You are on page 1of 8

METALINGGWISTIK NA

PAGTALAKAY SA
WIKANG FILIPINO
MR. MOHAIMEN L. TAUG
Nabubuhay tayo sa daigdig ng mga salita (Fromkin at Rodman, 1983).
Mula sa paggising sa umaga patungong pagtulog sa gabi, nagsasalita
tayo dahil nakikipag-usap tayo. May taong kumakausap sa hayop,
may mga taong kahit natutulog ay nagsasalita. Kinakausap din natin
ang ating sarili sa ating pag-iisa o kahit may kaharap pang tao. At,
syempre, sa pagsasalita gumagamit tayo ng wika.

ANO NGA BA TALAGA ANG WIKA?


Instrumento ng tao sa pagpapahayag ng kanyang sarili
para makamit ang mithiin at adhikain niya sa buhay. Sa
pamamagitan ng wika ay naipaparating ng tao ang
mga impormasyon na gusto niyang maibahagi sa iba.

ADAMSON HOEBEL (1966)


Walang makapagsasabi kung saan o paano ba talaga
nagsimula ang wika. Maaring ang tao noon ay
nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pag-iyak,
paghiyaw, pagkilos o paggalaw/kumpas hanggat ang
mga senyas na ito ay binigyan ng mga simbolo at
kahulugan.
Ang wika ay isang likas at makataong
pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at mithiin.

Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag


na binubuo at tinatanggap ng lipunan.
Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga
sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang
wika ay hindi lamang binibigkas na tunog
kundi ito’y sinusulat din.
Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na inaayos sa paraang
arbitraryo.

Ang wika ay isang kabuuan ng mga


sagisag na panandang binibigkas na sa
pamamagitan nito ay nagkakaunawaan,
nagkakaisa at nagkakaugnay ang isang
pulutong ng mga tao.
Ang wika ay isang larawang isinasaletra’t isinasabokal, isang
ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak dito.

Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng


mga tunog para sa komunikasyon ng tao.

1. Pinagsama-samang tunog (combination of sounds)


2. May dalang kahulugan (words have meaning)
3. May ispeling
4. May gramatikal istraktyur (grammatical structure)
5. Sistemang oral-awral (oral-aural system)
6. Pagkawala o ekstinksyon ng wika (language loss)
7. Iba-iba, diversifayd at pangkatutubo o indijenus
(indigenous)
1. Dinamiko/buhay
2. May lebel o antas
3. Gamit sa Komunikasyon
4. Kabuhol ng kultura
5. Gamit sa lahat ng uri ng disiplina/propesyon

1. Pagpapangalan (labeling)- Ginagamit ito sa pagtitiyak o


pag-aaydentifay sa mga bagay, gawain, kilos, o tao .
2. Interaksyon- Tumutukoy ito sa pagbabahaginan ng mga
naisin o ideya.
3. Transmisyon- Ginagamit ang wika sa pagpapasa ng mga
impormasyon.
ANTAS NG WIKA
1. PORMAL– ito ang mga salitang istandard dahil
kinkilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami.
a. Pambansa – Ito ang wikang kadalasang
ginagamit ng pamahalaan, aklat pangwika, aklat
pamabalarila at paaralan. (Hal.: Ama)
b. Pampanitikan o Panretorika – Ito ang mga
salitang matatayog, malalim, makulay, masining at
ginagamit ng mga manunulat sa kanilang akdang
pampanitikan. (Hal.: Haligi ng Tahanan)
2. IMPORMAL – Ito ang mga salitang karaniwan,
pang-araw-araw, palasak, at kadalasang ginagamit
sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga
kakilala at kaibigan.
a. Lalawiganin – Ito ang mga bokabularyong
dayalektal. (Hal.: Amahan)
b. Kolokyal – Ito ay mga pang-araw-araw na
salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
(Hal.: Tatay-Tay)
c. Balbal – Ito ay maririnig sa mga usapang kalye.
(Hal.: Erpat)
1. Ang wika ay behikulo ng kaisipan.
2. Ang wika ay daan tungo sa pagkakaisa ng isang tao.
3. Ang wika ay nagbibigay ng kautusan o pagpapakilala sa
tungkulin at katayuan sa lipunan ng nagsasalita.
4. Ang wika ay kasasalaminan ng kultura ng isang lahi
maging ang kanilang karanasan.
5. Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o
grupong gumagamit ng kakaibang mga salitang hindi
laganap.
6. Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kanyang artistikong
gamit.
7. Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng
ibang lahi.
8. Ang wika ay tagapagbigkis ng lipunan.

You might also like