You are on page 1of 13

MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS:

WIKANG FILIPINO AT MASS MEDIA


MASS MEDIA
Pangmasang media, pangmadlang media, o mass
media
ang tawag sa pinakamaimpluwensyal at masasabi
ring pinakamakapangyarihang institusyon sa ating
lipunan. Ang media ay isang institusyong
panlipunan tulad ng pamilya, paaralan, simbahan,
at pamahalaan na ang natatanging tungkulin ay
tagapabatid ng sa menshahe sa kinuukulan.
Ang mass media ay isa ring malaking
industriya. Kasama sa sangay ng mass
media ang pahayagan, radyo, at
telebisyon. Kumikita ito sa pamamagitan
ng mga patalastas.
Ang mga patalastas sa telebisyon o radyo
ay ginagawa ng mga advertising agency
para sa multinasyonal na kompanya o
negosyong nangangailangan ng
publisidad para mabili ang kanilang
produkto o serbisyo.
Nagbabayad ang mga kompanyag ito
para isingit o ilagay sa mga pahayagan,
internet blog at website, at programang
pantelebisyon o panradyo ang mga
patalastas tungkol sa kanilang produkto o
serbisyo.
Saang programa nila ito nilalagay?

Hindi sa lahat ng programa. Namumuhunan


ang mga kompanyang ito sa palabras o
programang higit na tinatangkilik ng mga tao.
Nalalaman nila ito sa pamamagitan ng resulta
ng rating survey ng telebisyon at radyo.
RADYO – ANG MEDIA NG MASA

Ang programa sa radyo ang pinakamalawak at


may pinakamaraming naabot na mamamayan
sahil higit sa 600 ang mga estasyon ng radyo
sa buong pilipinas.
Pinakamura kasi itong kasangkapan sa
bahay kumpara sa telebisyon o ibang
media gadget. Maari din itong umandar
gamit lamang ang baterya na tipikal na
paraan sa mga baryo o lugar na hindi
naabot ng elektrisidad.
Pinakaabot-kamay ang programa sa radyo
kahit saang lugar o panig ng bansa. Ang mga
drayber ng taxi ay madalas nakikinig dito,
pati ang nasa pribadong sasakyan, at ang
ibang nasa tahanan, restawran, at opisina
upang making ng balita, musika, o
programang panradyo sa AM at FM. Sa
makatuwid pangmadla talaga ang radyo.
PANONOOD BILANG PAGBASA,
PAGKATUTO, AT PAGKONSUMO
Naidagdag ang panonood bilang ikalimang
kasanayang pangwika. Ito ay proseso ng
pagbasa, pagkuha, pag-unawa ng mensahe mula
sa palabas. Isang uri ng pagbasa ang panonood
dahil imbis na tekstong nakalimbag, ang
tekstong audio-visual ang binibigyang-
kahulugan at inuunawa ng manonood.
MGA URI NG PALABAS
•Tanghalan/Tearto – Napapanod sa
tanghalan
•Pelikula – Hindi aktuwal ang
pagtatanghal o pag arte ng mga tauhan.
•Telebisyon – Telebisyon, komediserye,
telenovela at iba pa.
Magbigay ng mga palabas mula sa dalawang
pangunaheng estasyon ng telebisyon.
Mga uri ng Palabas ABS-CBN GMA 7

Teleserye/Telenovela

Koreanovela

Pangunahing Balita

Dokumentaryo

Showbiz Talk Show

Reality TV

Palabas-pambata
Takdang aralin:Pumili ng isang pelikula at sagutin
ang sumusunod.
Pamagat ng Pelikula

Direktor

Mga tauhan

Kompanyang Naglabas

Prodyuser

Taon ng Paglabas

You might also like