You are on page 1of 10

Kahulugan ng Komunikasyon

Ang komunikasyon ay paraan ng


pagbibigay, paglilipat o pagsasalin ng
impormasyon, ideya, kaalaman, pilosopiya,
prinsipyo, opinyon, katalinuhan, balita, at iba
pang kaalamang pangkaisipan, pandamdamin at
niloloob ng taosa anumang paraan na nais
gamitin. Ang tao ay mapamaraan sa paghahatid
ng kanyang mensahe, maaaring gumamit ng
wika o ng ibang paraan ( Rodrigo 2001).
  Tahasan itong binubuo ng dalawang panig:
isang nagsasalita at isang nakikinig na
kapwa nakikinabang nang walang lamangan
( Atienza et.al. 1990).
Ang masining at mabisang komunikasyon ay
ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap,
nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang
mga impormasyon, kaalaman, kaisipan,
impresyon at damdamin. Nagbubunga ng
ganitong pagpapalitan ng pagkakaunawaan
at kaunlaran ang lipunan ( Cruz, et.al.1988).
Kahalagahan ng Komunikasyon
Ang komunikasyon ay napakahalaga sa
buhay ng isang tao gayon din sa bansang
kanyang ginagalawan.
Sa kasalukuyan, ang kapangyarihanng
komunikasyon ay damang-dama sa
anumang larangan sa buhay maging ito man
ay sa: karaniwang usapan, sa pamilya, sa
propesyon, sa pamahalaan at sa lipunan.
Marami ka mang kaalaman o matalino ka man sa iyong
larangan kung wala kang kakayahang ilipat o ibahagi
ang iyong kaalaman, ito ay wala ring kabuluhan.

Ang ideya , kaisipan o opinyon ng bawat mamamayan ay


napakahalaga. Maaari ang mga ideya at kaisipan na ito,
ang siyang magpapabago, magpapakilos o manggigising
upang magkaroon ng bagong landas sa buhay ng tao,
dahil nauunawaan at naiintindihan kung anong mensahe
na gustong ipahayag. Dito naisakatutuparan ang layunin
o kapangyarihan ng komunikasyon.
Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa
dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika
dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay
ang wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng
kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang
pangkat. Makikilala ang iba’t ibang barayti nito sa pagkakaroon ng
kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika.
Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga sumusunod na
pahayag ang pinagmulan ng mga ito:
 Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
 Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
 Kosa, pupuga na tayo mamaya.
 Girl, bukas nga lang tayo mag-lib. Mag-malling muna tayo ngayon.
 Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.
Mga Mabisang Panuntunang ng Komunikasyon
1. Kailangang tiyak ang layunin at may malinaw na dahilan
ang komunikasyon.
2. Ang mabisang komunikasyon ay maliwanag, malinaw at
wasto. Kailangang tiyak ang gamit ng salita upang
malinaw na maihatid ang mensahe.
3. Kailangang maging tapat, mapamaraan at masining ang
pakikipagkomunikasyon.
4. Kailangang tiyak ang paksa, tuwid at payak upang
maunawaan ang mensaheng ipinaaabot.
5. Mahalagang malaman ang bilang ng
tagapakinig o tagatanggap ng mensahe,
kung sino at ano ang mga tagatanggap.
6. Mahalaga ring malaman ang paniniwala,
gawi at interes ng mga tagatanggap upang
maiangkop at maging kawili-wili sa
tagapakinig.
7. Kailangang nakahandang humarap sa mga
suliranin o sagabal na maaaring lumitaw sa
panahon ng komunikasyon.
Komponents ng Komunikasyon
Batay sa pag-aaral ni Dell Hymes, binuo niya
ang akronim na SPEAKING upang lalong
mabisa at wasto ang komunikasyon.
Setting Instrumentalities
Participants Norms
Ends Genre
Act of Sequence
Keys
Uri ng Komunikasyon
Berbal
Di-berbal
ekspresyon ng mukha tunog
pandama sayaw
mata kulay
galaw o kilos kumpas ng kamay
awit o musika senyas
pananamit

You might also like