You are on page 1of 81

FILIPINO SA

HUMUNIDADES
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
PAGPAPAHAYAG NG IDEYA SA MATALINGHAGANG ESTILO

ANG IDYOMA
Ang idyoma ay mga di-tuwiran o di-tahasang
pagpapahayag ng gusting sabihin na may kahulugang
patalinghaga.
Ang kahulugan ng idyoma ay malayo sa literal o
denotatibong kahulugan ng salita.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
 Mababaw ang luha
 Maglubid ng buhangin
 Magbatak ng buto
 Putok sa bubo
 Nagbibilang ng poste
 Kayod-kalabaw
 Nagtaingang-kawali
 Pabalat-bunga
 Parang ninubugan ng araw
 Anakpawis
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
 Hawak sa tainga
 May utak
 Katalog-pinggan
 Papatay-patay
 Bukas ang palad
 Magmamahabang dulang
 Sanga-sangang dila
 Nagpuputok ang butse
 Amoy lupa
 Abotdili
FILIPINO SA
HUMUNIDADES

 Hilong talilong
 Hindi kakapitan ng alikabok
 Hagisan ng tuwalya
 Humuhukay ng sariling libingan
 Itinulak sa bangin
 Laman ng lansangan
 Balat-kalalbaw
 Nagsusunog ng kilay
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY
1. ALITERASYON
Pag-uulit ito ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi
ng salita.
pag-ibig, pananampalataya, pag-asa
lunkot, ligaya
masama, mabuti
Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang
marubdob niyang pagtanggi sa mahal niyang bayan.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY
2. ASONANS
Pag-uulit ito ng mga tunog-patinig sa alin mang bahagi
ng salita.
hirap, pighati
salamat, paalam
buhay na pagulong-gulong
Nasisyahan ka palang manghiram ng ligayang may hatid
na kamandag at lason.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY
3. KONSONANS
Katulad ng aliterasyon, pag-uulit ito ng katinig, ngunit
sa bahaging pinal naman
kahapon, ngayon
tunay na buhay
ulan sa bubungan
Ang halimuyak ng bulaklak ay mabubuting gamot sa isang
pusong wasak.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

4. ONOMATOPIYA
Sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay
nagagawang maihatid ang kahulugan nito.
langitngit ng kawayan
lagaslas ng tubig
dagundong ng kulog
haginit ng hangin
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

5. ANAPORA
Pag-uulit ito sa unang bahagi ng pahayag o ng isang
tauludtod.
Kabataan ang sinasabing pag-asa ng ating bayan. Kabataan
ang sanhi ng pagsisikap ng bawat magulang. Ngunit kabataan
din ba ang sisira sa kanyang sariling kinabukasan? At kabataan
din ba ang wawasak sa pangarap ng knayang kapwa?
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

6. EPIPORA
Pag-uulit ito sa huling bahagi ng pahayag o ng isang
tauludtod.
Ang Konstitusyon o Saligang- Batas ay para sa
mamamayan, gawa ng mamamayan at mula sa mamamayan.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

7. ANADIPLOSIS
Kakakiba ito sapagkat ang pag-uulit ay sa una at huli.
Matay ko man yatag pigili’t pigilin,
Pigilin ang sintang sa puso’y tumiim,
Tumiim na sinta’y kung aking pawiin,
Pawiin ko’y tantong kamatayan ko rin.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

7. PAGTUTULAD O SIMILI
Hindi tuwirang paghahambing ito ng magkaibang
bagay, tao o pangyayari pagkat gumagamit ng mga
pariralang tulad ng, kawangis ng, para ng, gaya ng.

Tumakbo siyang tulad ng isang mailap na usa ng


makita ang papalapit na kaaway.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

8. PAGWAWANGIS O METAPORA
Ito ay tuwirang paghahambing sapagkat hindi na
gumagamit ng mga pantulong na parirala.

Isang bukas na aklat sa akin ang iyong buhay, kaya’t


huwag ka nang mahiya pa.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

8. PAGBIBIGAY-KATAUHAN O PERSONIPIKASYON
Inaaring tao rito ang mga bagay na walang buhay sa
pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito ng gawi o kilos nh
tao.
Mabilis na tumakbo ang oras patungo sa kanyang
malagin an wakas.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

9. PAGMAMALABIS O HAYPERBOLI
Lagpas ito sa katotohanan o eksahirado ang mga
pahayag kung pakasusuriin.
Sa dami ng inimbitahan kababayan, bumaha ng pagkain
at nalunod sa mga inumin ang mga dumalo sa kasalang iyon.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

10. PAGPAPALIT-TAWAG O METONIMI


Ang panlaping meto ay nangangahulugan ng pagpapalit
o paghalili. Nagpapalit ito ng katawagan o ngalan sa bagay
na tinutukoy.
Malakas talaga siyang uminom, sampung bote ay agad
niyang naubos ng ganoon na lamang.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

11. PAGPAPALIT-SAKLAW O SINEKDOKI


Binanaggit ditto ang bahagi bilang pagtukoy sa
kabuuan.
Kagabi ay dumalaw siya, kasama ang kanyang mga
magulang upang hingin ang kamay ng dalagang kanyang
napupusuan.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

12. PAGLUMANAY O EUPENISMO


Ito ang pagbabawas sa tindi ng kahulugan ng orihinal
na salita.

Magkakaroon din lamang ng babae ay bakit sa isa pang


mababa ang lipad.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

13. RETORIKAL NA TANONG


Isang uri ito ng pagpapahayag na hindi naman talaga
kailangan ng sagot kundi ang layunin ay maikintal sa isipan
ng nakikinig ang mensahe.

Magagawa kaya ng isang ina na magmaramot sa isang


anak na nagugutom, may sakit at nagmamakaawa.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

14. PAGSUSUKDOL O KLAYMAKS


Paghahanay ito ng mga pangyayaring may pataas na
tinig, sitwasyon o antas.
Sumalakay ang grupo ng mga aswang at unti-unting
nilamon ng kadilimin ang buong nayon. Dumanak ang dugo
sa lansangan at bawat bahay dahil sa pagkapaslang ng mga
mamamayan.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

15. ANTIKLAYMAKS
Kabaligtaran ito ng klaymaks.
Noon, ang bulwagang iyon ay puno ng mga
nagkakagulong tagahanga, hanggang sa unti-unting
nababawasan ang mga manonood, padalang ng padalang
nang padalang ang mga pumapalakpak at ngayo’y maging
ang mga bulong ay waring sigaw sa kanyang pandinig.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

15. PAGTATAMBIS O OXYMORON


Paggamit ito ng mga salita o pahayag na
magkakasalungat.

Ang buhay sa mundo ay tunay na nakakatawa: may


lungkot at may tuwa, may hirap at ginhawa, may dusa at
may pag-asa!
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

16. PAG-UYAM O IRONIYA


May layuning mangutya ito ngunit itinatago sa paraang
waring nagbibigay-puri.

Kahanga-hanga rin naman ang taong iyan, matapos


mong arugain, pakainin at damitan ay siya pa ang unang
mag-iisip ng masama sa iyo.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
TAYUTAY

17. PARALELISMO
Sa pamamagitan ng halos iisang estruktura, inilalatag
ditto ang mga ideya sa siang pahayag.

Iyan ang disiplinang military: sama-samang lulusob sa


mga kaaway, sama-sama rin kaming mamamatay o
magtatagumpay.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES

ALUSYON

Ang alusyon ay isang panretorika na gumagamit ng


pagtukoy sa isang tao, pook, katotohanan, kaisipan o
pangyayari na iniingatan sa pinakatagong sulok ng alaala ng
isang taong may pinag-aralan.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES

ALUSYON

1. ALUSYON SA HEOGRPIYA
Ang Mt. Apo ang itinuturing na pinakamataas na
bundok sa ating bayan kung kaya ito ang Mt. Everest ng
Pilipinas.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
ALUSYON
2. ALUSYON SA BIBLIYA
Nagsiyang isang Moises ng kanyang lipi upang iligtas ang mga ito
sa kamay ng mga mapang-alipin.

3. ALUSYON SA MITOLOHIYA
Kung si Filomena ang dila’y may tamis
ang sa kay Apolo, sa kanyang pagsilip,
sa may kabukira’t bundok na masungit,
ang may dalang awit.
FILIPINO SA
HUMUNIDADES
ALUSYON

4. ALUSYON SA LITERATURA
Walang alinlangang isa siyang Ibarra na puno ng pag-
asang kanyang maliligtas ang kanyang bayan sa isang ideyal
na paraan.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG
PAMPANITIKAN

Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng


pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan,
kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at
layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG HUMANISMO
Ang pananaw na ito ay nagbibigay-halaga sa tao dahil ang
tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng mga bagay at
panginoon ng kanyang kapalaran.
 Ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang pangunahing
paksa dito.
 Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga natatanging
talino- kakayahan at kalikasan ng tao.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG FORMALISMO
Ang tungkulin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman,
kaanyuan o kayarian at paraan ng pagakkasulat ng akda.
 Nasa porma o kaanyuan ng akda ang kasiningan nito.
 Ang isang akdang pampanitikan ay may sariling buhay at umiiral
sa sariling paraan.
 May mga elemneto ang isang akdang pampanitikan at ang baeat
isa ay kaugnay ng iba pang element.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG IMAHISMO
Ang tuon ng pananaw na ito ay sa imahen. Kinikilala ng
teoryang ito ang kabuluhnang pangkaisipan at pandamdamin ng
mga imaheng nakapaloob sa akda.
 Malaya ang manunulat/makata na pumili ng anumang nais na
paksa sa kanyang tula.
 Gumagamit ng mga salitang pangkaraniwan o tiyak ang mga
salita.
 Kung may aral ang akda/yula, hindi ito esensyal sa akda/tula.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG ARKITAYPAL

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mahahalagang


bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo.
 Ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan ay nakaugnay sa
simbolismong ginamit sa akda.
 Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong
ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG REALISMO
Ito ang teorya ng makatotohanang panitikan. Ito ay
naglalarawan ng makatotohanang pangyayari sa buhay. Ang mga
tauhan ay nagtataglay ng mga ordinaryong suliranin at ang
usapan ng mga tauhan ay parang natural.
 Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan para sa
realismo.
 Ang paraan ng paglalarawan ang susi at hindi ang uri ng paksa.
 Tumutukoy ito sa suliranin sa lipunan (sosyal, politikal,atbp)
FILIPINO SA HUMUNIDADES
TEORYANG
NATURALISMO
Tinatangka nito ang mas matapat at di pinipiling
representasyon ng realidad.
 Ang buhay ay tila isang marumi, mabangin at walang awing
kagubatan.
 Ipinapakita ng manunulat ang mga kasuklam-suklam na mga
detalye.
 Mahina ang hawak ng tauhan sa kanyang buhay. Pesimista siya
simula pa lamang.
 Ito ay may simpleng tauhan na may di mapigil na damdamin.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG FEMINISMO

Ang pananaw na ito ay naglalayong malabanan ang


operasyon ng sistemang patriarchal sa kababaihan.
 Naglalayon itong mawala ang de-kahong imaheng ibinibigay sa
babae.
 Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at
kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG QUEER

Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa


paningin ng lipunan ang homosexual.
 Kung ang babae ay may feminism, ang homosexual naman ay
queer.
FILIPINO SA HUMUNIDADES
TEORYANG
SOSYOLOHIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ng kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.
 Naipakikita rito ang pamamaraan ng tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga
mambabasa sa pagpuksa sa mga katulad na suliranin.
 Dito mahihinuha ang kalagayang panlipunan ng panahong
kinatha ang panitikan.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG HISTORIKAL

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng


isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan na
bahagi ng kanyang pagkahubog.
 Nais nitong ipakita na nag kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG KULTURAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng
may-akda sa mga hindi nakakaalam.
 Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian,
paniniwala at tradisyong minana at ipapasa sa mga
sunod na henerasyon.
 Ipinakikita rito na bawat lipi ay natatangi.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG
SIKOLOHIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik sa pagbuo ng
pag-uugali, pananaw at pagkatao.
 Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon
ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na magbago o
mabuo ito.
FILIPINO SA HUMUNIDADES
TEORYANG
EKSISTENSYALISMO
Kung babasahin ang isang akda sa pananaw na ito,
maaaring pagtuunan ng pansin ang aklagayan ng tauhan na ang
pokus ay ang pagbuo niya ng paninindigan
 Malaya ang tao- siya lamang ang maaaring magdesisyon kung
paano niya gugugulin ang panahon niya habang siya ay buhay.
 Responsable ang tao – siya lamang ang responsible sa kanyang
bukhay kahit pa ang desisyon niya ay para sa kanyang kabutihan
o kasmaan.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG
EKSISTENSYALISMO
Kung babasahin ang isang akda sa pananaw na ito,
maaaring pagtuunan ng pansin ang aklagayan ng tauhan na
ang pokus ay ang pagbuo niya ng paninindigan
 Indibidwal ang tao – walang isang tao na kaparehas niya.
Ang kanyang pag-iisip, damdamin, kaalaman at kamatayan
ay kanya lamang.
 Walang makapagsasabi ng kung alin ang tama o mali
maliban sa taong nakaranas nito.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG MORALISTIKO
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t iabng
pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang
pamantayan ng tama o mali.
 Ang pagkatama o kamalian ng isang kilos ay nakabatay sa
pilosopiya o proposisyong itinakda ng lipunan.
 Ang moralidad ay napagkasunduan ayon na rin sa kaantaasan
nito.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG ROMANTISISMO
Ang namamayani sa pananaw na ito ay ang emosyon o
likas-kalayaan.
 Ang layunin ang teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan
ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa
kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
 Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang
ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao
o baying napupusuan.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG BIOGRAPIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o
kasagsagan sa buhay ng may-akda.
 Ipinahihiwatig sa mga akdang biograpikal ang mga bahagi ng
buhay ng may-akda na siya niyang pinkamasaya, pinakamahirap,
pinakamalungkot at lahat ng “pinaka” na inaasahang
magsisilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa
mundo.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG
DEKONSTRUKSYON
Ang pananaw na ito at tinatawag na post-instrakturalismo.
 Ang kahulugan ng teksto ay nasa kamalayan ng gumagamit sa
teksto at hindi sa teksto mismo.
 Habang isinusulat ang teksto, ang kahulugan nito’y nasa
kamalayan ng manunulat, nguit sa oras na nasa kamay n aito ng
mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay nasa mambabasa na.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

TEORYANG KLASISISMO

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga


pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng
dalawang nag-iibigan. Karaniwan ang daloy ng pangyayari at
laging nagtatapos nang may kaayusan.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGSULAT NG TEKSTONG FILIPINO SA


HUMUNIDADES
Kapag may paksa na at may mga datos na o ideya na
ang manunulat, ang susunod niyang lohikal na tanong ay ang
mga sumusunod:
1. Paano ko sisimulan ang komposisyon?
2. Paano ko aayusin ang katawan?
3. Paano ko wawakasan ang komposisyon?
FILIPINO SA HUMUNIDADES
PAGSULAT NG TEKSTONG FILIPINO SA
HUMUNIDADES
May ilang paraan na maaaring gamitin sa
pagsisimula ng paglalahad ng mga kaisipan. Ito ay
amg mga sumusunod:

1. Gumamit ng isa o serye ng mga tanong retorikal.


2. Gumamit ng isang pangungusap na sukat makatawag
pansin.
FILIPINO SA HUMUNIDADES
PAGSULAT NG TEKSTONG FILIPINO SA
HUMUNIDADES
3. Gumamit ng pambungad na pagsasalaysay.
4. Gumamit ng salitaan.
5. Gumamit ng isang sipi.
6. Banggiti ang kasaysayan o mga pangyayaring nasa likuran
ng isang paksa.
7. Tahasang ipaliwanag ang suliraning ipaliliwanag.
8. Gumamit ng salawikain o kawikaan.
9. Gumamit ng pasaklaw o panlahat na pahayag.
FILIPINO SA HUMUNIDADES
PAGSULAT NG TEKSTONG FILIPINO SA
HUMUNIDADES

10. Magsimula sa pamamagitan ng buod.


11. Gumamit ng tuwirang sabi.
12. Maglarawan ng pook.
13. Gumamit ng analohiya.
14. Gumamit ng salitang makatawag ng kuryosidad.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGSISIMULA
1. Gumamit ng isa o serye ng mga tanong retorikal

Ano ba ang wika? Bakit dapat nating linawin ang


nauukol dito? Ano nga ba ang kaugnayan ng wika sa baying
pinag-uugatan ng wikang iyan? Iyan ang katanungang dapat
sagutin ng bawat isa. Iyan ang katanungang dapat ihanap ng
kasagutan.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGSISIMULA

2. Gumamit ng pangungusap na sukat makatawag-pansin.

Hindi ito himala. Pero kapaskuhan, ang basura ay


pwedeng maging pera.
Mula sa Basura= Pera o Bigas
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGSISIMULA

3. Gumamit ng pambungad na pagsasalaysay.

Napatingin ako sa dakong sisikatan ng araw.


Nakita kong unti-unti nang namimitak ang harig araw.
May tuwang pumintig sa aking puso. Napangiti ako.
Nauunawaan kong hindi pa huli ang lahat.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGSISIMULA

4. Gumamit ng salitaan.

“Nakasimangot kayo, Ka Ambo?” Bungad ni Tata


Orong. “Kase ba naman, nakaiinis ang naririnig kong
balita sa radio.” “Na, ano ho?”
“Nag-walk-out daw ang mga congressman sa
sesyon ng kamara dahil ginamit presider and Filipino.”
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGSISIMULA
5. Gumamit ng isang sipi.

O Diyos ko, O Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?


Masidhi ang pagtaghoy ko upang ako ay tulungan:
Ngunit hindi dumarating ang saklolong hinihintay,
Araw gabi’y dumarating, tumatawag ako, Diyos
Hundi ako mapanatag di Ka parin sumasagot!

Ito ang sinambit ni Haring David bilang simula ng kanyang Awit


22 sa panahong humihingi siya ng awa sa Diyos.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGSISIMULA

6. Banggitin ang kasaysayan o mga pangyayaring nasa


likuran ng isang paksa.

Noong Nobyembre 10, 1948, ang mga kinatawan


ng Nagkakaisang mga Bansa ay nagpalabas ng
kinikilala ngayong Universal Declaration of Human
Rights. Nilalaman nito ang lahat ng karapatan ng mga
tao na maaaring maisip.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGSISIMULA

8. Gumamit ng salawikain o kawikaan.

“Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.”


Tamang-tama ang salawikaing ito sa maraming tao
ngaun. Kung kalian huli na at saka naman nag-uumahit
sa pagkakaloob ng tulong.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGSISIMULA

9. Gumagamit ng pasaklaw o panlahat na pahayag.

Malaking bahagi ng populasuon ng Pilipinas ang


binubuo ng kabataan. Kaya tuwing may krisis na
tumatama sa ekonomiya ng Pilipinas, isa sa mga labis
na naaapektuhan ay ang mga bata.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGSISIMULA

10. Magsimula sa pamamagitan ng buod.

Nilayasan na ng veteran rocker na si David Bowie


ang kanyang recording company at nagtayo na ng
sariling kumpanya.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGSISIMULA

11. Gumamit ng tuwirang sabi..

They’re liars! Ito ang mariing sinabi kahapon ni


Senador Wigberto Tanada sa mga US officials.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGSISIMULA

12. maglarawan ng tao o pook.


Isang pader-mataas at makapal. Sa likod nito ay
may itinatagong samu’usaring kwento. Mapapansin mo
ang pag-asang bumabalot sa katauhan ng ilan sa mga
naririto, samantalang kabit-kabit ang maaaninag mo sa
karamihan sa kanila. Naghihintay ng hatol sa nagawa
nilang kasalanan.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGSISIMULA

13. Gumamnit ng analohiya


Ang buhay ay gulong….umiikot, mbilis, mabagal,
pumapailalim, pumapaibabaw…
14. Gumamit ng isang salitang makatawag ng kuryusidad
Luha!
Salitang may apat na titik lamang datapwa’t
naglalaman ng isang libo’t isang kahulugan.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGSASAAYOS NG KATAWAN

Sa pagbuo ng pinakakatawan ng komposisyon, may iba’t


ibang paraang maaring gamitin sa paghahanay ng mga kaisipan,
alinsunod sa paksa, layunin at sa pinag-uukulan. Ilan sa mga ito
ang mga sumusunod:
1. Iayos ang mga datos nang pakronolohikal.
2. Iayos ang mga datos nang palayo o palapit, pataas o pababa,
papasok o palabas.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

2. Iayos ang mga datos nang palayo o palapit, pataas o pababa,


papasok o palabas.
Mula sa malayo’y tanaw na tanaw ko ang maitim niyang buhok na
tila sumasayaw sa hangin. Hindi ko pa nabanaag nang malinaw ang kanyang
mukha ngunit nahihiwatigan ko na ang kanyang angking ganda.
May kumurot sa aking puso nang may limang dipa na ang agwat
ko sa kanya. Namamasdan ko na ang kanyang katawan. Hapit na hapit ang
kanyang malulusog na dibdib sa suot niyang tube blouse na pula at ang
kanyang balakang sa stretched niyang maong.
Nang makaharap ko siya nang malapitan nay di ko mapihilang
mapabulong sa aking sarili: Ang ganda ng text-mate ko!
FILIPINO SA HUMUNIDADES

3. Iayos ang datos nang pasahol.


Halimbawa, bagama’t Malaki ang pagpapahalagang binigay
sa edukasyon ng mga Pilipino, marami sa ating mga kabataan ang
napipilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa matinding kahirapan o kaya’y
sa kakulangan ng mga pampublikong paaralan.
Sa katunayan, sa bawat sampung batang nabibigyan ng
libreng edukasyon mula sa pamahalaan, anim lang dito nakapagtatapos
ng grade school. Yun namang masuwerteng nakaraos ay dumadaan
naman sa limitadong bilang ng oras, kakulangan sa mga kagamitan,
masisikip na classroom at karaniwang mababang kalidad ng
edukasyon.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

4. Iayos ang mga datos nang pasaklaw.


Subalit hindi sinasadyang ginalit ni Sto. Tomas ang mga
Pilipina nang ipahiwatig niyang baka lisanin ng kaniyang mga
kababayan ang Hong Kong kung babawasan nang malaki ang
pasuweldo sa kanila.
Ang kanyang nasambit? “Kung talagang mahirap mangyari
ang ating hiling, may posibilidad na sabihin na lang natin, O, kung
hindi kayo kailangan sa Hong Kong, siguro rapat na kayong umuwi sa
Pilipinas,” ano Sto. Tomas.
Binatikos ng mga aktibista na sumusuporta sa mga katulong
ang pahayag ni Sto. Tomas. Anila, isang walang pakundangan at
iresponsable.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

5. Paghambingin ang mga datos.


Di tulad ng mga tradisyunal na museo kung saan ‘yung mga
bagay-bagay ay naka-display lang sa likod ng mga salamin upang
matyagan lang at hundi hawakan, ang Museong Pambata ay
naglalaman ng mga bagay na pwedeng hawakan, usyusohin,
pakialaman, galawin at paglaruan ng mga bata upang makatulong sa
pagpapalawak ng kanilang imahinasyon at pag-iisip.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

6. Isa-isahin ang mga datos.


Balak ng Mobile Library Program na maitanim ang hilig sa
pagbabasa at pag-aaral sa mga bata particular na roon sa mga lalong
nangangailangan.
Kabilang din sa mga pakay ay:
1. Magkaroon ng mga special reading activities para sa mga
out-of-school youth at mga batang lansangan para ma-enganyo
silang bumalik sa pag-aaral.
2. Matulungan ang mga mababang paaralang pampubliko sa
kampanya nilang maisaayos ang kaugaliang pagbabasa ng mga
estudyante.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

7. Suriin ang mga datos.


Kabilang sa mga pelikulang hindi makakalimutan dahil sa
magaling na pagganap ni Amy ay ang Paano Ba Mangarap (1985),
Hinugot sa Langit, at Anak (2000).
Dito sa Bagong Buwan, na sinulat ni Marilou kasama si Ricky
Lee at Jun Lana, at gawa Star Cinema at Bahaghari Productions, tiyak
na mapapansin na naman ang galing ni Amy sa kanyang pagganap
bilang Fatima, ang Muslim na nurse na asawa ni Cesar.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGWAWAKAS

Gaya rin naman ng simula, ang haba ng wakas


ay dapat ibagay sa haba ng buong katha. Ang wakas
ay maaring isang kabanata, isang talataan, isang
pangungusap o isa lamang “pakiramdaman sa pasapit
sa katapusan ng akda” na nililikha ng mga
panghuling salita.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

PAGWAWAKAS
Ito’y magagawa sa iba’t ibang paraan, tulad ng mga
sumusunod:
1. Ibuod ang paksa.
2. Mag-iwan ng isa o ilang tanong.
3. Mag-iwan ng hamon.
4. Bumuo ng kongklusyon.
5. Gumawa ng prediksyon.
6. Magwakas sa angkop na sipi o kasabihan.
7. Sariwain ang suliraning binanggit sa simula.
8. Mag-iwan ng isang pahiwatig o simbolismo.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

1. Ibuod ang paksa.


Alam kong marami pang bundok ng mga problemang
kailangan nating pasanin upang maging ganap na katotohanan
ang bagay na ito. Kaya nga ngayon, bukod sa ating sama-
samang pagsisikap, magkaisa rin tayong manalangin na ang
sariling wika na natin ang gamitin sa ating lipunan, paaralan at
gobyerno upang ganap na tayong lumaya sa wika, sa isip at sa
pagkatao.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

2. Mag-iwan ng isa o ilang tanong.

Pagkakaisa, kalayaan, kaunlaran… mawawala


ang lahat ng iyan kung mawawala ang sariling wika!
Ngayon, pababayaan mo bang maglaho ang ating
sariling wika? Pababayaan mo ba?
FILIPINO SA HUMUNIDADES

3. Mag-iwan ng hamon.
Sadya ang tinatahak natin ngayon ay hindi isa sa mahihirap
kundi pinakamahirap na bahagi ng kasaysayan. Sapagkat nasa gitna
tayo ngayon ng isang kasaysayan at dramatikong panahon. Pababayaan
ba nating dumaan ang kasaysayan nang hindi tayo kasama? Nang hindi
tao kasangkot?
Ngayon, tayo ay magpasya! Ngayon ang panahon ng
pakikilahok!
FILIPINO SA HUMUNIDADES

4. Bumuo ng kongklusyon.
Bilang kongklusyon, ang huling pagtatangka sa pag-agaw ng
kapangyarihan ay taliwas sa demokratikog proseso o kasalukuyang
kinapapalooban ng ating pamahalaan. Ito’y isang aroganteng hakbang
ng mga rebeldeng sundalo upang maitatag ang kanilang sariling
pananaw ng lipunan na nagtatago sa likod ng esensya ng diktadurya
matapos pabagsakin ng mamamayan ang huling diktadurya noong
nakaraang Pebrero!
FILIPINO SA HUMUNIDADES

5. Gumawa ng prediksyon.
Sa panahong iyon, magkakahawak-kamay na nating
haharapin nang buong tatag at anino ng takot at pangamba
ang ngayon at ang kinabukasan ng ating bansa. At natitiyak
ko… sa tulong ng ating Dakilang Lumikha… makabubuo
tayo ng isang bansa … isang Pilipinas na dakila, masagana at
kaiga-igayang panahanan.
FILIPINO SA HUMUNIDADES

6. Magwakas sa angkop na sipi o kasabihan.

Tapos na ang pagsasawalang-bahala. Hindi na


natin masisisi ang ating kapalaran. Ika nga ni
Shakespeare, The fault, dear Brutus, si not in our
stars but in ourselves!
FILIPINO SA HUMUNIDADES

8. Mag-iwan ng isang pahiwatig o simbolismo.


Sa di kalayuan, ilang kumikislap na luha ang pumatak
sa isang maliit na anino na isang matipunong lalaki matapos
gampanan ang isang utos ng kanyang nakatataas.
Habang nagdadagsaan ang maraming tao sa
pinangagalingan ng tila umaagos na pulang gata sa lupa ay
unti-unting nawawala ang anino sa kadiliman.

You might also like