You are on page 1of 54

MGA BATAYANG KAALAMAN

AT KASANAYAN

SA PANANALIKSIK
ANG PANANALIKSIK

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN
Ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa
mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang linaw,
patunayan o pasubalian.
Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik bilang isang
sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga
proposisyong haypotetikal.
Sa simpleng salita ito ay ang makaagham na pamamaraan ng
pagbibigay solusyon sa mga suliranin.
ANG PANANALIKSIK

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN
Ang pananaliksik ay isang pagsisiyasat ng isang
partikular na paksa gamit ang iba’t ibang pamamaraan ng
mapapagkatiwalaang pang-akademikong hanguan. Ang
tatlong pangunahing layunin ng pananaliksik ay:
 Makapagtatag ng katotohanan
 Masuri ang mga impormasyon
 Makabuo ng bagong kongklusyon.
ANG PANANALIKSIK
MGA KATANGIAN NG
PANANALIKSIK
Ayon sa Research Methodology (n.d), may walong katangiang
dapat taglayin ang isang gawaing-pananaliksik upang matiyak na ang
resulta ay walang pagkiling, walang mga kamaliang bunga ng pagiging
subdyektibo.
1. Mapagkakatiwalaan 5. Generalizability
2. Validity 6. Emperikal
3. Kawastuhan 7. Sistematiko
4. Kredibilidad 8. Kontrolado
ANG PANANALIKSIK
MGA KATANGIAN NG
PANANALIKSIK
MAPAGKAKATIWALAAN
Ulitin man ang pananaliksik gamit ang parehong
pamamaraan, nararapat ay maging magkatulad ang resulta. Ito
ang pinupunto ng pagiging mapapagkatiwalaan ng isang
pananaliksik. Kung pabago-bago ang resulta, isa itong tanda na
hindi lubusang mapagkakatiwalaan ang resulta ng pananaliksik
at mainam na makabuo ng ibang pamamaraan ng pagsasagawa
ng pananaliksik.
ANG PANANALIKSIK

MGA KATANGIAN NG
PANANALIKSIK
VALIDITY
Ito ang tumutukoy kung ang resulta ng pananaliksik ay
maituturing na tama o mali. Ang validity ang nagtitiyak kung
maaari bang maging kapaki-pakinabang ang pananaliksik.
Maaaring mabisa ang instrumento ng pananaliksik ngunit
sa uri ng pananaliksik ay hindi ito angkop.
ANG PANANALIKSIK

MGA KATANGIAN NG
PANANALIKSIK
KAWASTUHAN
Ito ay tumutukoy sa kaangkupan ng mga kagamitan ng
pananaliksik sa isasagawang pananaliksik. Dapat ay
maaaring pag-ugnay-ugnayin ang lahat ng kasangkapan sa
pananaliksik upang matiyak ang pananaliksik.
ANG PANANALIKSIK

MGA KATANGIAN NG
PANANALIKSIK
KREDIBILIDAD
Kailangang maingat na piliin ang mga hanguan ng
impormasyon. Tiyakin na ang mga pinagkunan ay tunay na
mapagkakatiwalaan at kung may nakapanayam man,
kailangang matiyak na siya ay taong kilala sa larangang
pinag-uusapan.
ANG PANANALIKSIK

MGA KATANGIAN NG
PANANALIKSIK
GENERALIZABILITY
Mahalagang tiyakin na ang resulta ng pananaliksik ay
maaaring maikapit sa mas malalaking populasyon kung
kaya’t sa pagpili ng sample size, kailangang tiyakin na ito ay
maaaring kumatawan sa mas malaking bilang.
ANG PANANALIKSIK

MGA KATANGIAN NG
PANANALIKSIK
EMPERIKAL
Dapat ay maingat na isagawa ang bawat hakbang ng
pananaliksik at natiyak na lahat ay wasto upang hindi
masayang ang inilaang panahon sa pagsasagwa ng
pananaliksik.
ANG PANANALIKSIK

MGA KATANGIAN NG
PANANALIKSIK
SISTEMATIKO
Bawat hakbang ay nararapat na maisagawa ayon sa
wastong pagkakasunud-sunod. Nararapst na sundin ang
prosidyur sa pagsasagawa ng isang partikular na uri g
pananaliksik. Ang maayos na pagkakagawa ng pananaliksik
ay higit na magiging mas valid at katanggap-tanggap.
ANG PANANALIKSIK

MGA KATANGIAN NG
PANANALIKSIK
KONTROLADO
Alam nating sa bawat minutong may nangyayari, wala
tayong control sa mga ito. Ngunit mahalaga na sa pagsasagwa
ng pananaliksik, dapat ay may control upang hindi nauwi sa
wala ang pananaliksik. Hindi maaaring kung anu-ano na lamang
ang gawain makamit lamang ang layunin. Mayroong hangganan
na itinalaga sa saklwa ng pag-aaral na dapat tupdin.
ANG PANANALIKSIK

MGA KATANGIAN NG ISANG MABUTING


MANANALIKSIK
MAUSISA
Ang isang mananaliksik ay siang taong palaisip at handing
magsagawa ng malalimang pagsusuri ng mga bagay sa paligid
upang mabigyan ng kasagutan ang mga katanungang kaniyang
nabuo.
ANG PANANALIKSIK

MGA KATANGIAN NG ISANG MABUTING


MANANALIKSIK
MABUTING PAGPAPASAYA
Bago gawing pinal ng mananaliksik ang mga kongkluson
ay tinitiyak niyang naisaalang-alang niya ang lahat ng datos na
nakalap at maingat n apinag-aralan ang mga naging resulta ng
pagsusuri.
ANG PANANALIKSIK

MGA KATANGIAN NG ISANG MABUTING


MANANALIKSIK
KRITISIMONG MAPAGPABUTI
Hindi agad-agad na tinatanggap ng mananaliksik ang
katotohanan na isinasaad ng kanyang mga tuklas. Nagbibigay
siya ng mga puwang sa mga maaaring kahinaan o kawalan ng
validity ng resulta ng pangangalap ng datos.
ANG PANANALIKSIK

MGA KATANGIAN NG ISANG MABUTING


MANANALIKSIK

MAY KATAPATANG INTELEKTUWAL


Ang isang mananaliski ay tapat mula sa pangangalap ng
datos, sa interprestasyon ng resulta hanggang sa presentasyon ng
kinalabasan ng pananaliksik.
ANG PANANALIKSIK

MGA ETIKA NG MANANALIKSIK


Sa pagsasabatas ng Intellectual Property Rights, kailangan ang
mahigpit na pagsunod sa mga probisyon nito upang makaiwas sa
anumang kasong sibil at criminal na maaaring kahantungan ng isang
mananaliksik.
Narito ang mga Etika ng Mananaliksik:
 Paggalang sa karapatan ng iba
 Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential
 Pagiging matapat sa bawat pahayag
 Pagiging obhetibo at walang kinikilingan
ANG PANANALIKSIK

MGA BATIS NG IMPORMASYON

Ang isang gawaing pananaliksik ay hindi


maisasakatuparan kung walang sapat na batayan ng
impormasyon. Dapat sumangguni ang isang mananaliksik sa
mga batis ng impormasyon. Sa kabuuan, may dalawang batis
lamang ng impormasyon:
 Primaryang sanggunian
 Sekondaryang sanggunian
PAGBASA

PAGBABASA AT PAGBUBUOD NG IMPORMASYON


Ang mga sumusunod na ilang mga kasanayan sa
pagbasa ay naglalayong linangin ang komprehensyon ng
mag-aaral sa higit pang komprehensibong pamamaraan.
 Pag-uuri ng mga ideya/detalye
 pagtukoy sa layunin ng teksto
 Pagtukoy sa damdamin, tono, pananaw ng teksto
 Pagkilala sa opinyon at katotohanan
PAGBASA

PAGBABASA AT PAGBUBUOD NG IMPORMASYON


Ang mga sumusunod na ilang mga kasanayan sa
pagbasa ay naglalayong linangin ang komprehensyon ng
mag-aaral sa higit pang komprehensibong pamamaraan.
 Pagsuri ng validity ng isang ideya
 Paghuhula at paghihinuha
 Pagbuo ng lagom at kongklusyon
PAGBASA

PAG-UURI NG IDEYA AT DETALYE

 Ang pangunahing ideya ng isang paksa ay


karaniwang siyang pamaksang pangungusap ng
isang talata o di kaya ay tesis na pangungusap ng
isang teksto.
PAGBASA

PAG-UURI NG IDEYA AT DETALYE

 Ang tesis na pangungusap ay naglalaman ng


maituturing nating buod ng teksto at makakaasa
tayong lahat ng mga natulong na pangungusap at
tunay na sumusuporta sa pangungusap na ito.
PAGBASA

PAG-UURI NG IDEYA AT DETALYE

 Ang paksang pangungusap ng isang talata ay


karaniwang inilalagay bilang unang pangungusap ng
talata. May mga pagkakataon din ito ang huling
pangungusap ng talata.
PAGBASA

PAG-UURI NG IDEYA AT DETALYE

 Ang paksang pangungusap ay nagsisilbing gabay ng


manunulat kung ano ang mga isusunod na
pangungusap samantalang ang tesis na pangungusap
naman ay tumutulong sa mambabasa na makilala
ang mahalagang punto ng teksto.
PAGBASA

PAG-UURI NG IDEYA AT DETALYE


 Sa kabilang banda, mayroon ding maituturing na
dalawang uri ng detalye.
 Ang pangunahing detalye ay tumutulong sa
pagbibigay linaw sa pinapaksa ng teksto.
 Ang pansuportang detalye ay tumutulong naman na
ipaliwanag ang pangunahing detalye, maaaring sa
pagbibigay-halimbawa o karagdagang
impormasyon at detalye.
PAGBASA

PAGTUKOY SA LAYUNIN NG
TEKSTO
 May iba’t ibang layunin ang awtor sa pagsulat ng
isang teksto o talata. Maaaring layunin niya ang
manghikayat, magbigay impormasyon, maglarawan
at magsalayasay.
PAGBASA

PAGTUKOY SA DAMDAMIN, TONO AT


PANANAW NG TEKSTO
 Ang damdamin o mood ay ang pangkalahatang
damdamin o emosyong nabuo sa mambabasa.
 Ang tono, sa simpleng pananalita ay ang atityud ng
manunulat sa paksa.
 Ang pananaw ng teksto ay tumutukoy sa
nagsasalaysay o nagsasalita sa isang teksto.
PAGBASA

PAGKILALA SA OPINYON AT
KATOTOHANAN
 Ang katotohanan ay mga pahayag na
mapayutunayan samantalang ang opinyon ay mga
pahayag na base sa mga personal na paniniwala at
maaaring pagtalunan.
PAGBASA

PAGSUSURI NG VALIDITY NG ISANG IDEYA


 Ano ang implikasyon ng katotohanan at opinyon sa
validity ng ideya?
 Nangngahulugan lamang na ang validity ng isang
ideya ay nakasalalay sa pagkilala ng katotohanan at
opinyon sa isang teksto.
 Ang opinyon ay maaaring katanggap-taggap din
naman kung ang isinaalang-alang ay ang paggalang o
respeto.
PAGBASA

PAGSUSURI NG VALIDITY NG ISANG IDEYA


HALIMBAWA:
VALID
 Ang pagkaimbento ng computer ay naging daan
upang magkaroon ng malaking pagbabago sa
larangan ng komunikasyon sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
PAGBASA

PAGSUSURI NG VALIDITY NG ISANG IDEYA

HALIMBAWA:
DI-VALID
 Ang pagkaimbento ng computer ang siya lamang
dahilan kaya naging maunlad ang mga bansa sa
daigdig.
PAGBASA

PANGHUHULA AT
PAGHIHINUHA
Ano ba ang pinagkaiba ng panghuhula at
paghihinuha?
 Ang panghuhula ay pag-iisip kung ano ang
maaaring mangyari base sa mga larawan, pamagat,
heading o maging ang mga personal na karanasan
bago pa man mabasa ang teksto.
PAGBASA

PANGHUHULA AT
PAGHIHINUHA
Ano ba ang pinagkaiba ng panghuhula at
paghihinuha?
 Ang paghihinuha ay pagbibigay ng kongklusyon
tungkol sa mga di-tuwirang ideyang ipinahayag sa
babasahin gamit ang mga ibinigay na pahiwatig.
PAGBASA

LAGOM AT KONGKLUSYON

Ano ba ang pinagkaiba ng lagom at kongklusyon?


 Ang lagom o buod ang itinuturing na pinakapayak na
anyo ng paglalahad o diskuro. Hindi dapat pasukan ng
anumang puna o sariling kuru-kuro ang akdang
hinahalaw.
 Sa pagbuo ng lagom, gawing gabay ang katanungang
“Ano ang pinakapunto ng tekstong binabasa?”
PAGBASA

LAGOM AT KONGKLUSYON

Ano ba ang pinagkaiba ng lagom at kongklusyon?


 Sa kongklusyon higit na bibibigyang diin ang tesis
ng teksto, dito rin nagkakaroon ng kabuuan ang
teksto at sa puntong ito nag-iiwan ang manunulat
ng impresyon sa mambabasa.
 Makatutulong ang pagtatanong ng “Ano ngayon?”
PAGBASA

LAGOM AT KONGKLUSYON

Ano ba ang pinagkaiba ng lagom at kongklusyon?


 Ang kongklusyon ay nakabatay din sa kaalaman at
karanasan ng manunulat relatibo sa paksa.
PAGBUBUOD NG IMPORMASYON
PAGBUBUOD NG
IMPORMASYON

Ano ba ang pinagkaiba ng lagom at kongklusyon?


 Ang kongklusyon ay nakabatay din sa kaalaman at
karanasan ng manunulat relatibo sa paksa.
ANG PAGSASALIN BILANG
ISANG KASANAYANG
PAMPANANALIKSIK
ANG PAGSASALING-WIKA

KAHULUGAN AT
KALIKASAN

Ayon kay Bernales, et al. (2001), ang pagsulat ay


pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,
simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.
ANG PAGSASALING-WIKA

KATUTURAN NG
PAGSASALIN
Ang pagsasalin ay madalas na ipinagpapalit sa
salitang paglilipat. Kung iisipin, maaari nga namang
maituring na paglilipat ang pagsasalin ngunit kailangang
unawaing mabuti kung ano nga ba ang ililipat. Kailangang
pakatandaan na ang inililipat ay hindi ang mismong salita
na nasusulat sa isang wika tungo sa ibang wika bagkus ay
ang kahulugan o katumbas na mensahe.
ANG PAGSASALING-WIKA

KATANGIAN NG ISANG TAGASALIN

 Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot


sa pagsasalin
 Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
 Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang
bansang sangkot sa pagsasalin
ANG PAGSASALING-WIKA

TUNGKULIN NG ISANG TAGASALIN

 Basahin at unawain ang teksto


 Paghahanap ng tumpak na anyo upang muling
maihayag ang mensahe ng akda
 Muling pagpapahayag ng mensahe sa bagong wika
ANG PAGSASALING-WIKA

KATANGIAN NG IDEYAL NA SALIN

 Tumpak
 Natural
 Daan sa epektibong komunikasyon
ANG PAGSASALING-WIKA

Mga salik na nakaaapekto sa pagsasalin

 Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong


gumagamit nito.
 Bawat wika ay may kani-kaniyang natatanging
kakanyahan.
 Ang salin ay kailangang matanggap ng bagong
mambabasa.
ANG PAGSASALING-WIKA

Mga salik na nakaaapekto sa pagsasalin

 Sa pagsasalin, bigyang-halaga ang nagbabagong anyo ng


wikang Filipino.
 Sa pagsasalin, isaisip ang pagtitipid ng mga salita.
 Pahalagahan na ang bawat salita ay may tiyak na
kahulugan kung ito ay nakapaloob sa isang pahayag.
 Ang mga daglat, akronim at pormulang unibersal ay hindi
isinasalin.
ANG PAGSASALING-WIKA

Mga konsiderasyon bago magsalin


 Layunin
 Mambabasa
 Anyo
 Paksa
 Pangangailangan
ANG PAGSASALING-WIKA

Mga paraan ng pagsasalin


 Sansalita-bawat-sansalita
 Kung ito ang natatanging paraan na gagamitin ng
tagasalin sa pagsasalin, tiyak na magbubunga ito ng
kalituhan. Ito ay dahil sa katotohanang walang
dalawang wika ang magkatulad
kung kaya’t kung isa-isa ang tumbasan ng mga
salita, tiyak na maisasantabi ang wastong gramatika.
ANG PAGSASALING-WIKA

Mga paraan ng pagsasalin


 Literal
 Sa ganitong paraan ng pagsasalin, isinasalin ang
mensahe mula sa orihinal na wika tungo sa target na
wika sa pinakamalapit na natural na katumbas na
nagbibigay halaga sa gramatikal na aspeto ng
tumatanggap ng wika. Mainam ang paraang ito
ngunit minsa’y napapahaba ang salin dahil sa labis
na katapatan sa teksto at nababaliwala ang
konteksto.
ANG PAGSASALING-WIKA

Mga paraan ng pagsasalin


 Adaptasyon
 Sa paraang ito, tila isinasantabi ng tagasalin ang
orohinal. Ginagamit lamang niya ang orihinal bilang
simulain at mula roon ay papalaot upang makabuo
ng bagong akda. Maituturing itong pamamaraan na
malayo sa orihinal. Karaniwan itong nagaganap sa
pagsasalin ng mga tula.
ANG PAGSASALING-WIKA

Mga paraan ng pagsasalin


 Malaya
 Sa paraang ito, inilalagay ng tagasalin sa kanyang
kamay ang pagpapasya kung paano isasalin ang mga
bahagi ng isang teksto na maituturing na may
kahirapan. Siya ang bumubuo ng desisyon kung
paano isasalin ang teksto at hindi na naiisip kung ito
ba ay dapat tapat sa orihinal.
ANG PAGSASALING-WIKA

Mga paraan ng pagsasalin


 Matapat
 Dahil tapat, sa pamamaraang ito ay ginagamit ng
isang tagasalin ang lahat ng kanyang kakayahan
upang manatiling tapat sa mensahe mg orihinal sa
paraang tanggap sa bagong wika. May mga nagiging
balakid man at suliranin, ito ay kanyang ginagawan
ng solusyon na hindi isinasakripisyo ang orihinal at
hindi naman nilalapastangan ang salin.
ANG PAGSASALING-WIKA

Mga paraan ng pagsasalin


 Idyomatikong Salin
 Sa pamamaraang ito, ang kakayahan ng isang tagasalin na
unawain ang kalaliman ng wika ng orihinal at hanapin at
hanapin ang katumbas nito sa target na wika ang
nangingibabaw. Hindi nalilimita ng anyo, ng estruktura at ng
literal na antas ng salita ang tagasalin, bagkus alam niya kung
gaano kasining ang wika ng orihinal na wika upang
matuklasan ang nakatagong mensahe at hanapin ang katumbas
nito sa target na wika sa masining na paraan.
ANG PAGSASALING-WIKA

Mga paraan ng pagsasalin

 Saling semantiko
 Sa paraang ito, pinangingibabaw ng tagasalin ang
pagiging katanggap-tanggap ng salin sa mga bagong
mambabasa sa pamamagitan ng pagtiyak na natural sa
pandinig at paningin nila ang salin at hindi ito
lumamalabag sa paniniwalang katanggap-tanggap.
ANG PAGSASALING-WIKA

Ang panghihiram ng salita sa pagsasaling-wika

 Komunikatibong salin
 Sa ganitong paraan, hindi lamang nagiging tapat sa
pagpapakahulugan ang tagasalin, ngunit maging sa
konteksto ng mesahe at nailipat niya ito sa paraang
madaling tanggapin ng bagong mambabasa dahil ang
ginagamit niya ay yaong karaniwan at payak.

You might also like