ni John Searie Ang klasipikasyon naman ni Searie (1976) ng speech acts ay nakabatay sa tinatawag niyang illucution point psycholgical state at ang direction of fit (word to world o world to word). Directives Ito ay tumutukoy sa mga pahayag na nag-uutos humihiling, nagmumungkahi, nag-iimbita. Ang directive ay binabanggit upang maisagawa o maihinto ng kausap ang kasalukuyang ginagawa. Halimbawa; a. Ilagay ang manga basura rito. b. Kailangang mailabas ang mga upuan bago dumating ang mga bisita. c. Ano kayang lasa ng kakanin ni ate rosa? d. Kailangan bigyan ng malaking bonus ang mga manggagawa upang lalo silang maging masipag sa pagtatrabaho. e. Hinihingi ko ang inyong pagdalo sa ginintuang anibersaryo ng ating pamantasan. Commissives
Itoay mga pahayag na nagbibigay
pangako o pagtanggi. Halimbawa a. Sige , tatapusin ko yan bukas. b. Susundin ko ang payo ng aking mga kapatid. c. Tutuparin ko ang tungkulin ng isang lider. d. Huwag kang mag-alala, pupunta ako sa kaarawan mo. e. Pasensiya na po , hindi ko po kayang iwan ang mga anak ko. Representative Ito ay mga pahayag na maaring timbangin kung ito ay may katotohanan o wala. Ito ay ginagamit ng hedges upang pahinain ang epekto ng pahayag. Halimbawa; a. Pumunta ako sa cavite noong isang linggo. b. Mayroong sampung mag-aaral ang nagawaran ng libreng pag aaral. c. Ilan sa mga naipamigay na damit ay bago at ang ilan naman ay luma. d. Higit kumulang sampung gatang na bigas ang naibuhos ni karla sa sahig. e. Masyadong madilim ang bakgrawnd ng entablado Declarative Ito ay mga pahayag na nagpapabago sa kasalukuyang kaligayahan ng mga tao o bagay. Halimbawa: a. Maari na kayong umuwi. b. Ipinapahayag ng simbahang ito na mula ngayon, kayo ay iisa bilang mag asawa. c. Hinahatulan ang nasasakdal ng sampung taong pagkabilanggo. d. Sa bisa ng kapangyarihang iniatang sa akin, kayo ay dinedeklara kong na nagsipagtapos. e. Sapagkat kayo ay sumunod sa aking mga utos, lahat ng aking bukirin ay inyong paghati-hatian. Expressives
Ang mga pahayag ay may expressive
function sa lahat ng wika. Ang lahat ng tuwa, mapagmahal, galak, lumbay, at iba pang nararamdaman ay naipapahayag sa ating mga salita. Halimbawa a. Natutuwa akong Makita ka. b. Hay naku, malakas na nanaman ang ulan. c. Ang sarap ng pagkain. d.Nalulungkot akong hindi ka makasama sa ating salo-salo. e. Yehey, may bgo akong damit! Thank You 😇