You are on page 1of 14

ARALIN 1

Ano ang mga salitang


maaaring maiugnay mo
sa salitang WIKA?
Wika
• Mahalagang instrumento ng komunikasyon.
• Behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng
mensahe sa isa’t isa.
Mga Dalubhasa sa Wika:
PAZ, HERNANDEZ, PENEYRA (2003)- ang wika ay tulay na
ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi
o pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating expresyon at
komunikasyon na epektibong nagagamit.
HENRY ALLAN GLEASON, Jr. (Lingguwista, propesor emeritus) sa
University of Toronto- Wika ay masistemang balangkas ng mga
tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
CAMBRIDGE DICTIONARY- ang wika ay isang
sistema ng komunikasyong nagtataglay ng tunog,
salita at gramatikang ginagamit sa
pakikipagtalastalasan ng mga mamamayan sa
isang bayan o sa iba,t ibang uri ng gawain.

CHARLES DARWIN (SIYENTIPIKO)-


naniniwalang ang wika ay isang sining tulad ng
paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake o
pagsusulat. Hindi raw ito tunay na likas sapagkat
ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan
bago matutuhan.
GAMIT NG WIKA
•Gamit sa talastasan
•Lumilinang ng pagkatuto
•Saksi sa lipunang pagkilos
•Lalagyan o imbakan
•Tagapagsiwalat ng damdamin
•Gamit sa imahinatibong pagsulat
Kategorya at Kaantasan ng Wika
1. Pormal- kung ito ay kinikilala at ginagamit ng higit
na nakararami, sa pamayanan, bansa, o isang lugar.
Madalas itong ginagamit sa mga paaralan at
opisina.
Antas
1.1 Opisyal na wika at Panturo- ginagamit sa
pamahalaan at mga aklat pangwika sa paaralan.
Ito rin ay ginagamit na wikang panturo. Ito ang
wikang ginagamit sa buong bansa.
• 1.2 Wikang pampanitikan- karaniwang ginagamit
sa akdang pampanitikan. Masining at malikhain
ang kahulugan ng mga salitang ito. (haraya, silay,
kabiyak, salinlahi)
2. Di-pormal- wikang madalas gamitin sa pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan. May 3 itong antas.
2.1 Wikang panlalawigan- mga salitang
dayalektal. Ginagamit sa partikular na pook o
lalawigan. May pagkakaiba-iba sa tono at kahulugan
sa ibang salita.
(adlaw-araw, balay- bahay, ambot- ewan, gisulti-sinabi)
•2.2 Wikang balbal- (slang) sa Ingles. Ito ay
nababago sa pag-usad ng panahon. Madalas
marinig ang mga salitang ito sa lansangan.
• Chicha (pagkain), epal (mapapel), utol
(kapatid), sikyu (guwardiya)
•2.3 Wikang Kolokyal- mga salitang
ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipag-usap.
•Ewan, kelan, musta, meron
•Aplikasyon
•Paano mo mapahahalagahan ang
wika? Maglahad ng mga sitwasyon
kung saan maipapakita natin ang
kahalagahan ng wika sa lipunan.
•tablue, awit/rap, sabayang pagbigkas,
pagguhit, tula, at iba pa.
Rubrik:
4 3 2 1
Pamantayan Napakahusay Mahusay Umuunlad Nagsisimula
Nilalaman Lubusang angkop at Angkop at May kakulangan Kailangan pang
makabuluhan ang makabuluhan ang nilalaman paunlarin
nilalaman nilalaman
Pakakabuo Napakahusay, Mahusay, Nakasunod Nakasunod bagama’t Kailangan pang
organisado, at sa gawain ngunit may kakulangan linangin ang gawain
Lubusang nakasunod hindi gaanong
sa gawain organisado
Presentasyon Malinaw, Malinaw, mahusay Di gaanong Linangin pa ang
napakahusay at may ngunit walang mahusay, walang paglalhad ng opinyon
batayan ang inilahad batayan batayan
na opinyon
Komunikasyon
• Pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng
impormasyon sa mabisang paraan. Isa itong
pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o
pakikipag-unawaan. (Webster)
• Isang proseso ng pagbibigay at pagtanggap,
nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang
mga impormasyon, kaalaman, kaisipan,
impresyon at damdamin.
Antas ng Komunikasyon
• Intrapersonal- nakatuon sa sarili o paraan ng
pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng dasal,
meditasyon, at pagninilay-nilay.
• Interpersonal- ang komunikasyon ay nagaganap sa
pagitan ng dalawa o higit pang kalahok.
• Organisasyonal- Nagaganap sa loob ng isang
organisasyon tulad ng paaralan, kompanya, simbahan,
at pamahalaan sa pagitan ng mga taong may iba’t
ibang posisyon, obligasyon, at responsibilidad.

You might also like