You are on page 1of 27

Kaalaman at Kasanayang

Komunikatibo sa Pagtuturo
at Pagkatuto ng Filipino

Maria Eliza S. Lopez


MMSU-CTE
(mula sa panayam ni Prof. Elvira R. Liwanag
Fakulti ng mga Sining at Wika, Pamantasang Normal ng Pilipinas)
Kaalaman at Kasanayang Komunikatibo sa
Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino
FILIPINO

KAALAMAN
(Paksa/Nilalaman/ KASANAYAN
Tema/Babasahin)

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG KOMUNIKATIBO


TEKSTO G (Communicative
-pagpili ng paksa sa pananaliksik Competence
-pagsulat ng pananaliksik U
-mga konseptong pangwika A. Linguistic
-gamit ng wika sa lipunan R B. Sociolinguistic
-mga sitwasyong pangwika sa Pilipinas C. Discourse
-pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino O D. Strategic
Komunikatibong Pagtuturo ng Wika
Ang pamaraang ito’y nag-uugat sa
“Notional-functional syllabus” na pinaunlad
ni David Wilkins ng Britanya (Higgs at
Cliffiord, 1992)

Mula sa pagtuturong ang pokus ay mensahe,


magkapantay nang isinaalang-alang ang
porma at mensahe para sa pagtatamo ng
kakayahang komunikatibo (communicative
competence
Nagbigay si David Nunan (1991)
ng limang katangian ng KPW.

1. Binibigyan-diin ang kasanayan sa


pakikipagtalastasan sa
pamamagitan ng interaksyon sa
target na wika.
2. Gumagamit ng mga
awtentikong teksto sa
pagtuturo
3. Nagbibigay ng pagkakataon sa
mag-aaral na bigyang pokus
hindi lamang ang wikang pinag-
aaralan kundi pati na rin ang
proseso sa pagkatuto nito.
4. Itinuturing ang mga personal
na karanasan ng mga mag-aaral
bilang mahahalagang input sa
pagkatuto
5. Sinisikap na maiugnay ang
mga pagkatuto sa loob ng
klasrum sa mga gawaing
pangwika sa labas ng klasrum
MGA SALIGAN NG
KOMUNIKATIBONG PAGTUTURO
NG WIKA

Ayon sa modelo ni Canale at Swain, may


apat na aspekto o elemento ang
communicative competence
1. Linguistic Competence
2. Sociolinguistic Competence
3. Discourse Competence
4. Strategic Competence
Linguistic Competence
Kakayahang umunawa at makabuo ng
mga istruktura sa wika na sang-ayon sa
mga tuntunin sa gramatika.

Sa batayang ito ipinapakita ng isang tao


ang kanyang kahusayan sa paglalapat ng
tuntunin sa wika at hindi kahusayan sa
pagsabi ng tuntunin nito.
Sociolinguistic Competence

Batayang “interdisciplinary”

Ang taong may taglay nito ay


nakauunawa at nakagagamit ng
kontekstong sosyal ng isang
wika
Isinasaalang-alang niya ang tatlong
bagay sa pakikipag-usap: ang ugnayan
ng mga nag-uusap (role relationship);
ang impormasyong pinag-uusapan nila
(topic) at ang lugar na kanilang pinag-
uusapan (place).
Bukod sa kaalaman sa tatlong salik na
ito, alam ng mga kasapi sa usapan ang
layon (function) ng kanilang pag-
uusap.
Discourse Competence
May kinalaman sa pag-unawa hindi ng
isa-isang pangungusap kundi ng
buong diskurso.
Ito ay kakayahang bigyan ng
interpretasyon ang isang serye ng mga
napakinggang pangungusap upang
makagawa ng isang makabuluhang
kahulugan.
Strategic Competence

Ang mga estratehiya na ginagamit


natin upang matakpan ang mga
imperpektibong kaalaman natin sa
wika ang tinatawag na “strategic
competence”. Kahalintulad ito ng
“coping” o “survival strategies”.
Ang Guro, ang mga Mag-aaral at ang
Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (KPW)

1. Layunin ng gurong gumagamit


ng KPW
Ang gurong gumagamit ng KPW
ay naghahangad na malinang ang
kakayahan ng kanyang mag-aaral
sa aktwal na paggamit ng wika sa
mga tiyak na pagkakataon.
2. Tungkulin ng Guro; ng Mag-
aaral
Sa KPW ang guro ay
tagapamatnubay/ facilitator sa
iba’t ibang gawain sa klasrum.
Siya ay tagasubaybay sa mga
interaksyong nagaganap sa mga
mag-aaral.
3. Ang Proseso sa Pagtuturo/Pagkatuto
Ang mga katangian ng mga proseso sa
pagtuturo/pagkatuto sa KPW ay
nauunawaan ng mga mag-aaral ang
dahilan kung bakit niya ginagawa ang
isang gawain at kung paano niya ito
isinasagawa.
Katangian pa rin ng pagdulog na ito ang
pagbibigay ng sapat na pagkakataon sa pag-
aaral at pagsasanay sa paggamit ng target na
wika.
4. Interaksyong Guro-Mag-aaral/
Mag-aaral-Mag-aaral
Sa KPW ang interaksyong guro-mag-
aaral ay nakapokus ang malaking
bahagdan ng gawain sa mag-aaral,
maaaring 75% at 25% ang sa guro.

Sa interaksyong mag-aaral sa kapwa


mag-aaral, kailangang mabigyan ng
magkapantay na pagkakataon ang bawat
isa sa iba’t ibang gawain.
5. Lawak at Kasanayang
Pangwika sa KPW
Sa KPW ay hindi maihihiwalay ang
kaalamang panlinggwistika. Ito ay
tuntungan o batayan para malinang
ang kakayahang komunikatibo. Ang
kakayahang panlingguwistika ang
instrumento upang mapalawak ang
kakayahang komunikatibo.
Sa kabuuan, ang lawak na
bumubuo sa KPW ay ang:
kaalaman sa gramatika, tuntuning
sosyokultural sa paggamit ng
wika, tuntunin sa diskurso,
paghula sa maaaring sabihin ng
kausap at iba’t ibang estratehiya sa
pakikipagtalastasan.
6. Ebalwasyon sa KPW
Ang ebalwasyon sa KPW ay
isinasagawa sa pamamagitan ng
paggamit ng iba’t ibang uri ng
pagsusulit. Ang pagsusulit ay
maaaring pasulat o pasalita.
7. Pagwawasto ng Kamalian
Ang pagtanggap o pagtugon sa
pagkakamali sa dulog na ito ay
maaaring gawing global o
panlahatan. Maaaring ipaunawa
sa mga mag-aaral ang
kanyang kamalian sa isahang
komprehensya.
8. Ang Mag-aaral na may
Kakayahang Komunikatibo

May kakayahang komunikatibo ang isang


mag-aaral sa wika kung nagagamit nang
mahusay ang iba’t ibang tungkuling
pangwika. Nakikipag-interaksyon at
epektibong nagagamit ang wika.
Nakapaghahatid ng mensahe at
nakatatanggap ng kasagutan.
Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng
Pamaraang Komunikatibo

Ano ang mga prinsipyong sinusunod ng


pamaraang komunikatibo?
UNA, sa paggamit ng wika, malinaw sa
mga makikipagtalastasan kung ano ang
konteksto ng talastasan. Ang mga salita
sosyolinggwistik ang nagdidikta ng
gagawing pag-uusap ng mga
nakikipagtalastasan.
PANGALAWA, ang wika ay isang
kasangkapan sa pakikipagtalastasan,
di katulad noong araw na ang gawain
ng guro ay ituro ang istruktura ng
wika na gumagamit ng mga
pagsasanay tulad ng substitution,
drills, pattern practice at iba pa.
PANGATLO, higit na mahalaga sa
gumagamit ng pamaraang
komunikatibo kung gaano kahusay
sa pakikipagtalastasan sa wika ang
isang tao, hindi kung gaano ang
nalalaman niya sa gramatika ng
isang wika.
PANG-APAT, mahalagang gamitin sa
loob ng klase ang mga sitwasyong
tunay na tumatawag sa
pakikipagtalastasan.
PANLIMA, may iba’t ibang antas ng
communicative competence, lalo na,
hindi maaasahan na ang isang hindi
native speaker ay magiging mahusay
sa bawat uri ng pakikipagtalastasan.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
Sanggunian:
Badayos, P. 1999. Metodolohiya sa
Pagtuturo ng Wika, Mga Teorya,
Simulain at Istratehiya. Makati City:
Grandwater Publications and Research
Corporation.

Villafuerte, P. at Bernales, A. 2008.


Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at
Praktika. Valenzuela City: Mutya
Publishing House, City

You might also like