You are on page 1of 52

Panitikan

Tabloid, komiks, magasin,at mga kontemporaryong


dagling katha
Pahayagan (tabloid)
Isa na ang pahayagan bilang isang
uri ng print media ang kailanma’y
hindi mamamatay at bahagi na ng
ating kultura.
Ayon kay William
Rodriguez, “Sinasabing ang tabloid
ay pang-masa dahil sa Tagalog ito
nakasulat bagama’t ilan dito ay
Ingles ang midyum.”
Buhay na buhay pa rin ang
industriya ng diyaryo sa bansa dahil
sa abot kaya lang ang presyo.
Ang katibayan nito ay ang dami ng
mga tabloid na makikita sa
bangketa.
Iba’t iba ang dahilan ng mga tao
kung bakit nagbabasa ng diyaryo.
Mayroong hanap talaga ay
balita, magbasa ng
tsismis, sports, literatura o di
kaya’y magsagot ng palaisipan.
Pinagsama-sama na yata ang lahat
sa diyaryo para magustuhan ng mga
tao. Mainam itong pampalipas-oras
kapag walang ginagawa.
 Ang TABLOID ay pang-masa dahil sa
Tagalog ito nakasulat bagama’t ilan dito
ay Ingles ang midyum.
 Subalit, sa tabloid masyadong binibigyang
diin ang tungkol sa SEX at KARAHASAN
kaya’t tinagurian itong sensationalized
journalism. Ito ay dahil sa katangian na
ang magandang balita ay nasa
masamang balita.
 Mayroong humigit sa dalawampung
national daily tabloid ang nagsi-
circulate sa bansa.
KOMIKS

 Ang komiks ay isang grapikong


midyum kung saan ang mga salita at
larawan ay ginagamit upang ihatid
ang isang salaysay o kuwento.
 Maaring maglaman ng isang diyalogo
sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang
mga larawan, na maaring maglarawan o
maghambing ng pagkakaiba ng teksto
upang makaapekto nang higit na may
lalim.
Bagaman palagiang paksang
katatawanan ang komiks, sa
kasaysayan, lumawak na ang
sakop ng anyo ng sining na ito
na kinabibilangan ng lahat ng
mga uri (genre), hinahayaan
ang mga artistang tuklasin ang
kanilang sariling ekspresyon.
 Komiks- isang makulay at popular na
babasahin na nagbigay-aliw sa
mambabasa, nagturo ng iba’t ibang
kaalaman at nagsulong ng kulturang
Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo
ng ng mga manunulat at dibuhista na
napakalawak ng imahinasyon.
 Sinasabing si Jose Rizal ang kaun-
unahang Pilipino na gumawa ng komiks.
Taong 1884 inilathala sa magasing
“Trubner’s Record” sa Europa ang
komiks strip niya na “Pagong at
Matsing”, halaw mula sa isang popular
na pabula ng Asya.
 Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa
bansa magmula nang lumabas ito sa
magasin bilang page filler sa
entertainment section noong 1920.
Halimbawa:
Halakhak Komiks (1946)
Pilipino Komiks (1949)
Tagalog Komiks (1949)
Silangan Komiks (1950)
 Subalit humina ang komiks sa pagpasok
ng dekada otsenta nang ipatanggal ng
ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang
paggamit ng murang papel.
Naapektuhan ang kalidad at itsura ng
papel. Umalis ang mga dibuhista ng
komiks sa Pilipinas at nagtrabaho na
lamang sa Amerika sa parehong
industriya.
 Alfredo Alcala
 Mar Amongo
 Alex Nino
Pagkatapos ng Martial Law, muling
namuhunan ang industriya ng
komiks. Sumikat sina Pablo S.
Gomez, Elena Patron at Nerissa
Cabral. Ang interes sa komiks ay
tumagal lamang hanggang 1990.
Nahumaling kasi ang mga tao sa
iba’t ibang anyo ng paglilibang.
Carlo J. Caparas- taong 2007
tinangka niyang buhayin at
pasiglahin ang tradisyunal na
komiks sa sirkulasyon sa
pamamagitan ng mga ginawa nilang
komiks caravan sa iba’t ibang
bahagi ng Pilipinas.
Ayon sa blog ni Fermin
Salvador, ‘world-class’
ang kakayahan ng mga
Pilipino sa paglikha ng
komiks.
 Mga komikerong kilala sa labas ng
Pilipinas:
 Gerry Alanguilan
 Whilce Portacio
 Philip Tan
 Alfredo Alcantara
Ayon kay Prof. Joey Baquiran ng
UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi
mamamatay ang komiks dahil may
kakanyahan ito. Ang katangiang
biswal at teksto. Isang kakanyahang
hindiing hindi mamamatay sa
kulturang Pilipino hangga’t ang mga
Pilipino ay may mga mata para
makakita at bibig para makabasa–
magpapatuloy ang eksistensya ng
komiks.
MAGASIN

 Hindi nawawala ang Liwayway kung pag-


uusapan ang magasin sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng ng mga maikling
kuwento at sunod-sunod na mga nobela.
Naging paraan ito para mapalago ang
kaalaman ng mga Pilipino.
Bago pa man ang digmaang
Pasipiko, ang araw ng
pagrarasyon ng magasin na ito
ay talaga namang inaabangan
ng mga miyembro ng pamilya
at nagiging dahilan rin ng
kanilang pagtitipon upang
mabasa lamang lalo na ang
mga nobela.
Mga nangungunang magasin
sa Bansa
FHM(For Him Magazine)-
tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng
mga impormasyon na nagiging
instrumento upang mapag-
usapan ng kalalakihan ang
maraming bagay tulad ng
buhay, pag-ibig at iba pa.
COSMOPOLITAN- magasing
pangkababaihan. Ang mga
artikulo dito ay nagsisilbing
gabay upang maliwanagan ang
kababaihan tungkol sa mga
pinakamainit na isyu sa
kalusugan, kagandahan, kultura
at aliwan.
GOOD HOUSEKEEPING-Isang
magasin para sa mga abalang
ina. Ang mga artikulong
nakasulat dito ay tumutulong
sa kanila upang gawin ang
kanilang mga responsibilidad at
maging mabuting maybahay.
YES!-Ang magasin ay tngkol sa
balitang showbiz. Ang
nilalaman nito ay palaging
bago, puno ng nakaw- atensyon
na larawan at malalaman na
detalye tungkol sa mga
pinakasikat na artista sa bansa.
Metro-Magasin tungkol sa
fashion, mga
pangyayari, shopping at mga
isyu hinggil sa kagandahan ang
nilalaman ng Metro.
CANDY- Binibigyan ng pansin
ang mga kagustuhan at
suliranin ng kabataan. Ito ay
gawa ng mga batang
manunulat na na mas
nakauunawa sa sitwasyon ng
mga mambabasa.
MEN’S HEALTH-Magasin na
nakatutulong sa kalalakihan
tungkol sa isyu ng kalusugan.
Mga pamamaraan sa pag-
ehersisyo, pagbabawas ng
timbang, mga pagsusuri sa
pisikal at mental na kalusugan
ang nilalaman nito kung kaya
ito ay naging paborito ng
maraming kalalakihan.
T3- Isang magasin para
lamang sa mga gadget.
Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa
teknolohiya at kagamitan nito.
Ito rin ay may mga
napapanahong balita at gabay
tungkol sa pag-aalaga ng mga
gadget.
ENTERPRENEUR- Magasin
para sa mga taong may
negosyo o nais magtayo ng
negosyo.
KONTEMPORARYONG DAGLI

Ang dagli ay isang anyong


pampanitikan na maituturing na
maikling maikling kuwento.
Bagamat walang katiyakan ang
pinagmulan nito sa
Pilipinas, sinasabing lumaganap
ito sa unang dekada ng
pananakop ng mga Amerikano.
Wala ring nakakatiyak sa
angkop na haba para masabing
dagli ang isang akdang
pampanitikan. Subalit
sinasabing kinakailangang hindi
ito aabot sa haba ng isang
maikling kuwento.
Kilalang manunulat ng dagli:
Inigo Ed. Regalado na may
talipanpang Tengkeleng
Jose Corazin De Jesus
Rosauro Almario (Ric. A. Clarin)
Patricio Mariano
Francisco Laksamana
Lope K. Santos
Sa pananaliksik ni Rolando
Tolentino, sinabi ni Teodoro
Agoncillo na sumulpot ang dagli
noong 1902; kasabay ng
pagkakalathala ng pahayagang
Muling Pagsilang na
pinamahalaan ni Lope K.
Santos, at nagpatuloy
hanggang 1930.
Ayon naman kay E. Arsenio
Manuel, nag-ugat ang dagli sa
panahon ng pananakop ng mga
Kastila. Naging tampok ang
mga ito sa mga pahayagang
Espanyol at tinawag na
Instantaneas.
Gayunman, hindi malinaw kung
hinango nga ng mga manunulat
sa Tagalog ang ganitong anyo
mula sa mga Kastila dahil hindi
pa mailinaw kung hinango nga
ng mga manunulat sa Tagalog
ang ganitong anyo mula sa mga
Kastila dahil hindi pa malinaw
noon kung anong uri ang
itatawag sa akdang anyong
prosa ngunit patula ang himig.
Nagkaroon lamang ng linaw
ang anyong prosang gaya ng
maikling kuwento at nobela
pagsapit ng 1920.
Ayon kay Aristotle
Atienza, malaking bilang ng
mga dagli na nakalap nila ni
Tolentino para sa antolohiyang
“ang Dagliang Tagalog: 1903-
1936” ang tumatalakay sa mga
karanasan ng mga lalaki sa
isang patriyarkal na lipunang
kanilang ginagalawan.
Karaniwan ding iniaalay ang
dagli sa isang babaeng
napupusuan subalit may ilan
ding ginamit ito upang
ipahayag ang kanilang mga
damdaming makabayan at
kaisipang lumalaban sa
mananakop na Amerikano.
Sa obserbasyon ni
Tolentino, nagpapalit-palit ang
anyo ng dagli mula sa harap ng
pahina ng mga pahayagan
hanggang sa maging
nakakahong kuwento sa mga
tabloid o tampok na kuwento
(feature story) sa mga
kolum, oangunahing balita
(headline) sa pahayagan at
telebisyon.
Aniya, “na-transform na ang
dagli, hindi na ito tinawag na
dagli at nagkaroon na ng ibang
lehitimong pangalan at
katawagan– anekdota, slice-of-
lifem day-in-the-life, at iba pa
at lehitimasyon (pagpasok ng
ganitong uri ng kwento sa
media)
ANG DAGLI SA
KASALUKUYAN
Karaniwang napagkakamalang
katumbas ng flash fiction o
sudden fiction sa Ingles ang
dagli.
Ayon kay Dr. Reuel Molina
Aguila, naunang nagkaroon ng
dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa
man nagkaroon ng katawagang
flash fiction na umusbong noong
1990. Maari itong nagmula sa
anyong pasingaw at diga ng
magbabarkada kung kaya’t
masasabing marami sa mga
probinsiya at malalayong lugar
ang nagkaroon ng ganitong
paraan ng kuwentuhan.
Noong 2007, lumabas ang
antolohiyang “Mga Kuwentong
Paspasan na pinamatnugutan ni
Vicente Garcia Groyon.
Taong 2011 naman nang
mailathala ang “Wag Lang Di
Makaraos (100 Dagli Mga
Kuwentong
Pasaway, Paaway, at Pamatay)”
ni Eros Atalia.
Inilathala naman nitong Mayo
2012 ang koleksiyon ng mga
dagli ni Jack Alvarez na may
pamagat na “Ang Autobiografia
ng Ibang Lady Gaga”
Sa kasalukuyang panahon, ang
dagli ay halos ihambing din sa
tulang tuluyan, pasingaw, at
proto-ficton o micro-fiction sa
Ingles.
Halimbawa ng dagli na isinulat ni
Salvador R. Barros

“Tungkol sa mga bagay na pumapasok


sa pandinig, ang lalaki, babae, at
reporter ay may malaking
ipinagkakaiba.”
“Ang pumapasok sa dalawang tainga
ng babae ay lumalabas sa bibig.”
“At ang pumapasok sa dalawang
tainga ng reporter ay lumalabas sa
pahayagan.”
(Sampaguita, 8 Nobyembre 1932)
Abdon Balde Jr., isang
manunulat
- Ayon sa kanya mula sa isang
pulong ng lupon ng manunulat sa
Filipinas ay pinagtatalunan din
kung ano ang itatawag sa higit
na pinaikling maikling kuwento.
Lumabas ang “Mga Kuwentong
Paspasan” na inedit ni Vicente
Groyon noong 2007; ang mga
kuwento ay walang sukat at
karamihan ay lampas ng 150
salita.
Si Vim Nadera ay nagpanukala
na ang dapat itawag ay Kagyat.
Sabi ni Virgilio S.
Almario, Pambansang Algad ng
Sining sa Panitikan ay maigi
ang pangalang malapit sa flash
fiction.
Nang magpanukala si Michael
Coroza ng Iglap ay saka naisip
ni Abdon Balde Jr. ang Kislap.
Kuwentong ISang igLAP
Kung kaya’t nailathala ang
“Kislap” ng manunulat na si
Abdon M. Balde Jr.”
THE END!

You might also like