You are on page 1of 10

PAGSULAT NG TALA

SA MAY-AKDA O
BIONOTE
Bionote
– pinaikling buod ng mga tagumpay, kakayahan,
edkasyong natamo, publikasyon, at mga
pagsasanay na taglay ng isang may-akda.
• Karaniwang naisusulat sa pangatlong panauhan
• Kadalasan itong hinihiingi sa mga sumusunod na
pagkakataon:
– Pagpasa ng artikulo o pananaliksik sa dyornal o antolohiya
– Pagpasa ng aplikasyon sa palihan o workshop
– Pagpapakilala ng sarili sa website o sa isang blog
– Panimulang pagpapakilala ng aplikante sa isang posisyon o
scholarship
– Tala ng emcee upang ipakilala ang isang tagapagsalita o
panauhing pandangal
– Pagpapakilala ng may-akda, editor, o iskolar na ilalathala sa
huling bahagi ng kaniyang aklat o anumang publikasyon
– Bilang maikling impormasyon upang magsilbing gabay sa
mga mananaliksik
DALAWANG URI NG TALA SA MAY
AKDA
Maikling tala para sa mga dyornal at antolohiya
• Dapat ay maikli ngunit siksik sa impormasyon
• Hindi na kailangang banggitin ng may-akda
ang mga tala na walang kaugnayan sat ema at
paksain ng dyornal o antolohiya
• Bilang gabay, kadalasang nilalaman ng
maikling tala ang sumusunod:
• Pangalan
• Pangunahing trabaho ng may-akda
• Edukasyong natanggap ng may-akda (antas
batsilyer hanggang antas gradwado)
• Mga akademikong karangalan gaya ng Latin
honors (cum laude hanggang summa cum laude),
Best Thesis, o scholarship na natamo bilang mag-
aaral (hindi kasama ang diskwentong natamo
dahil sa pinansyal na kalagayan)
• Mga premyo o gantimpalang natamo na may
kinalaman sa paksain ng dyornal o antolohiya
• Dagdag na trabaho ng isang may akda bukod
sa kaniyang pangunahing posisyon (kailangang
tukuyin ang posisyon at institusyong
kinabibilangan)
• Organisasyong kinabibilangan
• Mga tungkulin sa pamahalaan o komunidad
• Kasalukuyang proyekto
• Mga detalye sa pakikipag-ugnayan gaya ng e-
mail address (kung kinakailangan)
Mahabang uri ng tala sa may-akda
• Kadalasang sinusulat bilang prosang bersiyon
ng isang curriculum vitae
• Ayon kay Ligaya Tiamson-Rubin, may-akda ng
maraming aklat tungkol sa Angono at isang
Professor Emeritus sa Unibersidad ng Pilipinas,
mahalaga ang mahahabang bionote upang
may sangguniang mapagkukunan ang mga
iskolar at mananaliksik kaugnay ng kaniyang
buhay at tagumpay.
• Isinasagawa ang ganitong uri ng bionote para
sa sumusunod:
• Entri sa ensiklopedya
• Entri sa aklat ng impormasyon gaya ng Buhay
ng mga Manunulat sa Pilipinas
• Tala sa aklat ng pangunahing manunulat o
editor
• Tala para sa mga hurado ng isang lifestyle
achievement award
• Tala para sa administrador ng paaralan
• Gayong mahaba ang ganitong tala sa may-akda,
hindi ibig sabihin na kailangang magsayang ng
espasyo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga
tala na walang kabuluhan. Mahaba lamang ang
uring ito dahil nakatala rito ang mga tiyak na
impormasyon gaya ng sumusunod:
• Kasalukuyang posisyon sa trabaho
• Mga tala ukol sa kasalukyang trabaho
• Mga pamagat ng naisulat na aklat, artikulo, o
kaugnay na akda tulad ng mga sining-biswal,
pelikula, pagtatanghal
• Mga listahan ng parangal na natanggap
• Tala sa pinag-aralan o edukasyon gaya ng
digring natamo at kung saan ito natanggap
• Mga natanggap na training at nasalihang
palihan
• Mga posisyon o karanasan sa propesyon
trabaho
• Mga kasalukuyang proyekto
• Mga gawain sa pamayanan o sa bayan
• Mga Gawain sa simbahan o organisasyon

You might also like