You are on page 1of 8

Q3 WEEK 3 DAY 1

Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng mga sayaw,


awit, at sining gamit ang anumang multimedia o teknolohiya
(EsP5PPP - IIIb - 24)
ALAMIN NATIN (DAY 1)
• Ang Cariñosa ay isang magiliw na sayaw na magkaperahang babae
at lalake na animo’y nasa aktong nagliligawan. Taong 1992 nang
palitan nito ang tinikling bilang pambansang sayaw ng Pilipinas.
• Ang salitang ito ay nangangahulugang mapagmahal at mapag-
aruga, na hango sa pamamaraan ng pag-indak at pag-indayog ng
mga mananayaw nito sa saliw ng mabining awitin. Kapuna-puna sa
mga sayaw ng Pilipino, kabilang na ang Cariñosa ang pagpapakita
ng matinding emosyon o damdamin. Sa Cariñosa, ang babaeng
mananayaw ay may tangan na panyo o pamaypay na panaka-
naka niyang ipinagkukubli sa kanyang mukha habang mayuming
umiindak. Ang lalaking mananayaw naman ay sumasayaw sa tila
nag-aamong pamamaraan habang nakatingin sa mga mata ng
kaperahang babae.
• Sa ganitong mga galaw ay makikita na ang mga mananayaw ay tila
nagpapakita ng pagsinta sa isa’t-isa.
wikipilipinas.org
PAG-USAPAN NATIN

• Ano ang Cariñosa?


• Kailan ito naging pambansang sayaw?
• Ano ang ibig sabihin ng salitang Cariñosa?
• Paano ito sinasayaw?
Pagpepresenta ng mga mag-aaral.

sapuso Natin

ISAGAWA NATIN (DAY 2)

• Pakitang turo ng guro sa sayaw na Cariñosa.

•Bumuo ng apat na pangkat.


•Bawat grupo ay pagsasayawin ng Cariñosa. Ito ay kukunan nila
gamit ang kanilang kamera o cellphone. Mamarkahan ang mga bata
ayon sa rubrics.
• Pagpepresent ng mga bata.
ISAPUSO NATIN (DAY 3)
• Pangkatin ang mga bata.

• Ang unang pangkat ay pagagawain ng awit na nagpapakita ng


pagpapahalaga ng kultura ng mga Pilipino. Maaaring ivideo ito ng
mga bata o aktwal na sayawin sa klase.

• Ang ikalawang pangkat ay gagawa ng likhang sining na


nagpapakita ng pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
ISABUHAY NATIN (DAY 4)

Gumawa ng talata ukol sa tanong sa ibaba.

May programa sa paaralan ni Rudy at nangangailangan ang kanilang


guro ng batang aawit. Si Rudy ay may talento sa pag-awit ngunit siya ay
batang mahiyain. Kung ikaw si Rudy, ano ang dapat niyang gawin? Bakit?
SUBUKIN NATIN (DAY 5)

Pagpapakita o pag-exhibit ng ginawa ng mga bata. Ito ay mamarkahan sa


pamamagitan ng rubrics.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa


susunod na leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung
kinakailangan.

You might also like