You are on page 1of 55

Maikling

kwento
Gng. DANNALYN N. CORDERO
Kwento ni Mabuti
ni:Genoveva Edroza Matute
Pagsusuri:
 
A. Uri ng Maikling Kwento ayon sa
Kabalangkasan:
Ang kwentong “Ang Kwento ni Mabuti”ay
may uri napangkatauhan sapangkat tinitingnan
natin ang katauhan ni Mabuti sa kwento.
Ito ay sa dulong Sikolohikal
dahil binibigyan diin ang Pag- uugali
ng particular na karakter at sinusuri
ang motibo o layuning nagbunsod sa
kanila para kumilos sa isang
particular na paraan. 
Gayundin,sinusuri nito ang mga
pangyayari o kalagayang inikutan o
kinukulisa ng tauhang humahanap ng
kaugnayan nito sa kanyang
pasiya(Desisyon), gawi,galaw,at
paniniwala.
B.Paksang Diwa
Iyon lamang nakakaranas ng
mga lihim na kalungkutan ang
nakakakilala sa lihim na
kaligayahan
Sa kabila ng dinadala ni Mabuti
ay patuloy parin niyang inuusad ang
kanyang buhay. Hindi niya ipinakikita sa
iba ang kaniyang pinagdararaanan
pagkat alam niyang siya lamang ang
pinaka makakatulong sa sarili niya.
 
At dahil nga sa ganitong
paghawak niya sa kaniyang sitwasyon
ay masasabing namulat rin siya sa
mga lihim na kaligayahan. Alam
niyang mayroon pa rin siyang dapat
ipaglaban sa buhay na ito at ito ay
ang kanyang anak.
 
Katapatan sa Asawa

Bagaman hindi pa tapos ang istorya


ng buhay ni Mabuti’y masasabi kong
matapat siya sa kanyang asawa kahit na
wala na ito.
 
Magandang mensahe ito pagka’t
marami ang mga biyudo at balo sa ating
panahon na napababayaan na ang
kanilang mga anak dahil sa pagiging
mas okupado sa paghahanap ng
bagong kasama sa buhay.
 
D. Nilalaman
Ang kuwentong ito ay tungkol sa
isang guro na may itinatagong
kahinaan sa kabila ng kanyang
kalakasan labis siyang hinahangaan ng
kanyang estudyante nang dahil sa
pagiging magaling niyang guro sa
panitikan.
 
Pero sa kabila ng lahat na iyon ay
hindi parin makakatago ang hubad
na katotohanan na tinatago niya.
Panimulang Pangyayari

Ang kuwento ay nangyari sa loob ng


silid-aralan, kung saan nagtuturo si
Mabuti. Tinatawag siyang “Mabuti”
dahil sa pagtuturo siya ay palaging
nagsasabi ng salitang’’Mabuti”.
Suliranin
Magtatakip silim nang ang isang
mag aaral ay umiyak sa isang sulok ng
silid-aklatan dahil sa isang maliit na
problema. Nilapitan siya ni Mabuti at
kinausap, inusisa at pinatahan.
Namangha ang bata dahil doon din
tumangis si Mabuti sa sulok na iyon.
Tinatanong niya si Mabuti kung anu
ang dahilan ng kanyang pagtatangis sa
sulok na iyon ngunit hindi siya nasagot
ni Mabuti. Simula noon,ang mag-aaral
ay nagkaroon ng matinding damdamin
sa pagtuklas sa suliranin ni mabuti na
pilit ikinukubli ng guro.
Kasukdulan
Isang araw, nagkwento si
Mabuti tungkol sa kanyang
anak mag-aaral na sa susunod
na pasukan.
Nasambit niya na nais niyang maging
manggamot ang kanyang anak, isang
mabuting manggamot. Bigla niya
narinig ang bulong-bulungan ng
dalawang estudyante na ang sinasabi
ay’’Gaya ng kanyang ama!’’.
Tumakas ang dugo ni Mabuti na parang isang
puting tela. Gayumpaman, siya ay ngumiti ng
pilit. Ilang araw din ang tinatagal ang pagkamutla
ng kanyang mukha. Samantala napagtagpi-tagpi
na ng bata ang mga impormasyon ngunit bigo
parin siyang matuklasan ang lihim at sulirannin ni
Mabuti.
Tunggalian
Para sa akin ang tunggalian ay
tao sa sarili sapagkat si Fe
lang naman mismo ang
nagtakda sa kanyang sarili na
alamin kung ano ang suliranin ni
Mabuti.
Naging tao sa sarili rin ito sapagkat sa
kabila ng mga problema ni Mabuti ay
nagiging positibo pa rin ang pananaw
niya sa buhay at ang tanging
makapagsasabi lang sa ating sarili kung
kaya pa natin ay tayo na rin mismo.
Kakalasan o Wakas
Lubos na naunawaan at
nabatid ng mag-aaral na
maging malapit kay Mabuti ang
lahat at iyon ang nagpapagaan
ng damdamin nito.
Tauhan
 
Mabuti-Isang guro sa
pambublikong paaralan. Hindi mabuti
ang tunay niyang pangalan, nagiging
mabuti lamang ang tawag sa kanya
sapagkat ito ang palaging sinasabi
niya ang salitang mabuti kapag wala
na siyang masabi o nalimutan ang
dapat sabihin.
Si mabuti ay mapalad sapangkat
hindi siya nagbabago ng
katauhan.
Fe-Ang estudyante ni Mabuti sa
kuwento kung saan siya ang batang
nadatnan ni Mabuti sa sulok ng
silid-aralan.
Si Fe ay bilugan sapangkat siya ay na
problema sa buong mundo. Ngunit nang
makilala niya si Mabuti na sa kabila ng
problema ninegatibo siya mag-isip, sa
simpleng problema, pakiramdam niya
siya na ang may pinakamabigat to ay
nagdulot ito ng mabuti, naging positibo
na ang paningin niya sa buhay.
Tagpuan
 
Sa Paaralan
Ang uri ng paglalarawan ng tagpuan
ay pahiwatig sapagkat hindi direktang
sinasabi sa akda na sa ganitong lugar
ginaganap ang istorya.
 
Ang Bisa ng Isip
Ang Kababaihan ay tunay na
matatag sa mga problema. Dapat isipin
natin na ang ating mga guro ay ating
pangalawang magulang at dapat natin
silang tulungan sa kanilang mga suliranin
kapalit ng kanilang mga sakripisyo para
sa atin.
Ang Bisa sa Kaasalan
Dapat bigyan natin ng
importansya ang ating kabiyak dahil sila
ay kalahati ng ating buhay. Dapat
igalang natin ang ating mga guro. Dapat
maging positibo tayo sa buhay tulad ni
Mabuti.
Ang Bisa sa Damdamin
Nahihiwagaan ako kay
Mabuti dahil sa kanyang kinikilos.
Sa mga nakasaad sa kuwento, sa
harap ng klase ay naka ngiti siya
ngunit tumatangis siya sa sulok ng
silid-aralan.
 
Naitatago niya ang kanyang damdamin at
namamangha ako sa pagiging matatag at
positibo niya. Naiinis ako sa asawa ni Mabuti
dahil iniwan siya nito pati narin ang kanyang
anak para lang sa ibang babae. Kaya siguro ay
namatay dahil binalikan siya ng mga kasamaang
ginawa niya.
F. May-akda
Si Genoveva Edroza-Matute ay
hindi lamang sikat at premyadong
kuwentista . Siya ay isang guro at awtor
ng aklat sa Balarilang Tagalog. Nagturo ng
mga asignaturang Filipino at mga
asignaturang pang edukasyon siya ay
nagturo sa apat naput-anim na taon sa
elementarya.
Haiskul at kolehiyo, at nagretiro bilang
Dekanang Pagtuturo sa Philippine Normal
College (Ngayon ay Philippine Normal
University) noong 1980. Pinangaralan
siyang Cultural Center of the Philippines
nang Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan)
noong pebrero, 1992. Marami ulit siyang
nagkamit ng Gantimpala ng Palanca.
Mabisa at madaling unawain ang kanyang
pananagalog.
Ang ilan sa kanyang mga kuwentong nagkamit
gantimpala ay Kuwento ni Mabuti, Paglalayag sa
Pusong Isang Bata, Parusa, Maganda ang Ninang ko
at Pagbabalik. Iilan sa naging aklat niya ay mga
Maikling Kuwentong Ateneo University Press;
 

Ang Tinig ng Damdamin,katipunan ng


kanyang mga piling sanaysay, ng De la Salle
University Press; at ang sa Sa aninong EDSA,
maikling kuwentong sinulat niya sa bilang
National Fellow for Fiction ,1991-1992, ng U.P
Press Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa
edad na 94.
G. Istilo ng Paglalahad
Ang kuwentong ‘’Ang Kwento Ni
Mabuti’’ay gumagamit ng;
Pagbabalik-tanaw upang isalaysay ang
kuwento ng kanyang mga tagpo kasama
si Mabuti at kung paano niya nakilala ito.
 
Ang pamamaraan ito ay ipinapakita sa
simulang bahagi ng maikling kuwento
kung saan nagsisimula maghayag ang
nagkuwento sa kasalukuyan at sinundan
ng kanyang mga pagbalikbalik-tanaw ng
mga alaala niya tungkol kay mabuti.
H. Teorya
Humanismo-Ipinapakita rito ang
kabutihang tinataglay ni Mabuti sa
kabila ng kanyang problema. Ang
layunin ng Panitikan ay ipakita na ang
tao ang sentro ng mundo; ay binibigyan-
tuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao gaya ng talino,talent
atbp.
Bayograpikal
Ang kuwento ay umiikot sa
katauhan ni Mabuti. Kung anong klase siyang
guro at ina, ang kaniyang makikipagdigma sa
kaniyang mga suliranin sa buhay at kung
paano niya ito hinaharap na punompuno ng
pag-asa ng layunin ng panitikan ay ipamalas
ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng
may-akda.
Ipinapahiwatig sa mga akdang
bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng
may-akda n siya niyang pinakmasaya,
pinakamahirap, pinalamalungkot at lahat ng
mga ‘’Pinaka’’ nainaasahang magsilbing
katuwang sa mambabasa sa kanyang
karanasan sa mundo.
Realismo
Ipinapakita sa kuwento ang tunay na
kapaitan ng buhay sa pamamagitan ng mga
pinagdadaanan ng mga tauhan sa kuwento.
Layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
karanasan at nasaksihan ng may-akda sa
kanyang lipunan.
Samakatuwid, ang panitikan ay hango
sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang
totoo sapagkat isinaalang alang ng may-
akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng
kanyang sulat
I. Simbolismo
Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan
na tumatayong hingahan ng kanilang
suliranin at naging saksi sa pagpatak ng
kanilang mga luha.
 
J. Panahon kung Kailan Sinulat ang
Katha
Ang kuwento ni Mabuti ay isunusulat
noong panahon ng kalayaan at
Republika. Ito ay may masayang wakas
at ang haba ay hindi lalampas sa anim
na papel gamit ang makinilya Noong
1952 ng maisulat ang kuwento..
 
Kaya ang hagod ng mga salita at
balangkas ng mga pangungusap ay puro
o payak o malambing sa aking pandinig
parang tula o isang kundiman na
umaawit ng dalisay na pag-ibig.
K. Pamagat
Ang Pamagat ng Maikling kuwento ay ‘’Ang
kuwento ni Mabuti’’.Uminog ang istorya sa
buhay ni Mabuti, isang guro, habang kinukweto
mula sa punto de vista ng isa sa kanyang
estudyante.  
Tinatawag siyang mabuti ng kanyang
mga estudyante sa kanyang likod dahil
lahat ng kanyang mga salita ay naglalaman
ng kabutihan. Bukod roo’y binudburan rin
ng salitang’’Mabuti’’ ang mga sinsabing
niya.
Iyon din ang pumapalit sa mga
salitang hindi niya na maalala kung
minsan, at naging pamuno sa mga
sandaling pag-aalanganin.
L. Paggamit ng guniguni
Madalas, ikuwento ni Mabuti ang
tungkol sa kanyang ka isa-isang anak na
nais niyang bigyan ng magandang buhay
lalo na’t nais niyang matulad ito sa
kaniyang ama na isang mangagamot.
M. Estilo o pamamaraan ng pagsulat ng
May-akda
Ang mga pangyayari ay masasalamin sa
kaisipang aspeto, masasalamin sa mga
tauhang hindi lantarang pahiwatig na
nagpapainog sa ganda ng estorya
kinapalolooban ng istilo ng pagsulat na siya
namang dahilan ng pamamaraan ng
mambabasa ng mag-isip ng pahiwatig ng
may-akda.
 
N. Kaugnayan ng Kuwento sa
Pangunahing layunin ng edukasyon sa
bagong lipunan.
Ang kilos o karakter na
ginagampanan ng pangunahing tauhan ay
nagpapahiwatig ng pangkaisipang moral
na nagpapatunay sa reyalidad na gawi ng
isang guro sa panahong ito.
 
O. Iba pang Katangian
Sa kuwentong ‘’ Ang kuwento ni Mabuti’’,
ang karakter ni Mabuti ay masasalamin natin ang
isang malakas na tao. Hindi pinapakita ni Mabuti sa
iba ang kanyang kalungkutan dahil gusto niyang ang
makita sa kanya ng iba o ang kanyang mga
estudyante ay kabutihan o pagiging positibo.
Sa panahon ngayon, napakaraming
problema ang kinakaharap nating mga
tao kakambal na ang buhay, ang mga
mahina ay malulungkot at mawawalan
ng pag-asa ang iba nagpapakamatay
pa. Ngunit sa kwentong ito ay nakita
narin si Mabuti na malakas niyang
nilalaban ang kalungkutan at mga
problema sa buhay.
Hindi siya pinaghihinaan ng loob, bagkus
patuloy niyang hinaharap ang buhay at
nagagawa pa niyang mangarap ng mataas
para sa kanyang anak .Maintindihan natin sa
kuwentong ito na hindi tayo dapat madaig
ng mga problema sa ating buhay.
Tingnan natin ang mundo bilang isang
paraiso na puno ng kagandahan at
kabutihan .Unawain natin na normal sa tao
ang kaulungkutan at pagtanggap sa
kalungkutan iyon ay makakamit natin ang
kaligayahan na matagal na nating inaasam.
Maraming Salamat sa
Pakikinig!!!

You might also like