You are on page 1of 4

PANGKAT 3

DUPLO
Ano ang Duplo?
Ang Duplo ay isang larong may kaugnayan sa kamatayan
ng isang tao at may layuning aliwin ang mga naulila. Ito
ay patula ngunit hindi nangangailangan ng palagiang
sukat at tugma.
Ang halimbawa nito ay walang iisang paksa isang
madulang debate lamang kung saan ang isa ay magbi-
bintang na krimen sa isa pa na magta-tanggol sa kanyang
sarili.
Paano itinatanghal ang Duplo?
1. Isa rin itong larong may paligsahan sa pagtula kaya maari ring mauring tulang
patnigan.
2.Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae naman ay
duplera.
3. Sila ay tinatawag na bilyak at bilyaka kapag naglalaro na.
4. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng
sinumang nahatulang parusahan.
5. Ang parusa ay maaring pagpa-pabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng
namatay.
6. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kayamanan ay
magsusumbong ang bilyako sapagkat hinamak ng isang bilyaka.
7. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan.
8. Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangal sa isang namatay.
9. Nagpa-patalas ng isip sapagkat ang pagma-matuwid ay daglian oimpromptu.
10. Pinangungunahan ng isang matanda na gaganap na haring taga-hatol.
11. Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang sagutin ang
talinghaga.
.
I.
Ngayon masasaksihan ninyo ang halimbawa ng pagta-
tanghal ng Duplo mula sa aming pangkat.
II.
Sa pakikinig sa halimbawa ng Duplo anong iyong
masasabi?Magbigay ng isang paksa na iyong naaalala.
III.
Sa inyong pakikinig sa aming presentasyon
napagtanto ninyo na ang Duplo ay isang
napakatandang anyo ng panitikan munit maari
nating dalhin mula sa henerasyong ating kinalakhan.

You might also like