You are on page 1of 7

8

Gawaing Pampagkatuto sa Filipino

Kuwarter 4, Linggo 2 – MELC 4


Paglalahad ng Mahahalagang
Pangyayari sa Napakinggan Aralin

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS

Filipino 8
Learning Activity Sheet (LAS)
Un 2020

i
Filipino 8

Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 4


Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 8

Manunulat: Cherryl B. Canata


Editor : Gemma B. Obsiana
Tagasuri : Catherine D. Diaz
Tagalapat : Gemma B. Obsiana

Division of Capiz Management Team:


Salvador O. Ochavo, Jr.
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Regional Management Team:


Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

ii
MABUHAY!

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Capiz sa pakikipagtulungan ng
Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng
learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang
kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap
na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:


Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan
ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy
ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang
pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:


Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.

iii
Kuwarter 4, Linggo 2
Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 4

Pangalan:_____________________________ Grado at Seksiyon:_____________________

Petsa: __________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8

Paglalahad ng Mahahalagang Pangyayari sa Napakinggang Aralin


I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
 Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin
(F8PN-IVc-d-34)
II. Panimula (Susing Konsepto)
Ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Bigaa, Bulacan ang tinaguriang “Prinsipe
ng Manunulang Tagalog” na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Siya ay kilalang
makatang Pilipino at tinaguriang “William Shakespeare” ng Pilipinas ni Dr. Jose P.
Rizal dahil sa kaniyang kontribusyon at impluwensiya sa Panitikang Pilipino.
“ O pagsintang labis ang kapangyarihan
Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw,
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman;
Hahamaking lahat, masunod ka lamang”.
Mga linyang kadalasang maririnig sa mga magsing-irog upang ipahayag ang
kanilang pag-ibig at nagmula mismo sa obra maestrang “Florante at Laura” ni
Balagtas. Ang Florante at Laura na isinulat noong ika-19 na siglo ay isang awit na
ayon sa mga eksperto ng kasaysayan ay hango sa kuwento ng pag-ibig ni Balagtas.
Ang karakter na Florante ay iniuugnay sa mismong manunulat at kay Maria
Asuncion Rivera naman na siyang kaniyang sinisintang si Laura. Ang nasabing obra
maestra ni Balagtas ay binubuo ng tatlungdaan siyamnapu’t siyam (399) na mga
saknong. Bawat saknong ay naglalaman ng mahahalagang pangyayari o
pangunahing kaisipan na dapat mabatid ng mga mambabasa nito.
Tara na at ating pag-aralan ang mga saknong upang ating mailahad ang mga
mahahalagang panyayaring taglay ng araling ito.

III. Mga Sanggunian

Most Essential Learning Competencies (MELCs) sa Filipino, pahina 176

https://www.youtube.com/watch?v=l_-OfGITk3M
https://www.youtube.com/watch?v=oNJyMwUYvgg
https://www.youtube.com/watch?v=NFU5ksW-gU4
https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at- laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-3-alaala-ni-laura_1202.html
https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-4-daing-ng-pusong-nagdurusa_1203.html
https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-5-halina-laura_1204.html
https://www.youtube.com/watch?v=NKBJMO0wAt8

1
IV. Mga Gawain

1. Panuto: Pakinggan at unawain nang mabuti ang mga aralin sa Florante at


Laura mula saknong 1-83 na makikita sa alinmang aklat ng Florante at
Laura, o sa pamamagitan ng pagclick sa sumusunod na link upang mailahad
mo nang mabuti ang mga mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin.
- Para kay Selya https://www.youtube.com/watch?v=l_-OfGITk3M
Sa Babasa Nito https://www.youtube.com/watch?v=oNJyMwUYvgg
https://www.youtube.com/watch?v=NFU5ksW-gU4
(saknong 1-25)
https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-
laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-modern-
tagalog-version-kabanata-3-alaala-ni-laura_1202.html
(saknong 26-54)
https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-
laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-modern-tagalog-
version-kabanata-5-halina-laura_1204.html
(saknong 55-68)
https://www.youtube.com/watch?v=NKBJMO0wAt8
(saknong 69-83)

2. Pagsasanay/Aktibidad
A. Basahin at suriin nang mabuti kung ang mga mahahalagang pangyayari
sa ibaba ay makikita sa mga saknong na ating napakinggan. Kopyahin sa
iyong sagutang papel ang mga mahahalagang pangyayaring ito.

1. Ang pagbabalik-tanaw ni Balagtas kay Selya na siyang babaeng


minahal niya nang labis.
2. Ang pagbabalikan nilang dalawa na ginamit niyang inspirasyon
upang isulat ang akda.
3. Hiniling ni Balagtas na panatilihin ang berso ng kaniyang awit
at huwag itong baguhin.
4. Kahilingan niyang bago husgahan ang katha ay suriin muna ito
nang mabuti.
5. Hiningi na lamang ni Florante sa Maykapal na siya’y mamatay
na dahil hindi na niya kaya ang pagdurusa.
6. Napuno ang puso ni Florante ng panibugho sa pag-iisip nito na
ang kaniyang pinakamamahal na Laura ay nasa kandungan na
ni Adolfo.
7. Sa pag-iisa ni Florante ay muli niyang binalikan ang matatamis
na suyuan nila ni Laura.
8. Tinanggap na nito sa sarili na tuluyan na siyang nilimot ni
Laura.
9. Ang pagpaparaya ni Aladin sa kaniyang ama na si Sultan Ali-
Adab sa pag-agaw nito sa kaniyang sinisintang si Flerida.
10. Ang pagtatagpo nina Florante at Aladin sa gubat.

B. Panuto: Punan ang sumusunod na kahon ng pinakamahalagang


pangyayari mula sa mga nabasa o napakinggang mga saknong ng

2
Florante at Laura. Sagutin ito sa iyong sagutang papel.

Para Kay Selya Sa Babasa Nito


_________________ _________________
_________________ _________________
_________________ _________________ Ang Pag-ibig kay Flerida
________________________
_ ________________________
________________________
Hinagpis ni Florante Alaala ni Laura _______________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________

3. Mga Batayang Tanong


Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang pinakatumatak sa iyong isipan mula sa iyong mga nabasa o
napakinggang saknong?
2. Bilang kabataan, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa kathang
Florante at Laura sa kabila ng hamon ng makabagong panahon?

4. Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubrik


A. Organisasyon ng mga idea 5 puntos
B. Kawastuan ng mga kaisipan 5 puntos
C. Orihinalidad 5 puntos
KABUOAN 15 puntos
5- Napakahusay 3- Katamtaman 1 – Sadyang Di mahusay
4- Mahusay 2- Di mahusay

V. Repleksiyon
Panuto: Sagutin sa iyong sagutang papel. Dugtungan ang kasunod na
pahayag.

Sa araling ito natutuhan ko na________________________________


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

3
4
Pagsasanay /Aktibidad
A.
1. Ang pagbabalik-tanaw ni Balagtas kay Selya na siyang babaeng minahal
niya nang labis.
3. Hiniling ni Balagtas na panatilihin ang berso ng kaniyang awit at huwag
itong baguhin.
4. Kahilingan niyang bago husgahan ang katha ay suriin muna ito nang
mabuti.
6. Napuno ang puso ni Florante ng panibugho sa pag-iisip nito na ang
kaniyang pinakamamahal na Laura ay nasa kandungan na ni Adolfo.
7. Sa pag-iisa ni Florante ay muli niyang binalikan ang matatamis na
suyuan nila ni Laura.
9. Ang pagpaparaya ni Aladin sa kaniyang ama na si Sultan Ali-Adab sa
pag-agaw nito sa kaniyang sinisintang si Flerida.
B. (Mga Posibleng Sagot)
Para Kay Selya
Ang pag-ibig at kabiguan ni Balagtas na naging daan ng kaniyang pag-aalay
ng kaniyang tula kay Selya na kinilala niyang si M.A.R.
Sa Babasa Nito
Tinuruan ni Balagtas ang kaniyang mga mambabasa kung paano
babasahin at uunawain ang kaniyang akda
Saknong 1-25
Sa loob ng isang madilim na gubat maririnig ang mga daing at panambitan
ni Florante na puno ng kapaitan tungkol sa nangyari sa kaniyang bayan at
sa kaniyang buhay.
Saknong 26-68
Ang pag-ibig ni Florante kay Laura at ang alaaala ni Laura ang tanging
nagbibigay lakas sa nanghihina ng si Florante ngunit ito rin ang lubos na
nagbibgay pasakit sa kanya.
Saknong 69-83
Ang pag-ibig ni Aladin kay Flerida ay siya ring nagpapakasakit sa kaniya
lalo pa’t ang kaniyang ama ay ang kaniyang kaagaw.
Batayang Tanong (Posibleng Sagot)
1. Na ang pag-iibig ay sadyang makapangyarihan. Wala itong kinikilala
kahit sariling anak o ama ay maaaring kalabanin sa ngalan ng pag-ibig.
2. Patuloy ko itong tatangkilikin at irerekomenda rin sa kapwa ko kabataan
para mabasa rin nila ang isang obra maestra na dapat ipagmalaki ng mga
Pilipino.
VI. Susi sa Pagwawasto

You might also like