You are on page 1of 22

Modyul 1: Mga Maikling Kuwento sa

Timog Silangang Asya

Figure 1. Prambanan Temple na matatagpuan sa sentro ng Java, Indonesia ay isa sa


pinakamalaking Hindu temple sa buong Timog Silangang Asya.
1. Ito ay bahagi ng akda na kung saan dito ipinapakilala ang
mga tauhan, tagpuan, at suliraning kakaharapin sa akda?

a. Simula c. Wakas
b. Tunggalian d. Kasukdulan
2. Ito ay ang maayos o masinop na daloy ng magkakaugnay
na pangyayari sa mga akdang tuluyan.

a. Wakas c. Tauhan
b. Maikling Kuwento d. Banghay
3. Dumating ang isang Cadillac na pulang-pula ang kulay,
naghahanap ng mapaparadahan ngunit okupado na ang
mga paradahan sa bangketa.
Alin sa mga sumusunod ang pangatnig na ginamit sa
pangungusap?
a. ang c. ngunit
b. mga d. na
4. Alin sa mga sumusunod ang di tamang pananaw hinggil sa
isang maikling kuwento?
a. Binubuo ng maraming kabanata.
b. May iisang tiyak na tunggalian lamang.
c. Maaring matapos basahin sa iisang upuan lamang.
d. Binubuo ng isa o dalawang tauhan lamang.
5. ____ si Doris, _______ si Mario, at ________ si Anna.
Silang tatlo ang nanguna sa klase ngayong ikalawang
markahan.
Anong hudyat sa pagsusunod-sunod ang angkop gamitin sa
pangungusap?
a. Unang Hakbang, Ikalawang Hakbang, Ikatlong Hakbang
b. Una, Kasunod, Panghuli
c. Una, Ikalawa, Ikatlo
d. Step 1, Step 2, Step 3
Sa iyong palagay, malaki ba ang gampanin ng social classes
sa ating lipunan? Sa paanong paraan napapamalas ang
kahalagahan ng social classes sa ating lipunan? Ito ba’y
makatarungan?
GAWAIN 1: PAGHAHAMBING
Mula sa iyong sariling obserbasyon, itala ang mga pagkakaiba
ng mga mayayaman sa mahihirap gamit ang Venn Diagram.
MAYAMAN MAHIRAP
PAMPROSESONG TANONG:
Mula sa iyong mga natala, higit mo na bang nakikita ang
pagkakaiba sa estado ng pamumuhay ng mga mayayaman
at mahihirap? Patunayan.
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
GAWAIN 3: PALAWAKIN MO!
Ibigay ang denotatibo o konatatibong kahulugan ng mga salitang ginamit sa akdang “Takipsilim sa
Djakarta.”

1. Ang kabayo ay namatay at nabuhay muli ng daan-daang panahon.


________________________________________________________________________
2. Patuloy na nanginginig si Pak habang galit nag alit na nagsasalita si Raden.
________________________________________________________________________
3. Mamula-mula pa ang mga labi ng kutsero nang ito ay nakiusap sa binata.
________________________________________________________________________
4. Tuluyan nang nasira ang kasiyahan ng magsing-irog matapos makipag-usap sa pulis.
________________________________________________________________________
5. Ang banggaan sa kalye ay ikinabalisa ng binata dahil sa bandang roon nakaparada ang kaniyang
bagong sasakyan.
________________________________________________________________________
Basahin ang tanong sa bawat bilang upang makabuo ng lohikal at makabuluhang sagot.

1. Ano ang pangunahing ideyang nais ibahagi ng may-akda sa kuwentong binasa?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Mula sa natukoy na ideya, ano ang iyong pansariling hatol o pagmamatuwid hinggil dito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Masasalamin ba sa ating mga Pilipino ang mga ideyang natukoy sa akda? Magbigay ng
halimbawang sitwasyon o pangyayari.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
• GAWAIN 4: BALANGKAS NG MAIKLING KUWENTO
Isulat sa bawat baitang ng hagdan ang tamang detalye batay
sa mga elemento ng isang maikling kuwento. Gawing gabay
ang “Mga Elemento ng Maikling Kuwento” na makikita sa
inyong mga aklat sa pahina 8-10.
3. KASUKDULAN

2. SAGLIT NA 4. KAKALASAN
KASIGLAHAN

1.SIMULA 5.WAKAS
• GAWAIN 5: PANOORIN MO!
• Manood ng bahagi ng isang telenovela. Suriin ang mga
pangyayari dito na may kaugnayan sa pangyayari sa
kasalukuyang panahon sa ating bansa. Pagkatapos,
ihambing ito sa akdang binasa. Gamiting gabay ang rubric
na makikita sa inyong aklat sa pahina 17.
GAWAIN 6: ISAGAWA MO!
Salungguhitan ang mga pang-ugnay na matatagpuan sa bawat
pangungusap.

1. Ang maayos na pagsasalita ay isa sa kailangan sa mabisang


komunikasyon upang malinaw na maihahatid ang mensahe sa
tagakapakinig.
2. Ang ama ang haligi ng tahanan at ang ina naman ang ilaw
nito.
3. Dahil sa mahabang panahon na inilaan ng mag-aaral sa
panonood ng telebisyon at kakaunting oras na lamang sa pag-
aaral, bumaba ang kaniyang marka sa lahat ng asignatura.
Punan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang
mabuo ang diwa ng mga pangungusap.
 
1. Nais sana naming mamasyal sa National Museum
___________________ may mahabang pagsusulit kami
bukas.
2. Hindi ko akalaing mararating ko ang tagumpay na ito
__________________ sa hirap ng buhay na dinaranas ko.
3. Mahirap makipag-usap minsan sa taong may kakaibang
pananaw sa iyo ______________ kahit anong paliwanag mo
ay hindi niya tatanggapin.
Pamprosesong tanong:
Masasabi mo bang malaki ang gampanin at pagkakaiba sa
estado ng buhay at pribilehiyong natatanggap ng mga
mayayaman sa mahihirap?
GAWAIN 7: PAG-UUGNAY SA LIPUNAN
Magtala ng isang pangyayari o sitwasyon (maaring ito’y batay
sa mga balitang napanood sa telebisyon o nabasa sa dyaryo,
mga karanasan, o di kaya’y mga sitwasyong nabasa) na
nagpapakita ng di pantay na pagtingin at pagtrato sa mga
mamayan sa ating lipunan.
GAWAIN 8: ISULAT MO!
(Malalimang Pag-unawa sa Mga Pang-ugnay na Hudyat sa
Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari)

• Isulat mong muli ang buod ng akdang tinalakay ang


“Takipsilim sa Djakarta” ayon sa wastong pagkakasunod-
sunod ng pangyayari. Gamitin ang mga pang-ugnay na
hudyat sa pagsusunod-sunod ng pangyayari.
GAWAIN 9: PAGSUSURI SA AKDA!
 
Ang bawat manunulat ay may layunin sa paglikha ng isang
akda. Madalas, ninanais niyang mang-aliw at magturo sa
kanyang mga mambabasa. Ninanais din ng manunulat na
mag-iwan ng isang kakintalan o mahalagang aral na kukurot
sa puso’t isipan ng mga mababasa. Ang anumang layunin
niya sa pagsulat ay isang mahalagang desisyong binubuo
bago pa man simulan ang pagsulat.
Balikang muli ang akdang “Takipsilim sa Djakarta”. Sumulat
ng isang pagsusuri sa pamamagitan ng pagsagot sa
sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang paksa o tema ng akda?
2. Sa iyong palagay, ano kaya ang nagtulak sa manunulat
para sumulat ng akdang ganitong may tema?
3. Sino o anong uri ng mambabasa kaya ang nais niyang
maabot ng kanyang akda at bakit niya ninanais na
mabasa nila ito?
4. Ano ang aral na taglay nito?

You might also like