaga sa mga maysakit
kapuwa kalusugan ng pamilya sa
pamamagitan ng pagsaing
ng kanin sa tamang oras
- pagdadasal at pagsisimba
kasama ang pamilya
- pagbisita sa Home for the
Aged noong wala pang
pandemya, kasama ang
mga opisyales ng EsP Club
Ikaw naman:

6. Sagutin ang sumusunod na tanong:

a. Ano ang naramdaman mo pagkatapos ng gawain?


b. May kaugnayan ba ang mga naitala mo sa bawat kolum sa iyong misyon sa
buhay? Pangatwiranan.
c. Paano mo magagamit ang iyong mga katangian at pagpapahalaga upang makamit
ang iyong mga mithiin at pangarap sa buhay?
d. Batay sa gawain, ano-ano ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay? Ipaliwanag.
e. Bakit mahalagang matukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng PPMB? Pangatwiranan.

Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong
sa Pagyamanin.

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Alam mo ba ang direksiyon na tinatahak mo sa buhay? Naitanong mo na ba sa iyong


sarili kung saan ka patungo?Tingnan mo ang larawan sa kanan. Sa iyong palagay, alam ba
ng nagbibinatang iyan ang tamang direksiyon na kaniyang tatahakin? Paano kaya kung siya
ay magkamali at maligaw sa ninanais niyang puntahan? Ano kaya ang maaaring mangyari
sa kaniya? Ano kaya ang maaari niyang hantungan?
Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak. Ito ang susi na
makatutulong sa kaniya upang makamit ang kaniyang mga layunin sa buhay. Balikan natin
ang iyong napag-aralan noong nasa Baitang 7 ka, tinalakay ninyo ang tungkol sa tamang
pagpapasiya. Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na
pagkatao. Kaya sa tuwing nagpapasiya, kinakailangang pag-isipan ito nang makailang ulit
upang maging sigurado at hindi maligaw. Ito ay dapat na makabubuti sa sarili, sa kapuwa, at
sa lipunan.
Sa pagpapasiya, kailangan mo ng gabay. Tulad ng isang bulag, lubos siyang
mahihirapan sa paglalakad kung walang tungkod na gagabay sa kaniya. Ito ang nagsisilbing
kasangkapan niya upang marating niya ang kaniyang nais puntahan. Gayundin ang tao,
kailangan niya ng gabay sa pagpapasiya upang hindi siya magkamali; nang sa gayon,
magkakaroon siya ng tamang direksiyon sa pagkamit ng mga layunin niya sa buhay. Bakit
nga ba mahalaga na magkaroon ng direksiyon ang buhay ng tao? Una, sa iyong
paglalakbay sa buhay mo ngayon, nasa kritikal na yugto ka ng buhay. Anoman ang piliin
mong tahakin ay makaaapekto sa iyong buhay sa hinaharap. Kung kaya’t mahalagang
maging mapanuri at sigurado sa iyong gagawin na mga pagpapasiya. Ikalawa, kung hindi ka
magpapasiya ngayon para sa iyong kinabukasan, gagawin ito ng iba para sa iyo -
halimbawa ng iyong magulang, kaibigan, o media. Kung kaya’t dapat na maging malinaw sa
iyo ang iyong tunguhin dahil kung hindi, susundin mo lamang ang mga idinidikta ng iba sa
mga bagay na iyong gagawin.
Tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na tunguhin sa buhay. Marahil
tinatanong mo ang iyong sarili sa ngayon kung paano mo ito gagawin o sisimulan. Alam ko
na pamilyar ka na dito dahil natalakay na ito ng iyong guro sa ikaapat na bahagi ng iyong
modyul noong nasa Baitang 7 ka pa lamang. Naalala mo pa ba ang tawag dito? Ito ay ang
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (Personal Mission Statement).
Ano nga ba ang kahulugan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay(PPMB)?
Ito ay katulad ng isang personal na kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo
ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na
mga pagpapasiya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala
ang iyong sarili at kung saan ka patutungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon
sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga
layunin sa buhay. Hindi madali ang paglikha nito, dahil nangangailangan ito ng panahon,
inspirasyon at pagbabalik-tanaw.
Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly Effective
People, “begin with the end in the mind.” Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa
iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay.
Mahalagang kilalanin mong mabuti ang iyong sarili at suriin ang iyong katangian,
pagpapahalaga at layunin. Mag-isip ng nais mong mangyari sa hinaharap at magpasiya sa
direksiyon na iyong tatahakin sa iyong buhay upang matiyak na ang bawat hakbang ay
patungo sa mabuti at tamang direksiyon. Ayon din kay Covey, ang pagbuo ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay ay nararapat na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay.
Sa paglikha ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay, makatutulong na
magkaroon ka ng pansariling pagtataya o personal assessment sa iyong kasalukuyang
buhay. Ang resulta nito ay magiging kapaki-pakinabang sa iyong mapanagutang pasiya at
kilos.
Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa pansariling pagtataya.
1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Simulan mo ang paggawa ng iyong PPMB sa
pamamagitan ng pagtatala ng iyong mga ugali at mga katangian. Ang pangunahin mong
katangian ang magpapakilala sa iyo kung sino ka, paano ka naapektuhan ng mundo na
iyong ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo at paano mo isasakatuparan ang iyong
mga pagpapasiya.
2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan. Kailangang maging maliwanag sa iyo kung
saan nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga. Kung saan nakatuon ang iyong lakas,
oras at panahon. Ang iyong mga pinahahalagahan ang magiging pundasyon mo sa
pagbuo ng personal na misyon sa buhay.
3. Tipunin ang mga impormasyon. Sa iyong mga naitalang impormasyon, laging isaisip na
ang layunin ng paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay mayroong
malaking magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao. Ito ang magbibigay sa iyo ng
tamang direksiyon sa landas na iyong tatahakin.
Ang pagsulat ng PPMB ay hindi madalian o nabubuo lamang sa ilang oras. Ito ay
kailangan mong pagnilayan, paglaanan ng sapat na panahon. Kailangan mong ialay ang
iyong buong sarili sa paggawa nito. Sa oras na ito ay mabuo mo, ito ang magiging saligan
ng iyong buhay. Magkakaroon ka ng pagbabago sapagkat ang lahat ng iyong gagawin o
iisipin ay nakabatay na dito.
Sa pagbuo ng PPMB, dapat ito ay nakatuon sa kung ano ang nais mong mangyari sa
mga taglay mong katangian at kung paano makakamit ang tagumpay gamit ang mga ito.
Ayon kay Stephen Covey, upang makabuo ng mabuting PPMB, magsimulang tukuyin ang
sentro ng kaniyang buhay - halimbawa: Diyos, pamilya, kaibigan, pamayanan. Ito ay dahil
ang sentro ng buhay mo ang magbibigay sa iyo ng seguridad, paggabay, karunungan at
kapangyarihan.
Ang PPMB ay maaaring mabago o mapalitan dahil patuloy na nagbabago ang tao sa
konteksto ng mga situwasiyon na nangyayari sa kaniyang buhay. Ngunit magkagayon man,
ito pa rin ang magsisilbing saligan sa pagtahak niya sa tamang landas ng kaniyang buhay.
Sabi nga sa isang kataga, “All of us are creators of our own destiny”. Ibig sabihin, tayo ang
lilikha ng ating patutunguhan. Napakaganda hindi ba? Kaya pag-isipan mong mabuti,
sapagkat anoman ang iyong hahantungan, iyan ay bunga ng iyong mga naging
pagpapasiya sa iyong buhay.
Sa pagbuo mo ng PPMB, dapat na masasagot nito ang mga katanungang:
1. Ano ang layunin ko sa buhay?
2. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais kong marating?
4. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking buhay?
Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa
buhay kung ito ay:
1. Mayroong kaugnayan sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya
bilang isang tao
2. Nagagamit at naibabahagi nang tama at may kahusayan bilang pagpapahayag ng ating
pagka-bukod tangi
3. Nagagampanan nang may balanse ang mga tungkulin sa pamilya, trabaho, pamayanan at
iba pa
4. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba.
Kung ang isang tao ay mayroong PPMB, mas malaki ang posibilidad na magiging
mapanagutan siya upang makapagbahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
Makatutulong ito upang makita mo ang halaga ng iyong pag-iral sa mundo na ikaw bilang
tao ay mayroong misyon na dapat gampanan sa iyong buhay. Anoman ito ay dapat mong
pagnilayan at ihanda ang iyong sarili kung paano mo ito sisimulan at gagawin. Mula dito,
kailangang maging malinaw sa iyo ang iyong pag-iral: ikaw ay mayroong misyon na dapat
gampanan.
Ano nga ba ang misyon? Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na
magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan. Para sa iba ito ay pagtupad sa isang trabaho o
tungkulin nang buong husay, na may kasamang kasipagan at pagpupunyagi.
Lahat ng tao ay may nakatakdang misyon sa buhay. At dahil iba-iba ang tao, iba-iba
rin ang kanilang misyon. Maaaring isagawa ang misyong ito sa pamilya, kapuwa, paaralan,
simbahan, lipunan o sa trabaho o gawain na iyong ginagawa. Kung kaya’t mahalaga na
ngayon pa lamang ay makabuo ka ng iyong PPMB upang mula dito ay makita mo o
masalamin mo kung saan ka patungo.
Mula sa misyon, ay mabubuo ang tinatawag na bokasyon. Ang bokasyon ay galing
sa salitang Latin na “vocatio”, ibig sabihin ay “calling” o tawag. Ito ay malinaw na ang bawat
tao ay tinawag ng Diyos na gampanan ang misyon na ipinagkaloob Niya sa atin. Ito ay
mahalaga sa pagpili mo ng propesyong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo,
at isports pagkatapos mo ng Senior High School.
May pagkakaiba ba ang propesyon sa misyon? Mahalaga na ito ay iyong mabatid
sapagkat sa anomang propesyon na iyong tatahakin, kailangan na makita mo ang kaibahan
nito at kung paano mo ito iuugnay sa iyong buhay.
Ang propesyon ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ang
resulta ng kaniyang pinag-aralan o matagal ng ginagawa at naging eksperto na siya rito. Ito
ay maaaring gusto niya o hindi ngunit kailangan niyang gawin sapagkat ito ang
pinagkukunan niya ng kaniyang ikabubuhay. At dahil sa ikabubuhay lamang nakatuon ang
kaniyang paggawa hindi siya nagkakaroon ng ganap na kasiyahan.
Ang bokasyon naman ay katulad din ng propesyon ngunit nagiging mas kawili-wili
ang paggawa para sa tao. Mas lalo siyang nasisiyahan sapagkat nagagamit niya ang
kaniyang talento at hilig sa kaniyang ginagawa. Hindi niya nararamdaman ang pagkabagot.
Hindi nagiging kompleto ang araw sa kaniya kung hindi ito magagawa sapagkat ito ang
nakapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang buhay. Mula dito ay hindi na lamang simpleng
trabaho ang kaniyang ginagawa kundi isang misyon na nagiging isang bokasyon. Dito tunay
na nagkakaroon ang tao ng tunay na pananagutan sapagkat naibabahagi niya ang kaniyang
sarili at kumikilos siya para sa kabutihang panlahat.
Kaya napakahalaga para sa isang tao lalo na sa iyo bilang kabataan na bumuo ng
PPMB. Nakikita mo na ba ang kahalagahang ito para sa iyo? Ito ang makapagbibigay ng
direksiyon sa iyong buhay upang sa pagtahak mo ng iyong misyon patungo sa iyong
bokasyon ay maging malinaw na nakapagbibigay ito sa iyo ng kaganapan bilang tao.
Mula rito ay madarama mo ang tunay na kaligayahan. Wika nga ni Fr. Jerry Orbos:
“Ang pangunahing sangkap para sa tunay na kaligayahan ng tao ay magkaroon ng misyon.”
Aniya, ang misyon ay hindi lamang para kumita ng pera, maging mayaman o maging kilala o
tanyag. Ang tunay na misyon ay ang maglingkod. Ang paglilingkod sa Diyos at sa kapuwa
ang magbibigay sa tao ng tunay na kaligayahan.
Upang ikaw ay lubos na magabayan sa pagbuo ng iyong PPMB, narito ang
halimbawa ng PPMB ng isang mag-aaral.

Balang araw ay nais kong maging isang inhinyero at instrumento sa


pagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos at pagpapalaganap ng Kaniyang mga salita at
karunungan sa lahat, lalo na sa kabataan, maliliit na bata at mga tinedyer sa
pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, pagsasaliksik at pag-alaala sa walang hanggang
pagmamahal ng Diyos sa lahat ng aking ginagawa.

Elemento Hakbang sa Gagawin Takdang Oras/Panahon

Pag-aaral ng mabuti  Pagbabalik-aral sa  2 oras araw-araw


mga nagdaang aralin
 Regular na pag-aaral
ng mga asignatura
Pagsasagawa ng  Pananaliksik sa mga  Isang beses isang
Pananaliksik problema na Linggo
kinakaharap ng
lipunan  Isang beses isang
 Pananaliksik tungkol Linggo
sa mga bagay na
makapupukaw ng
atensiyon sa
kabataan, maliliit na
bata at mga tinedyer

Pag-alaala sa Diyos  Panalangin  Araw-araw


 Pagdalo sa Banal na  Tuwing Linggo
Misa
 Pagsali sa mga  Sabado at Linggo
gawain sa simbahan
at organisasyon

Sa paggawa nito isaalang-alang ang kraytiryang SMART, ibig sabihin, Specific,


Measurable, Attainable, Relevant, Time Bound. Ito ay mahalaga upang maging kongkreto sa
iyo ang iyong tatahakin sa iyong buhay.

Tiyak (Specific). Kailangan ang lahat ng isusulat mo dito ay ispisipiko. Kung kaya’t
mahalaga na magnilay ka upang makita mo ang nais mong tahakin. Hindi makatutulong sa
iyo kung pabago-bago ka ng iyong nais. Kailangan mong siguraduhin ang iyong gagawin.
Nasusukat (Measurable). Nasusukat mo ba ang iyong kakayahan? Kailangan na ang
isusulat mo sa iyong PPMB ay kaya mong gawin at isakatuparan. Dapat mo ring
pagnilayang mabuti kung ito ba ay tumutugma sa iyong mga kakayahan bilang isang tao
dahil kung hindi, baka hindi mo rin ito matupad.
Naaabot (Attainable). Tanungin ang sarili: Makatotohanan ba ang aking PPMB? Kaya ko
bang abutin o gawin ito? Mapanghamon ba ito?
Angkop (Relevant). Angkop ba ito para makatugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa?
Isa ito sa kinakailangan mong tingnan at suriin. Dito ay kailangang ituon mo ang iyong isip
na ang buhay ay kailangan na ibahagi sa iba.
Nasusukat ng Panahon (Time Bound). Kailangan na magbigay ka ng takdang
panahon o oras kung kailan mo maisasakatuparan ang iyong isinulat. Ito ang
magsasabi kung ang personal na pahayag ng misyon sa buhay ay iyong nagawa o
hindi. Kailangan rin na itakda ito kung pangmatagalan o pangmadalian lamang
upang maging gabay mo ito sa iyong mga pagpaplano at pagpapasiyang gagawin.
Kung ang isang barkong naglalayag sa dagat sa gabi at sa panahon ng bagyo ay
makaranas ng kawalan ng direksiyon, ano kaya ang gagabay dito upang maiwasan ang
pagkaligaw ng daan at malayo sa kapahamakan? Walang iba kundi ang lighthouse. Ito ay
tore o gusali na kumukuha ng ilaw mula sa mga lampara o lenses at ginagamit bilang gabay
ng mga naglalayag na barko laban sa mga panganib o pagkalubog sa dagat. Maituturing mo
ba ang iyong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay bilang iyong lighthouse? Paano
kang makasesegurong makararating nang ligtas sa iyong destinasyon (iyong mga mithiin at
pangarap sa buhay) gamit ang iyong lighthouse?

Pagyamanin

Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas.


Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang kahulugan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
2. Ano-anong pansariling pagtataya ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa mo ng
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay? Ipaliwanag ang bawat isa.
3. Bakit kailangang alamin ng isang tao kung sino ang pinakasentro ng kaniyang buhay
bago siya gumawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
4. Bakit mahalagang magkaroon ng direksiyon ang buhay ng tao?
5. Mayroon bang pagkakaiba ang misyon sa propesyon? Patunayan.
6. Sa iyong palagay makatutulong ba ang pagbuo mo ng Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay upang maging malinaw sa iyo ang karera o kurso na iyong pipiliin? Ipaliwanag.
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9. Modyul Para sa Mag-aaral. (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 239-247

O kamusta? Dito nagtatapos ang iyong mga gawain sa Ikatlong linggo. Para sa
Ikaapat na linggo, gawin ang mga gawain sa ibaba. Balikan ang babasahin sa Suriin bilang
gabay mo sa pagsasagawa ng mga gawain simula sa Pagyamanin Gawain 3b.

Gawain 3b: Pagninilay


Panuto: Nais mo bang lalong mapatatag ang iyong natutuhan sa modyul na ito?
1. Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba.

Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking pagkaunawa Ano-anong hakbang ang
kaalamang pumukaw sa at reyalisasyon sa bawat aking gagawin upang
akin? konsepto at kaalamang ito? mailapat ang mga pang-
unawa at reyalisasyong ito
sa aking buhay?
1. Personal na Pahayag
ng Misyon sa Buhay
2. Bokasyon

Isaisip
Gawain 4a: Paghihinuha ng Batayang Konsepto
Panuto: Matapos mong basahin at pagnilayan ang babasahin, kailangang masagot mo ang
Mahalagang Tanong na: Paano bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay?
1. Mula sa iyong mga pagkatuto sa babasahin, punan ng mga angkop na salita ang
pangungusap sa ibaba upang mabuo ang Batayang Konsepto.
2. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

panlahat Misyon nilalang kumikilos Personal

Ang __________ na Pahayag ng __________ sa Buhay ay dapat na nagsasalamin


ng kaniyang pagiging natatanging __________ na nagpapasiya at ____________
nang mapanagutan tungo sa kabutihang ____________.

Isagawa

Gawain 5: Pagganap
Panuto: Nais mo bang makamit ang iyong mithiin sa buhay? Halina balikan natin ang nabuo
mong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) noong ikaw ay nasa
Baitang 7. May nais ka bang baguhin o paunlarin nito?
1. Balikan ang nagawa mong PPMB ayon sa kasalukuyang natutuhan mo sa pagbuo nito
upang baguhin o paunlarin ito.
2. Kung wala ka pang PPMB, bumuo ka nito gabay ang halimbawa sa pahina 8 ng bahaging
Suriin.
3. Pagkatapos mong mabuo ito, maaaring pumili mula sa dalawang mungkahing paraan ng
presentasyon ng output mo rito.
a. Maaaring isulat ito nang maayos sa isang short size bond paper at lagyan ng disenyo
ang margin. Ilagay ito sa dingding sa harap ng mesa kung saan ka nag-aaral para
makikita mo lagi ang iyong PPMB pagkatapos ma-tsek at maibalik ito sa iyo ng iyong
guro.
b. Maaari namang i-encode ito na may disenyo din, ipa-print at ipa-laminate na kasing
laki ng school ID at gawing bag tag. Ngunit, habang may pandemya pa, ilagay mo
muna ito sa mesa kung saan ka nag-aaral para makikita mo lagi ang iyong PPMB
pagkatapos ma-tsek at maibalik ito sa iyo ng iyong guro.
Narito ang kraytirya para sa Pagtataya ng output sa Gawain 5:
5 - Makatotohanan, tiyak, angkop at malinaw ang nabuong Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay (PPMB)
4 - May tatlo sa apat na kraytirya na nabanggit mula sa makakuha ng limang (5) puntos
3 - May dalawa sa apat na kraytirya na nabanggit sa makakuha ng limang (5) puntos
2 - May isa sa apat na kraytirya na nabanggit sa makakuha ng limang (5) puntos itaas
1 – Wala sa apat na kraytirya na nabanggit sa makakuha ng limang (5) puntos

Buod
Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay dapat na nagsasalamin ng
pagiging natatanging nilalang ng tao na nagpapasiya at kumikilos nang mapanagutan tungo
sa kabutihang panlahat.

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ang sumusunod ay mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay (PPMB) maliban sa:
A. Alamin ang iyong mga layunin sa buhay
B. Suriin ang iyong mga pagpapahalaga
C. Pagnilayan ang nais mong marating
D. Makipag-usap sa mga kaklase
2. Alin sa mga situwasiyon ang napapakita ng hakbang na angkop sa pagbuo ng
makabuluhang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB)?
A. Si Martin ay marami ng naisulat na mga sanaysay.
B. Si Lory ay nagninilay sa kaniyang pansariling salik at mga katangian.
C. Si Jason ay nagkalap ng impormasyon sa mga kurso sa Senior High School.
D. Si Earl ay palaging nakikinig sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa kaniya.
3. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon sa buhay ang isang tao?
A. Upang makamit ang itinakdang mithiin sa buhay
B. Upang hindi siya magkamali kailanman
C. Upang purihin siya ng iba
D. Upang yumaman
4. Bilang mag-aaral sa Baitang 9 na may pangarap sa buhay, ano ang iyong
gagawin upang maisakatuparan ito?
A. Alamin at unawain ko ang mga panloob at panlabas na salik sa pagpili ng track o
kurso
B. Maging kampante na maabot ko ang aking pangarap
C. Maging bilib sa sarili sa lahat ng pagkakataon
D. Makinig sa lahat ng sinasabi ng ibang tao
5. Paano maipakikita ng isang mag-aaral sa kaniyang PPMB na siya ay nagpapasiya at
kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat?
A. Naipahahayag ang kaniyang napagninilayang misyon sa buhay
B. Naisa-isa ang mga kagustuhan niya sa buhay
C. Naisulat lahat ng kaniyang mga ginagawa
D. Naisaisip ang mga sinasabi ng magulang

6. Sino ang may-akda ng Seven Habits of Highly Effective People na naniniwalang


nararapat na ngayon pa lamang ay dapat malinaw na sa iyong isip kung ano ang nais
mong mangyari sa iyong buhay?
A. Jurgen Hubernas B. Howard Gardner C. Stephen Covey D. John Holand
7. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Personal na Pahayag ng Mithiin sa Buhay (PPMB)?
A. Upang magkaroon ng gabay sa mga pagpapasiya at ng pokus sa pagtupad ng
itinakdang mithiin sa buhay
B. Upang higit na makilala ng tao ang kaniyang sarili
C. Upang masagot ang mga tanong sa buhay
D. Upang matuwa ang mga magulang
8. Natutuhan mo sa EsP 9 na mahalagang sigurado ka sa direksyong tatahakin upang
Makamit mo ang iyong layunin sa buhay. Ano ang dapat mong gawin upang
mapagtagumpayan ang mga layunin mo sa buhay?
A. Magkaroon ng tamang batayan ng iyong gagawin na mga pagpapasiya sa araw-
araw
B. Magkaroon ng sapat na impormasyon tungkol sa iyong gustong makamit sa buhay
C. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
D. Magkaroon ng maraming tagapayo tungkol sa kukunin na kurso
9. Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan. Sang-
ayon ka ba rito?
A. Oo, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
B. Oo, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa mga konteksto ng kaniyang buhay.
C. Hindi, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
D. Hindi, sapagkat magkaroon siya ng problema kung babaguhin niya ang saligang ito.
10. Bakit itinuturing na higit sa trabaho, propesyon o negosyo ang bokasyon?
A. Sapagkat ito ay kalagayan o gawain na naaayon sa plano ng Diyos sa atin
B. Sapagkat dito nakasalalay ang anomang kaligayahan
C. Sapagkat dito tayo makapagsimula sa buhay
D. Sapagkat may nakalaan sa bawat isa sa atin

Karagdagang Gawain

Gawain 6: Pagsasabuhay
Panuto: Ano ang nararapat mong gawin sa nabuo mong Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay upang siguradong makamit mo ang mithiin mo rito?
1. Tingnan uli ang nabuo mong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
2. Gumawa ng konkretong plano ng pagsasabuhay ng iyong PPMB gamit ang kraytiryang
SMART. Malaki ang maitutulong nito upang mapatingkad ang pagiging natatanging
nilalang mo na nagpapasiya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang
panlahat.
3. Gamitin mong gabay ang tsart sa pahina 8 ng bahaging Suriin.
Narito ang rubrics para sa Pagtataya ng output sa Gawain 6:
5 – Makikita ang limang kraytiryang SMART sa Plano ng Pagsasabuhay ng PPMB
4 - May apat sa kraytiryang SMART ang makikita sa Plano ng Pagsasabuhay ng PPMB
3 - May tatlo sa kraytiryang SMART ang makikita sa Plano ng Pagsasabuhay ng PPMB
2 - May dalawa sa kraytiryang SMART ang makikita sa Plano ng Pagsasabuhay ng PPMB
1 - May isa sa kraytiryang SMART ang makikita sa Plano ng Pagsasabuhay ng PPMB

Susi sa Pagwawasto
Subukin

Tayahin
Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9. Modyul para sa Mag-
aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.
Kagawaran ng Edukasyon, K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao,
Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.
Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at the National
Training of Trainers on the K To 10 Critical Content in Edukasyon sa Pagpapakatao,
Guimaras Province, May 6, 2019.
Peralta, Luisita B. “Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon
ng Pagdadalaga/Pagbibinata”. Module presented at the Alignment, Revision and
Finalization of the OHSP Modules with the K-12 Curriculum, Tagaytay City,
September 26, 2017.
Para sa mga katanungan at puna, maaaring sumulat o tumawag:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo St., Iligan City
Telefax: (063) 221-6069
E-mail Address: iligan city@deped.gov.ph

You might also like