CBET – 01 – 303A PAGPAPABULAS Matapos ang araling to ay inaasahang: 1. Matalakay ang kasanayan sa pagbabalangkas; 2. Maisa – isa ang uri ng pagbabalangkas; 3. Makalikha ng balangkas mula sa isang teksto; at 4. Makabuo ng balangkas bilang paghahanda sa rebuy ng mga kaugnay na pag – aaral at literature. ANG BALANGKAS
• Batay sa Psychology Writing Center ng
University of Washington, ang balangkas ay isang pormal na sistemang ginagamit upang unawain at organisahin ang isang papel. • Ginagamit ito upang mataya kung ang mga ideya ba ay nagtutugma, nagtatama o nagpapaigting sa kasapatan ng ebidensya upang suportahan ang pangunahing ideya. Kadalasang binabanggit ng ibang mananaliksik ito ay; 1. Gumagamit lamang ng buong pangungusap 2. Kadalasang aksaya lamang sa oras ng paggawa; at 3. Mataman at debotong sinusunod
Subalit, sa katotohanan ang pagbuo
ng balangkas ay: 1. Gumagamit ng iba’t ibang uri ng pormat; 2. Tulong para makamit ang mataas na kalidad ng borador; 3. Gabay at maaaring magdaan sa modipikasyon DAHILAN NG PAGGAWA NG BALANGKAS
1. Upang makita ang overview o
estado ng binubuong papel; 2. Upang maimapa ang mga ideya at konseptong abstrakto; 3. Upang matukoy kung kailangan pang manaliksik hinggil sa paksa; 4. Upang maiwasto ang organisasyon ng papel; 5. Upang maisakategorya ang mga ideyang maaaring makatulong at hindi makatulong; 6. Upang masipat ang mga relasyon ng mga puntong binubuo; 7. Muling maorganisa ang papel kung ito ay labis sa ideya; 8. Makatulong sa paglalahad ng lalim sa paksa; at 9. Upang makatulong sa manunulat nang hindi mawala sa sinusulat habang nasa aktwal na yugto ng pagsusulat.