You are on page 1of 35

SANDIGAN NG LAHI …

IKARANGAL NATIN

Maria Consuelo C. Jamera


Aralin 2.1

ANG PANITIKAN SA PANAHON


NG AMERIKANO
Binabati kita sapagkat natapos mo na ang iyong gawain sa katatapos na aralin. Ngayon ay handa ka
ng tuklasin at palawakin ang iyong kaalaman sa aralin na tungkol sa akdang pampanitikan na Sarsuwela
na namayani noong Panahon ng Amerikano.

Sa araling ito ay matutunghayan natin ang sarsuwelang “Walang Sugat” na isinulat ni Severino
Reyes. Ito ay isang melodrama o komedyang binubuo ng tatlong yugto at tungkol sa damdamin ng tao
tulad ng pag-ibig, galit, paghihiganti, kalupitan, paghihimagsik o kaya’y mga suliraning panlipunan at
pampolitika noong Panahon ng Español . Ang kathang pantanghalang ito ay naiiba sa mga dramang
napapanood mo sa kasalukuyan dahil may mga bahagi o diyalogong inaawit dito.

Noon, isang mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng isipin at damdaming makabayan ang


sarsuwela. Isinisigaw nito ang pagmamahal sa bayan at paghihimagsik laban sa mga mananakop na
dayuhan, tulad ng akdang babasahin mo na pinamagatang “Walang Sugat” ni Severino Reyes. Sa
bahaging ito, tatalakayin natin ang tungkol sa sarsuwela. Bukod dito, pag-aaralan natin ang kaantasan
ng pang-uri upang masagot mo kung masasalamin ba sa sarsuwela ang kalagayang panlipunan sa
panahon ng Amerikano? Narito ang mga gabay na tanong na iyong sasagutin.

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang sarsuwela?
2. Bakit ito kinagiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano?
3. May sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Patunayan.
4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang sarsuwela?
5. Masasalamin ba sa Sarsuwela ang kulturang Pilipino? Ipaliwanag.

Simulan natin ang pag-aaral ng Sarsuwela sa pamamagitan ng pagpili sa sumusunod na mga


pangalan na nakilala bilang manunulat at ang kanilang mga akdang naisulat.
GAWAIN : 2.1.1 f: Akda Ko, Tukuyin Mo
Nasa larawan ang mga taong may kinalaman sa kasaysayan ng panitikan sa
Pilipinas na namayani hanggang sa kasalukuyan. Hanapin mo sa kabilang hanay, Hanay B,
ang akdang isinulat ng mga manunulat sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Hanay A Hanay B

A. Walang Sugat

B. Dalagang Bukid

C. Kahapon, Ngayon at Bukas

D. Ako Ang Daigdig

E. Sa Aking Mga Kababata


F. Isang Punongkahoy
Inaasahan kong nasagot mo nang wasto ang tanong. Kung hindi naman ay huwag kang mag-
alala sapagkat layunin ng araling ito na sa sariling sikap at tiyaga ay mahanap mo ang tamang
kasagutan. Ang huling bahagi ay sa iyo nakabatay. Subukin mo ang dating kaalaman sa paksang
tatalakayin.

Alam mo ba …
Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay itinuturing na Ama ng 
Sarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula. Nang itinatag ang 
Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot nito. Siya rin ay nagsilbing
pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan
ng mga manunulat.
Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kuwentong isinulat niya tungkol kay
Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-patnugot sa
Liwayway. Nang sinabihan siya ng kaniyang mga patnugot na wala ng natitirang
materyales upang punuin ang isang maliit na espasyo sa isang pahina ng magasin,
kinailangan niyang magsulat ng isang kuwento upang umabot sa takdang oras. Matapos
na maisulat ang kuwento, nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay bilang
may-akda kuwentong ito.
Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kaniyang kaibigan sa
Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala
sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mga kabataan sa
kanilang lugar at makikinig sa mga kuwento ni Tandang Basyang. Kaya naman, matapos
nito, ang mga kuwento na naisulat ni Reyes ay may pirma na  Lola Basyang. Unang
nailathala ang kuwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925. Siya ay nakasulat ng
26 na Sarsuwela.
Matapos mong mabasa ang tungkol kay Severino Reyes, ngayon naman ay ating alamin ang tungkol sa
kasaysayan ng Sarsuwela.

Ang Sarsuwela ay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa España


noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at
tugtugin at may paksang mitolohikal at kabayanihan. Hinango ang taguring Sarsuwela
sa maharlikang palasyo
ng La Zarzuela na malapit sa Madrid, España. Sa Pilipinas, dinala ito ni Alejandro
Cubero noong 1880 kasama ni Elisea Raguer. Itinatag nila ang Teatro Fernandez, ang
unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas.
Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Español ay namulaklak
noong Panahon ng Himagsikan at ng Amerikano sa pamamayani nina: Severino Reyes na
kilala sa taguring Lola Basyang sa kaniyang “Walang Sugat”, Hermogenes Ilagan
“Dalagang –Bukid”, Juan K. Abad “Tanikalang Ginto”, Juan Crisostomo Sotto “Anak
ng Katupunan”, at Aurelio Tolentino “Kahapon, Ngayon, at Bukas.”
Ang Sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal
sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang tungkol sa
isang dula sa pamamagitan ng panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa
totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan.Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na
tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat
ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at
batay sa isang iskrip.
Mga Elemento ng Sarsuwela
1. Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay
na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
2. Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-buhay sa iskrip.
Sila ang bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.
3. Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan ang daan, sa
loob ng siid-aralan, at iba pa ay nagiging tanghalan din.
4. Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang
nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng
pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor
sa iskrip.
5. Manonood – Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng
nagtatanghal. Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat tagpo , yugto at
bahagi ng dula.
6. Eksena at tagpo-   Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan
samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.

Ngayon ay dumako na tayo sa Sarsuwelang isinulat ni Severino Reyes na “Walang Sugat”.


Ituloy mo lamang ang pagbabasa at gagabayan kita sa tulong ng nakawiwiling mga gawain
upang lalo mo pang maunawaan ang araling ito. Halika simulan mo na.
Basahin at Unawain.

Walang Sugat Julia : Panyo’t dito ka sa dibdib,


ni Severino Reyes Sabihin sa aking ibig
UNANG BAHAGI Na ako’y nagpapahatid
I Tagpo: Isang matunog na halik.
(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga  
bordador. Musika) Koro : Ang karayom kung iduro
Koro : Ang karayom kung iduro Ang daliri’y natitibo.
Ang daliri’y natitibo, Hoy tingnan ninyo si Julia
Kapag namali ng duro Pati panyo’y sinisinta,
Burda nama’y lumiliko
Kapag panyo ng ibig
Julia : Anong dikit, anong inam Tinatapos ng pilit
Ng panyong binuburdahan, Nang huwag daw mapulaan
Tatlong letrang nag-agapay Ng binatang pagbibigyan:
Na kay Tenyong na pangalan.
Ang panyo pa’y sasamahan
Koro : Ang karayom kung itirik Ng mainam na pagmamahal.
tumutimo hanggang dibdib.  
At ang magandang pag-ibig
Julia : Piyesta niya’y kung sumipot Kapag namugad sa dibdib
Panyong ito’y iaabot, Nalilimutan ang sakit
Kalakip ang puso’t loob, Tuwa ang gumigiit.
Ng kaniyang tunay na lingkod.  
Mga irog natin naman
Si Tenyong ay mabibighani Sila’y pawang paghandugan
Sa dikit ng pagkagawa Mga panyong mainam
Mga kulay na sutla, Iburda ang kanilang pangalan.
Asul, puti at pula.
Julia : Piyesta niya’y kung sumipot Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang
Panyong ito’y iaabot mga daliri ko.
Kalakip ang puso’t loob  
Ng kaniyang tunay na lingkod. Tenyong: (Nagtatampo) Ay!…
   
Koro : Nang huwag daw mapulaan Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi
Ng binatang pagbibigyan sasagot). Masama ka palang mapagod.
Ang panyo pa’y sasamahan  
Ng mainam na pagmamahal. Tenyong: Masakit sa iyo!
   
Salitain Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong,Tenyong…
Julia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y (sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong
mangagsayaw na. tubig!
(Papasok ang magkasintahan). (Lalabas si Tenyong ). Tenyong: Ay!
   
II TAGPO Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntunghininga!
(Tenyong at Julia…) (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor). (Sarili)
Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo… Lalo ko pang pagagalitin.
   
Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, Tenyong: Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia
masama ang pagkakayari, nakakahiya. ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi
  na ako nagagalit…
Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon  
lang?… ay… Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking
  bagay!
Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang
sa iyo. tuwa, narito at nakikita ko na minarapat
  mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan
Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito ko.
na hubog kandila, na anaki’y nilalik na maputing  
garing, ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo
tingnan ko lamang. ang panyong iyan…
Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang
Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng
Antonio; N. Narciso, at E. ay Flores. nagburdang si Juliang iniirog mo.
   
Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan. Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko.
   
Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga? Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng
  buhay ko.
Julia : Sa among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong  
kaarawan ng pasko. Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na
  tunay at di mapawi paglingap mo sa akin
Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang kusang mamalagi huwag malimutan sa
letra’y A, N, at F? tuwi- tuwi…
Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N,  
Natin at ang F ay Frayle. Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin.
   
Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa Julia : Tayo’y dumulog sa paa ng altar.
kanyang bulsa ang posporo at magkikiskis ng maraming  
butil at nag-aalab na magsasalita). Tenyong: Asahan mo.
   
Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa Sabay: ‘Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano
kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay … sinungaling pa’t wari ‘di na mamamatay sa piling mo oh!
ako… mangusap ka. (Tenyong) niyaring buhay (Julia)
Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban) maalaalang may kabilang buhay… (Lalabas si
  Juana).
Musika No. 2  
Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan. III TAGPO
  (Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas ) Salitain
Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong
nagising ang galit at ‘di mapigilan. makato?
(Nagulat si Julia at si Tenyong.) (Lalabas si Lukas. )
 
Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…! (Telong Maikli) Kalye
  IV TAGPO
Tenyong: Napaano ka, Lukas? (Musika)
  Koro at Lukas
Lukas : Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Lukas : Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin.
Santa Maria.  
  Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay
Tenyong: Diyata dinakip si Tatang? gayundin.
   
Lukas : Opo. Isang Babae: Naubos na ang lalaki.
   
Tenyong: Saan kaya dinala? Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae kami.
  Lukas : Marami pang lalaki.
Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin.  
  Lahat ng Lalaki: Huwag malumbay…kami ng nasasa
Tenyong: Tiya, ako po paparoon muna’t susundan si bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng bagay…
Tatang.  
  Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang
Juana : Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, damdam, kaming mga babae’y pabayaan, di namin kayo
magtapis ka… kailangan.
(Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas).  
  Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.
Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling  Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman.
ligayang tinatamo ng dibdib, ay tinutuntungan  Isang Babae: Asawa’y paroroonan.
kapagdaka ng matinding  Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan.
dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot  Lahat: Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng
mo sa amin ay maitutulad sa bango ng bulaklak, at sa bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap na
sandaling oras ay pagkain.
kusang lumilipas.
Mga Babae: Tayo na, tayo na.
 
Lahat: Sumakay na sa tren.
Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa
 Mga Lalaki: Doon sa estasyon.
iyo na dagdagan, Ay ang pagkain, hindi, ano sa
 
akin kundi sila kumain?Mabuti ngang mamatay silang
Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat) (Itataas
lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang palo,
ang telong maikli)
maraming palo ang kailangan.
 
 
V TAGPO
Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila
(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming
at nakaaawa po namang magsidaing; isang
mga bilanggong nakatali sa mga rehas).
linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang
 
walang tulog sila!
Salitain
 
Relihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon
Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala
sa amin; maraming tao ito…
awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilang
 
kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha!
Marcelo: Mason po yata, among?
 
 
Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa
Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil
isang araw na tinutuluyan,ngayon po’y lima ng kaban,
filibustero, sapagka’t kung siya’y sumulat maraming K,
at makalima po isang araw.
cabayo K.
 
 
Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang bese 25, at
Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!
makalimang 125, ay Huston 526 (binibilang sa
Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi,
daliri). Kakaunti pa! (Bibigyan si Marcelo ng kuwalta
kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng
at tabako).
C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti
 
mamatay siya.
Marcelo: Salamat po, among!
 
Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay?
Relihiyoso 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan
Marcelo: Wala po sana, datapwa’t nang mag-uumaga
Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon.
po ay pito lamang.
 Marcelo: Hindi sila makakain eh!
Relihiyoso1.0: Bakit ganoon? (gulat)
 
 
Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.
Marcelo: Dahil po, ay si Kapitan Inggo ay pingsaulan ng
hininga.  Relihiyoso 2.0: Tonto.
Relihiyoso 1.O: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga!
Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si  Tadeo : Bakit ka mumurahin?
Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi  
mamamatay si Kapitan Inggo. Juana : Kumusta po naman kayo, among?
   
Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong
laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap, noong araw
dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa kami ay walang
pagkakagapos. inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa
  kami’y alipin ng mga prayle; ngayon nga, kung sa
Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan bagay ay kami na angnamamahala, wala naman
naroroon ngayon? kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at
Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli hindi na dinadapit; ngayon napaglirip na ang mga
ng limangkaban. kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawing
  pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa
Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong malaking takot sa mga prayle.
kalilimutan, na siKapitan Inggo ay araw-araw  
papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at Juana : Totoo po ba ang sabi mo.
huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?  
Marcelo: Opo, among (Sa mga kasama niya) P.Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga
Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador? lklerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin
  niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na
Relihiyoso 2,3,4: Si, si, hemos traido. hangin.
   
Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo. Juana : Bakit dami mo pong mga pinakaing mga
  pamangking dalaga?
Marcelo: Hindi po makalakad, eh!  
Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Tenyong: Mahabaging Langit!
Gobernador.. a Manila, cogemeros el tren la Estacion de  
Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a Musika
fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman,
esto va mal. naglabas ang mga buto sa mga tinalian, lipos na
  ang sugat ang buong katawan,
Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal. nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang
  lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas
Los 3 : Si, si a fusilar, a fusilar. ( Papasok ang mga siyang naghahari lalang ni Lucifer sa
pari). demonyong lahi kay Satang malupit
  nakikiugali… Ah, kapag ka namatay oh, ama kong ibig,
VII TAGPO asahan mo po at igaganting pilit
(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso) kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng
Salitain prayle isa sa kikitil.
 Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi Salitain
humalik ng kamay sa among? Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi
  mangalay…
Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng  
kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong maniniwalang Inggo : Huwag na … anak ko… hindi na maaari…
sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay luray-luray na ang katawan…Tayo’y maghihiwalay na
pawalan, bagkus pa ngang walang pagsala! Bunso ko,
ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) huwag mong pababayaan ang Inang mo!
Kung nababatidlamang ng mga ito ang pinag- usapan Putin, ay Putin … Juana Julia.. kayo na lamang ang
ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamngmangan! inaasahan kong kakalinga sa kanila…Ang kaluluwa ko’y
(Ipapasok si Kapitan Inggo na nakadapa sa isang papag na inihain ko na kay Bathala.
makitid).  
 Putin : Inggo ko! Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong
 Tenyong: Tatang! ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito lamang ang
 Julia : Kaawa-awa naman! pasok ng kantang “Ang
dalawang braso’y…)
 
Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Tenyong: Mahabaging Langit!
Gobernador.. a Manila, cogemeros el tren la Estacion de  
Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a Musika
fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman,
esto va mal. naglabas ang mga buto sa mga tinalian, lipos na
  ang sugat ang buong katawan,
Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal. nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang
  lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas
Los 3 : Si, si a fusilar, a fusilar. ( Papasok ang mga siyang naghahari lalang ni Lucifer sa
pari). demonyong lahi kay Satang malupit
  nakikiugali… Ah, kapag ka namatay oh, ama kong ibig,
VII TAGPO asahan mo po at igaganting pilit
(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso) kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng
Salitain prayle isa sa kikitil.
 Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi Salitain
humalik ng kamay sa among? Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi
  mangalay…
Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng  
kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong maniniwalang Inggo : Huwag na … anak ko… hindi na maaari…
sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay luray-luray na ang katawan…Tayo’y maghihiwalay na
pawalan, bagkus pa ngang walang pagsala! Bunso ko,
ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) huwag mong pababayaan ang Inang mo!
Kung nababatidlamang ng mga ito ang pinag- usapan Putin, ay Putin … Juana Julia.. kayo na lamang ang
ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamngmangan! inaasahan kong kakalinga sa kanila…Ang kaluluwa ko’y
(Ipapasok si Kapitan Inggo na nakadapa sa isang papag na inihain ko na kay Bathala.
makitid).  
 Putin : Inggo ko! Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong
 Tenyong: Tatang! ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito lamang ang
 Julia : Kaawa-awa naman! pasok ng kantang “Ang
dalawang braso’y…)
 
Telong Maikli
Musika No.2
VIII TAGPO
Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman,
(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang
naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang
Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos).
buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang!
Salitain
Ang lahat ng ito’y gawa
Putin : Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa
ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang
atin! Julia, nangangatal ang buong katawan ko!
ni Lucifer sa demonyong lahi kay satang
Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay taos hanggang
malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama
likod! Ay, Tenyong, hindi
kong ibig, asahan mo po’t igaganting pilit
ako makahinga! Ang pusoko’y parang
kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng
pinipitpit sa palihang bakal! (Si Putin ay
prayle, isa sa kikitil.
mapapahandusay).
 
 
Julia : Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong
Tenyong: Langit na mataas! (Papasok lahat)
iya’y tadtarin man yata lahat niyang laman, buto
 
sampung taba, di makababayad sa utang ng madla.
IX TAGPO
Mga Babae at Lalaki: Di na kinahabagan kahit kaunti man,
(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia).
pariseos ay daig sa magpahirap.
Salitain
 
Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang
Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa
may rebolber ay dalhin.
ginawa kay Amang ng mga taong hunghan… ang awa’y
 
nilimot sa kalupitan…
Isa : Ako’y mayroong iniingatan.
 
Isa pa : Ako ma’y mayroon din.
Lalaki’t Babae: Wari mukha nang bangkay…
 
Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay
Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.
ni Tatang, Inang, tingnan mo’t naghihingalo… Tatang,
 
Tatang…
Isa : Nalalaman mo bang sila’y mangasisilulan?
 
 
Putin : Inggo ko… Inggo…
Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan
Tenyong: Patay na!
nila, at nabatid kotuloy na sasabihin daw nila
(Mangagsisihagulgol ng iyak)
sa Heneral na tayo’y pagbabarilin na.
 
Julia : Wala akong maitututol, tanggapin na lamang
Isa : Mga tampalasan. ang huling tagubilin! (Huhubarin ang
Isa pa : Walang patawad! garantilyang may medalyita; tangnan at isusuo kay
(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa Tenyong ang garantilya.) Ang larawang ito’y aking
lalabas si Julia). isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa
Julia : Tenyong, Tenyong! mga digma, kung siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga
Tenyong: Julia! panganib. Kung saka-sakaling irog ko’y
Julia : Diyata’t matitiis, na Ina’y lisanin mo sa masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang
kahapis-hapis na anyo? Di ba nalalaman mong sa kaniya’y mga sugat mo’y aking huhugasan ng masaganang
walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may damdam luhang sa mata’y nunukal.
niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na bugtong na  
anak? Bakit mo siya papanawan? Tenyong: Sa Diyos nananalig. 
Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili Julia : Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.
mong loob, di ba si Inang ay kakalingain mong parang Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang
tunay na ina; alang-alang Sa paglingap mo sa akin? Sa aking pagpanaw.
bagay, na ito, ano ang ipag- aalaala ko? Julia : Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.
Julia : Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating
ang maililingap ngisang lalaking kamukha mo ay di na ibig, ang pagluluwalhati.
maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag  
kang umalis! Julia : Tenyong na poon ko’y kahimanawari.
Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; Magliwayway uli’t dilim ay mapawi.
ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang  
oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang
nagpaubayang anak; ang Ina natin ay nangangailangan ng mangamba. Ako’t tutupad lang ng aking panata sa
tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang
pakikianib sa mga kasama. Aming
nakalulunos niyang himutok, angnakapanlulumo niyang daing:
“May anak ako,”anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon
tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko’y
na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng
matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga
sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!
magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin.  
 Julia : Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding
Julia : Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!
lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay.
 Juana : Bakit ba ganyan ang sagot mo?
 
 Julia : Wala po!
Tenyong: Juliang aking sinta!
 Juana : Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao,
 
bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa ang
Julia : Oh, Tenyong ng buhay!
hangarin mo?
Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang
Julia : Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng
aalis).
mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko
Julia : (Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (papasok)
po ay…
 
 Juana : Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang
X TAGPO
matalastas ko.
(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng
 Julia : Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.
bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga
prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)
 Juana : (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa
Sa loob.
iyo, ikaw ay bata pa nga- Anong pusu-puso ang
 
sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may
Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw
lalaking mangingibig ay tinatanggap ng mga mata at
ang pumatay sa ama ko – Perdon! Walang utang-na-di
itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay
pinagbabayaran! (Hagara at mapapatay ang mga prayle, isa
siyang sinusunod datapwa’t gayo’y iba na,
ang mabibitin na sasama sa tren).
nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayo’y
Telon
kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga
Wakas ng Unang Bahagi
mata at itinutuloy dito.
 Julia : (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa
Ikalawang Bahagi
puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang
I TAGPO
paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na
(Bahay ni Julia)
gumaganap ng maganda niyang k atungkulan, siya’y
Julia at Juana
nagpapahingalay na…
Salitain
 
Juana : Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito
Julia : Nakasisindak, Inang ko, ang mga
si Miguel at ang kanyang ama, sila’y pagpapakitaan nang
pangungusap mo!
mainam.
 
III TAGPO
 Juana : Siyang tunay!
(Julia, mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at
 
Juana)
Julia : Ako po’y makasunod sa masamang kalakaran
Musika
ng panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat na
Dalit ni Julia
udyok ng aking puso.
Oh, Tenyong niyaring dibdib,
 
Diyata’ ako’y natiis
Juana : Julia, tila wari… may kinalulugdan ka nang iba.
Na hindi mo na sinilip
Julia : Wala po!
Sa ganitong pagkahapis.
 
 
Juana : Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking
Ay! Magdumali ka’t daluhan,
iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sarili
Tubusin sa kapanganiban,
ang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas-
Huwag mo akong bayaang
makalawa’y mag-aasawa ka rin
Mapasa ibang kandungan.
lamang… ay kung mapasa-moro, ay mapasa-
 
Kristiyano na!
Halika, tenyong, halika,
 
At baka di na abutin
Julia : Sarili) Moro yata si Tenyong!
Si Julia’y humihinga pa…
 
Papanaw, walang pagsala!
II TAGPO
 
(Julia at Monica)
At kung patay na abutin
Salitain
Itong iyong nalimutan
Julia : Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa!.
Ang bangkay ay dalhin na lamang
 
Sa malapit na libingan.
Monica : (Sa loob) Pooo!
 
 
Huling samo, oh Tenyong,
Julia : Halika (Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay
Kung iyo nang maibaon
Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka…
Sa malungkot na pantiyon,
 
Dalawain minsan man isang taon.
Monica: Opo (Papasok).
 
Salitain Ikatlong Bahagi
P. Teban: (Pumalakpak)Mabuti ang dalit moJulia…  
datapwa’t napakalumbay lamang… Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon
Julia : (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko ni Tenyong sa liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng
nalalamang kayo’y nangagsirating…Kahiya-hiya po. kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel kay Julia ay si
P. Teban: Hindi. hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Tenyong naman ang nasa isip ng dalagang ayaw makipag-usap
Ang Inang mo? sa manliligaw kahit kagalitan ng ina.
Julia : Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok).  
P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay
na mabuting asawa..Marunong kang pumili, Miguel. Juana, na ina ni Julia. Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay
Tadeo : Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lukas na tumakas upang
po’y hindi maalam makiusap. (Lalabas si Juana). pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na
Juana : Aba, narito pala ang among! Mano po, among! sina Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kungdi ang
P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay? magpakasal o magpatiwakal. Pinayuhan ni Lukas si Julia na
Juana : Mabuti po, among. kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay buong
Tadeo : (Kay Miguel) Lapitan mo. lakas nitong isigaw ang “Hindi po!”. Ngunit tumutol ang dalaga
Miguel : Baka po ako murahin ah! 17 May manliligaw si Julia dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang kanyang ina.
na Miguel ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak  
ngunit dungo. Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang
Payo ni Aling Juana: ”Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at dumating si Tenyong na sugatan. Ipinatawag ng Heneral ng
itinutuloy saisip at di sa puso” Tutol si Julia kay Miguel. mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong.
Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling
Juana ang ukol sa anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala hiling ng binata – na sila niJulia ay makasal. Galit man si Juana
ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas. Si ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa huling
Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot kahilingan ng mamamatay. Gayundin si Miguel. Matapos ang
sa labanan. Natagpuan ni Lukas ang kuta nina Tenyong. kasal, bumangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel ng “Walang
Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang Sugat”. Gayundin ang isinigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng
pagkamatay ng inang si Kapitana Putin at ang araw ng kasal Heneral at ni Tenyong ang lahat.
niya kay Miguel. Sasagutin na sana ni Tenyong ang sulat  
ngunit nagkaroon ng labanan. Wakas (Magsasara ang telon)
GAWAIN 2.1.1 h: Hanap - Salita
Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na mga salitang nasa kahon. Pagkatapos,
gamitin mo ito sa pangungusap.

Hanay A Hanay B
_____ 1. pagkasiphayo a. sinisinta
_____ 2. sumisimsim b. kalungkutan
_____ 3. kaparangan c. apihin
_____ 4. malumbay d. awit- panalangin
_____ 5. dalit e. magtaksil
_____ 6. maglilo f. malungkot
_____ 7. magahis g. mamatay
_____ 8. makitil h. mapahamak
_____ 9. aglahiin i. mapulaan
____ 10. pagbabata j. kabukiran
k. pagtitiis
GAWAIN 2.1.1.i: Storyboard
Pagkatapos mong sagutan ang pagsasanay sa talasalitaan ay dumako na tayo sa kasunod na
Gawain.Ibuod mo ang Sarsuwela sa tulong ng sumusunod na story board. Piliin mo sa kasunod na mga
pangyayari. Isulat ang tamang letra sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod- sunod. Gawin sa papel.
Gayahin ang pormat.
a. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal.
b. Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong.
c. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong.
d. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel.
e. Namatay si Kapitan Inggo dahil sa sobrang palo na dinanas.
f. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni Kapitana Putin at pagpapakasal niya kay
Miguel.
g. Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw
ng “Walang Sugat”.
h. Ibinilin ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia.
i. Hinuli ng mga boluntaryo ng Sta. Maria si Kapitan Inggo.
j. Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang mapalaya ang Inang-bayan.

Walang Sugat
GAWAIN 2.1.1.j: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa
Sagutin ang mga tanong namay kaugnayan sa binasang akda upang masukat natin kung
naunawaan mo ang nilalaman nito.
1. Bakit hindi agad inamin ni Julia na kay Tenyong ang panyong kaniyang binurdahan?
2. Ano ang nangyari sa tatay ni Tenyong na si Kapitan Inggo? Ano-anong pagpapahirap ang naranasan
niya sa kamay ng mga prayle?
3. Isulat ang mga katangian ng mga tauhan sa akda. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

WALANG SUGAT

JULIA TENYONG LUKAS JUANA

________________ ________________ ________________ ________________


________________ ________________ ________________ ________________
________________ ________________ ________________ ________________
____ ____ ____ ____
4.Gamit ang Venn Diagram, ipakita ang pagkakatulad at pagkakiba ni Julia sa kababaihan sa kasalukuyan. Isulat sa papel
ang sagot. Gayahin ang pormat.
Pagkakatulad

JULIA

KABABAIHAN SA KASALUKUYAN

Pagkakaiba Pagkakaiba

5. Tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa isang lalaking mayaman ? Kung ikaw ang nasa
sitwasyon ni Julia, papayag ka ba sa pasiya ng iyong ina? Bakit?.
6. IIarawan ang namayaning damdamin sa Tagpo II.
7. Angkop ba ang pamagat na Walang Sugat sa akda? Bakit?
8. Tama ba na magtanim ng galit si Tenyong sa mga pari? Ipaliwanag.
Mahusay ang iyong ginawa. Madali mong naunawaan ang simulang bahagi ng aralin. Alamin mo naman ang
kaligirang pangkasaysayan ng Sarsuwela na namayani sa Panahon ng Amerikano. Gagabayan ka sa iyong pag-aaral
ng sumusunod na gabay na mga tanong.

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang Sarsuwela?
2. Bakit ito kinagiliwan mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano?
3. May Sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang akdang pampanitikan?
4.Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Sarsuwela bilang bahagi ng panitikang Pilipino?
5. Suriin ang kultura o kalagayang panlipunang masasalamin sa akdang Walang Sugat.
6. Kung ikaw ay kabataan na nabuhay sa Panahon ng Amerikano, paano mo maipakikita ang pagmamahal sa
bayan?
7. Sa pagwawakas ng gawain mo sa bahaging ito, maibibigay mo na ang iyong damdamin sa dulang
pantanghalang binasa mo. Gawin ito sa dyornal. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

PAGSULAT
Ituloy mo ang pahayag…
Habang binabasa ko ang Sarsuwela ako’y , dahil ako’y
. kaya nais kong maging
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating aralin. Nakatulong ba ang mga
salitang naglalarawan na ginamit ng may-akda sa binasang Sarsuwela? Marahil ay napansin mo na iba-iba
ang antas ng pang-uri na ginamit ng may-akda upang higit niyang maikintal sa isipan ng mambabasa ang
imahe na nais niyang iwanan sa isipan . Suriin natin ang ilan sa mga ito.
Kaantasan ng Pang-uri Ugnay-Wika

Pang-uri - Isang mahalagang bahagi ng panalita ang pang-uri.


Ang pang-uri ay bahagi ng panalita na naglalarawan ng pangngalan o ng panghalip.
Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay –Naglalarawan sa isa o isang pangkat ng tao, bagay, o pangyayari.
Halimbawa:
a. Nabighani ako sa kagandahan ng lugar na ito.
b. Masagana ang ani ng palay sa taong ito.
2. Pahambing -Nagtutulad ng dalawang tao, bagay, o pangyayari.
a. Pahambing na magkatulad – nagtataglay ng pagkakatulad na katangian.
Ginagamitan ito ng mga panandang sing, kasing, at magsing, magkasin
Halimbawa:
.Magsing-talino sina Felix Irving at Andrela.
. Sintanda ng aking ate ang guro ko sa musika.
b. Pahambing na di- magkatulad (pasahol)-Kung hindi magkapantay ang
katangian ng isang bagay na itinutulad sa iba. Ginagamitan ito ng mga pananda
tulad ng salitang di-gaano, di- gasino, higit, o lalo bago ang pang-uri at
sinusundan ito ng tulad, gaya o kaysa.
Halimbawa
• Di- gaanong magkapalad naging karanasan ni Alvin sa ibang kabataan .
• Di-gasinong matamis ang mangga rito na gaya sa Guimaras.
3. Pasukdol – ay ginagamit kung ipinapakita ang kahigitan ng isang bagay , tao o
pangyayari sa karamihan. Gumagamit ito ng mga pananda o pariralang
kay ganda-ganda, ubod ng, hari ng at mga kataga/salitang napaka, pinaka,
totoong, talagang, sadyang,ubod, hari, sukdulan ng, sobra, tunay, labis.
Paghusayin mo pa ang iyong kaalaman sa wika. Magsanay Tayo. Pagkatapos mong malaman ang
mga impormasyon sa kaantasan ng pang-uri, ngayon ay susubukin natin ang iyong kaalaman. Isulat sa
sagutang papel ang kaantasan ng pang-uri na sinalungguhitan sa bawat pangungusap. (lantay, pahambing
o pasukdol).

______________ 1. Tunay na bayani ng makabagong siglo si Kesz.


______________ 2. Si Kesz ay sikat na sikat na kabataang simbolo ng pag-asa.
______________ 3. Kami ay ubod saya sa tagumpay na kaniyang natamo.
______________ 4. Siya ang pinakabatang boluntaryong tumutulong sa Dynamic Teen Company
ni Peñaflorida.
______________ 5. Di- gaanong magkapalad ang naging karanasan ni Kesz
sa ibang kabataan ngayon.
______________ 6. Tunay na huwaran ang kabataang tulad ni Kesz Valdez.
______________ 7. Magkasingganda ng hangarin si Efren at si Kesz sa kanilang gawain.
______________ 8. Buhay man niya ay salat sa karangyaan at dunong ngunit hindi niya ipinagkait
ang lakas niya upang matulungan ang mga kabataan na naliligaw ng landas.
______________9. Sa gulang na tatlo, namalimos si Kesz gaya ng ibang mga batang lansangan at
nagkalkal ng mabahong basura para makahanap ng anumang bagay na may halaga na maaaring
ibenta upang suportahan ang kaniyang pamilya.
_____________ 10. Si Kesz ay may mabuting kalooban gaya ng kaniyang guro na si Efren
Peñaflorida.

Nasagutan mo lahat ang iyong gawain sa pagsasanay na ito. Kung hindi naman ay okey lang.
Gagabayan ka ng araling ito sa paglinang pa ng iyong kaalaman. Magkaroon ka naman ng paglalagom
kung ano ang iyong naunawaan sa pinag-aralan sa araling ito.
Mahalagang pag-aralan ang mga bahagi ng panalita na nagbibigay-turing sa
pangngalan o panghalip at ang pagbibigay ng paghahambing o pagtutulad nito batay sa
kaantasan ng pang-uri sapagkat nagiging mabisa ang pagsasalaysay at paglalarawan sa
mga tauhang karaniwang ginagamit sa isang sarsuwela. Ngayon ay maaari mo ng gawin
ang gawaing aking inihanda.

Bakit mahalagang gamitin ang kaantasan sa


paglalarawan?
Upang malaman natin kung lubos mo nang naunawaan ang ating pinag-aralang akda, balikan natin ang
mahalagang tanong na sumasalamin ba sa sarsuwela ang kulturang Pilipino gamit ang pinasidhing anyo
ng pang-uri? Patunayan. Isulat sa salamin (mirror graphic organizer) ang iyong sagot.

SARSUWELA SALAMIN NG KULTURANG


PILIPINO

Napatunayan mo na ang sarsuwela ay larawan ng kulturang Pilipino, bukod dito isa pa sa mga
tulong upang higit na masalamin ang kalagayang panlipunan. Nakatulong ba ang mga kaantasan ng
pang-uri upang mapalabas ang kulturang Pilipino upang makapaglarawan ng mabisa?
Binabati kita at ilang hakbang na lamang ay tapos na ang iyong paglalakbay. Upang matiyak natin
na naunawaan mo ang aralin, nais kong magsaliksik ka ng isang dula na naglalarawan ng
kalagayang panlipunan, kaugalian at paniniwala ng pamilyang Pilipino. Suriin mo ito. Ibuod at
ipaliwanag kung paano inilarawan dito ang mga nabanggit sa itaas.
Aralin 2.1

ANG PANITIKAN SA PANAHON


NG AMERIKANO
Ang layunin mo sa bahaging ito ay mataya natin kung tama ang pagkaunawa mo sa mahahalagang konsepto na
nakapoob sa buong aralin- Ang Panitkan sa Panahon ng Amerikano. Muli, sagutin mo ang mahahalagang tanong na ito.
Inaasahan kong kung may mali ka mang konsepto, ay naitama na natin ang mga ito sa tulong ng iba’t ibang gawaing iyong
pinagdaanan.
1. Bakit umusbong ang panitikang Pilipino noong Panahon ng Amerikano?
2. Bakit mahalagang unawain/pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa panahon ng mga Amerikano?
3. Tunay bang salamin ng kultura angmga akdang pamapanitkan? Patunayan.

Sagutin mo ang mga nabanggit na tanong sa paraang patalata. Maging matapat ka sa iyong pagsagot dahil dito ko
malalaman kung dapat na tayong magpatuloy sa susunod na aralin, o balikan pa ang ilang gawain upang sa gayo’y
magkaroon ka ng malalim na pag-unawa sa nilalaman ng araling ito. Makatutulong sa iyo kung sasagutin mo pa ang
Gawain sa ibaba/kabilang pahina.

Ano ang natutuhan mo sa kabuuan ng araling tinalakay? Isulat ang sagot sa iyong dyornal.

Sa araw na ito naunawaan ko na


____________________________________________________________
Natatandaan ko na natuwa ako sa na
____________________________________________________________
Ngayong araw na ito, maipagmamalaki kong natutuhan ko ang/ ang mga
___________________________________________________________________________

Marahil ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa balagtasan at sarsuwela. Gayundin, natutuhan mo
na ang kahalagahan ng malikhain at mapanagutang paggamit ng wika sa pamamagitan ng pag-unawa sa pagkakaiba ng
katotohanan o opinyon at kaantasan ng pang-uri. Natitiyak ko na sa tulong ng mga gawain na naisagawa mo ay higit na
lumawak at lumalim ang iyong pag-unawa. Paalala lamang na muli mong balikan ang Kahon ng Hinuha sa unahang
bahagi ng araling ito, at dugtungan mo na ang huling pahayag sa labas ng kahon upang matiyak mo kung nauunawaan
mo talaga ang araling ito. Maraming salamat.
Aralin 2.1

ANG PANITIKAN SA PANAHON


NG AMERIKANO
Sa mga natutuhan mong mga araling pampanitikan at pangwika ay natitiyak kong kayang-kaya
mong maisagawa ang Inaasahang Produkto- ang makasulat ka ng iskrip at diyalogo ng isang dula na
sumasalamin sa pamilyang Pilipino. Bago iyan, nakatitiyak ako na makatutulong sa iyo ang
karagdagang kaalaman na ito tungkol sa Inaasahang Produkto – ang pagsulat ng iskrip at diyalogo ng
isang dula. Atin pang ipagpatuloy at alamin naman kung ano ang iskrip at Diyalogo. Simulan na natin.
Ang Iskrip at Diyalogo
Sa isang pagtatanghal, walang kuwento ang maisasadula kung wala ang iskrip. Matatawag
lamang na dula ang isang katha kung ito’y itinatanghal, ngunit maitatanghal lamang ito kung may
iskrip na magsisilbing gabay ng mga tauhan upang magsadula. Taglay ng iskrip ang mga diyalogo ng
mga aktor sa pagtatanghal ng isang tagpo at maging ng buong dula.
Tinatawag na iskrip ang nakasulat na gabay ng aktor direktor at iba pa na nagsasagawa ng
dula. Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito. Sa iskrip matatagpuan ang galaw ng mga aktor, ang
mga tagpo, ang mga eksena. At gayundin ang diyalogo ng mga tauhan.

Ang diyalogo ang sinusundan ng mga aktor. Ito ang nagbibigay ng mga mensahe sa isang dula.
Diyalogo ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at ilan pang mga tauhan sa loob ng
isang dula.
Sa pamamagitan ng iskrip, mabibigyan ng pagpapakahulugan ng direktor kung anong magiging
kabuuan ng tagpuan, ang mga damit ng tauhan hanggang sa paraan kung paano isasaganap at
ipahahayag ng mga tauhan ang kani-kanilang diyalogo. Isa sa batayan upang gumanda ang isang
dula sa iskrip gayundin ang lawak ng karanasan ng direktor sa ganitong larangan.
Narito ang paraan ng pagsusulat ng Iskrip.
Paraan ng Pagsusulat
Ayon kay Sicat sa kanyang sanaysay na “Sa Pagsulat,” nagsisimula siya sa ideya. Mula sa ideya, aniya, itinatayo
niya ang balangkas sa isip at pinaglalapat-lapat niya rito, sa pamamagitan ng mahiwagang kapangyarihan ng imahinasyon,
ang samu’t saring impresyon, gunita, larawan, damdamin at pangyayari. Tila siya mangangaso, kung saan-saan siya
nakararating. Narito ang mga paraan o teknik kung paano makasusulat ng iskrip

1. Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang mga sinusulat. Nakabaling ito sa tono’t himig na
hangad ipahiwatig sa katha.
2. Mgsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang masalang mabuti kung ano ang mga gagamiting salita sa diyalogo.
3. Piliin ng salita na gagamitin depende sa manonood o paksa.
4. Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento. Ito ang mensahe ng kuwento, anyo (form) sapagkat
mapapailalim sa anyo ang kasiningan ng pagsusulat. Dito pumapasok ang estilo.
5. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangakas, ang mga dibisyon (ang simula, sinulong, at wakas). Dapat rin na
pag-aralan ang makatotohanan at epektibong banghay (plot), karakter (character), tagpuan (location), paningin
(point of view), at iba pang sangkap sa pagkatha. Sa pagsulat ng iskrip nalrarapat na lakipan ito ng angkop na tunog
sapagkat ang iyong gagawin akda ay pagbabatayan at pinakabuhay ng isang dula.

Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng iskrip ng dula. Nakatitiyak ako na magiging
matagumpay ang inyong gagawing produkto. Basahin at isagawa ang sitwasyon. Gamiting gabay ang sumusunod na
pamantayan sa pagsasagawa nito.
Dahil sa lumalalang isyung panlipunan na may kinalaman sa estado ng ating pamayanan tungkol
sa kultura, gawi, kaugalian ng pamilya, ang NCCA kasama ang Lokal na Pamahalaang Panturismo,
DSWD ay maglulunsad ng isang patimpalak sa dulang pantanghalan na magtatampok sa mga
pamilya na hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa ang mga kultura, gawi sa makabagong panahon.
Ang timpalak ay naglalayon na mahikayat ang bawat pamilya na magsilbing inspirasyon sa
komunidad.
Ikaw bilang pangulo ng Samahang Kabataan (SK) ang napiling mamahala ng inyong
punong bayan sa patimpalak na ito. Upang mangalap ng mga pamilya na naangkop sa aganitong
kategorya. Ang magwawaging lahok ay tatanggap ng salapi, tropeo at sertipiko at mailalathala sa
lokal na pahayagan sa bayan. Inaasahan na ang dula ay dapat na makatotohanan, may angkop na
kasuotan, naaangkop sa tema, may angkop na tunog, ilaw,at tagpuan, mahusay ang iskrip at
sumasalamin sa kultura at paniniwala ng pamilyang Pilipino.
Rubrik sa Pagsulat ng Iskrip at Diyalogo
Mga Pamantayan Napaka- Mahusay Katamtam Hindi Nangangailangan
husay 4 ang Mahusay pa ng
5 Husay 2 Pagpapahusay
3 1
a. Pagkamalikhain
a. Makatotohanan at
kapani-paniwala ang
pagkakasulat ng iskrip
a. Orihinal
a. Sumasalamin sa
kulturang Pilipino at
naaangkop sa
kasalukuyan
a. Wasto ang pagkakagamit
ng wika

Interpretasyon
21- 25 -Napakahusay
16- 20 -Mahusay
11-15 -Katamtamang Husay
6-10 -Hindi Mahusay
1-5 -Nangangailangan pa ng Pagpapahusay
Nakumpleto mo na ang araling ito. Bago ka dumako sa susunod na aralin, Bakit hindi mo subuking itaya ang
iyong mga natutuhan? Maaari mo ng sagutan ang pangwakas na pagsusulit upang matiyak natin kung sapat na ang
iyong kahandaan. Simulan mo na.

You might also like