You are on page 1of 28

Unang Markahan

Ikalawang Linggo
Unang Araw
MGA PINAGKUKUNANG
IMPORMASYON: NAKABUBUTI
O NAKASASAMA?
Isang malaking bahagi ng ating buhay ang
paggamit ng iba’t-ibang pinagkukunan ng mga
impormasyon: dyaryo, magasin, radio,
telebisyon, pelikula at internet/computer. Isa
ring malaking bahagi ang ginagampanan ng
mga ito, lalo’t higit ang computer para sa
pagtuturo sa mga mag-aaral ng ika-21 siglo.
Ito ang mga pangunahin nating
pinagkukunan ng iba’t-ibang kaalaman
at impormasyong kinakailangan sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay.
• Paano kayo bilang mag-aaral
gumamit/gumagamit ng
nasabing pinagkukunang
impormasyon?
ALAMIN NATIN:
• Basahin ang tula.
MGA PINAGKUKUNANG IMPORMASYON: ATING SURIIN

Kasanayan sa pagbabasa ugaliin natin t’wina,


Nang pahayaga’t, magasin, gayundin ang lathalain.
Kung may nais malaman, mga bagong kaalaman
Ang radyo at telebisyon palagi nating pakinggan.
Siyempre pa sa pagtuklas ng katotohanan,
At marubdob na pananaliksik ang kinakailangan.
Sa tulong ng internet isang pindot mo lamang
Makikita mong lahat ng iyong kailangan.

Ngunit sa paggamit ng ganitong mga kagamitan


Mahalaga ang pagtuklas sa katotohanan.
Sa mga makukuha mong iba’t-ibang kaalaman,
Maging mapanuri, upang di-malihis ng daan.
Malalaswang panoorin patuloy na lumalaganap,
Mga blogsite sa internet na pornograpiya ang makakalap.
Mga larong mararahas, mahu-hook ka sa isang iglap
Di mo namamalayan, masamang epekto ang ‘yong nasagap.

Kaya kaibigan, kaisipa’y palawakin.


Maging mapagmatyag, mensahe’y timbangin.
Impormasyon at teknolohiya ay biyaya sa atin,
Kaya ating pagyamanin at ‘wag abusuhin.
• Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Tungkol saan ang tulang inyong binasa?
2. Anu-ano ang mga pinagkukunang impormasyong nabanggit sa tula?
3. Anu-ano ang mga buting dulot ng mga ito sa atin? Di-mabuting
dulot?
4. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang
naririnig mo sa radyo/ telebisyon o nababasa mo sa pahayagan?
Ipaliwanag.
5. Itala ang iyong mga napanood sa telebisyon, pelikula at internet.
Paano ito nakaaapekto sa iyong kaisipan at damdamin? Ipaliwanag.
IKALAWANG LINGGO

IKALAWANG ARAW
ISAGAWA NATIN

GAWAIN 1
Isulat sa mga kahon ang mga balitang iyong napakinggan
sa radyo at telebisyon o nabasa sa isang pahayagan.
Ikategoryaito sa Magandang Balita ( positibong mga
pangyayari) o Mapanghamong Balita (pangyayaring may
karahasan, droga at sekswal)
MAGANDANG BALITA MAPANGHAMONG BALITA
Tanong:

1. Anu- ano ang mga balitang napanood,


napakinggan at nabasa ang masasabi mong
Magandang Balita? Mapnaghamon o
Negatibong Balita?
2. Paano mo nasabi na ang mga ito ay
maganda o negatibong balita?
Gawain 2:

1. Bumuo ng apat na pangkat.


2. Isulat ang mga programang madalas ninyong
panoorin sa telebisyon o mga di-malilimutang
pelikula.
3. Masusi itong pag-aralan at isulat kung anong
aral (positibong epekto) at Hamon (Masama o
Negatibong epekto).
Programa/Pelikulang Aral Hamon
Napanood

1.

2.

3.

4.
5.
Gawain 2:

4. Ang bawat pangkat ay bibigyan


ng limang (5) minuto para punuan
ang mga kolum at tatlong (3)
minuto para iulat ang kanilang
ginawa.
IKALAWANG LINGGO
IKATLONG ARAW
ISAPUSO NATIN
Nadaragdagan na ang iyong karanasan sa
pagkakaroon ng bukas na isipan sa mabuti at
hindi mabuting epekto ng media tulad ng
radyo, pahayagan, telebisyon, magasin at
internet.
Sa paggamit ng media o pinagkukunang impormasyon, sa
anong lebel mo maikakategorya ang iyong sarili sa paggamit
ng mga ito?
Kategorya:

4 – Palagian (6-8 oras na paggamit) 4

3 – Medyo Madalas (4-5 oras na paggamit) 3

2 – Katamtaman (1-3 oras na paggamit) 2

1 – Hindi (wala ng nasabing media) 1

Tanong:

Sa iyong sagot, masasabi mo bang hindi ka umaabuso sa paggamit ng iba’t-ibang uri


at bahagi ng media? Suriin ang sarili batay sa lebel o antas na kinalalagayn. Ipaliwanag.
TANDAAN NATIN
Tunay na napakahalaga ng paggamit ng iba’t-ibang media
(pahayagan, magasin, radyo, telebisyon at internet o
kompyuter) sapagkat napapagaan nito ang ating buhay, lalo’t
higit sa mga mag-aaral na naghahanap ng kalutasan na may
kinalaman sa kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga ito
napapadali ang ating mga gawain at natutututo rin ang mga
mag-aaral na mapalawak ang kaalaman sa larangan anumang
disiplina.
TANDAAN NATIN
Malaki ang epekto ng media sa atin. Subalit hindi lahat ng ating
nababasa at napapanood dito ay tama at totoo. Kailangang
maging mapanuri sa mga binabasa, pinakikinggan,
pinapanood at pinupuntahang sites sa internet, dahil marami
rin sa mga ito ay nagdudulot ng
karahasan at kalaswaan na maaring makapinsala sa ating sarili
at pamilya. Masasabi nating malaki ang naitutulong ng media
at teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t-ibang aspekto ng
kaalaman at edukasyon.
TANDAAN NATIN
Ngunit dapat din nating pakaisipin na nararapat lamang na
gamitin natin ito nang tama. Huwag nating hayaan na
abusuhin ang ating sarili ng teknolohiya na maaring
makapagdulot sa atin ng negatibong epekto kapag hindi ginamit
sa tamang paraan.

Maging mapanuri at mapagsiyasat sa mga bagay na nakagugulo


dala ng mga ito para na rin
Sa ating kapakanan at n gating pamilya.
IKALAWANG LINGGO
IKAAPAT NA ARAW
ISABUHAY NATIN
1. Muling basahin ang Tandaan Natin nang may pang-
unawa. Ipaliwanag ang ilang mahahalagang mensahe/detlye
ditto na pumukaw sa iyong damdamin at kaisipan.
2. Tumayo ang bawat mag-aaral, itaas ang kanang kamay at
sabay-sabay na bigkasin ang pangako ukol sa tamang paggamit
ng media at teknolohiya
Ako si ___________________________ ay nangangako at naniniwalang
mahalagang pag-Iisipan at susuriin ang mga impormasyong nababasa, naririnig, at
napapanood mula sa iba’t-ibang media at ilang makabagong teknolohiya upang hindi
ito magdulot ng masamang epekto sa aking sarili, lalo’t higit sa aking pamilya.
Ilalayo ko ang aking mga mata sa tukso ng malalaswang panoorin, gayundin sa mga
larong maaring makpinsala sa akin. Magiging modelo ako sa tamang paggamit ng
mga impormasyong ito upang maitaguyod ang katotohanan para sa pagkakaroon
ng maayos na pamayanan.

Gabayan nawa ako ng Panginoon.


_________________________
Lagda
IKALAWANG LINGGO
IKALIMANG ARAW
SUBUKIN NATIN
Lagyan ng salitang NAKABUBUTI ang mga gawaing nagpapakita ng
magandang dulot ng paggamit ng media at internet. HINDI NAKABUBUTI
naman kung ito ay nakasasama. Isulat ang inyong sagot sa kalahating papel.
_______ 1. Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa takdang-aralin.
_______ 2. Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng mga zombies.
_______ 3. Nakukumpara ko ang tama at mali sa nabasa sa pahayagan.
_______ 4. Napipili ang mga pelikula at programang hatid ay kaalaman at aral
sa buhay.
_______ 5. Nakakapag-chat ng malalaswang salita sa skype.

You might also like