You are on page 1of 16

MASINING NA PAGPAPAHAYAG

ANG MGA TAYUTAY


MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

ALITERASYON
 Ito ang uri ng tayutay na gumagamit ng
pag-uulit ng mga titik o pantig sa inisyal
na bahagi ng salita.
 Nauulit o halos magkaparehong tunog ng
unang letra o ponema ng mga
magkakadikit at magkakaugnay na salita.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Halimbawa:

 Makatas, masarap, at malambot ang makopa na dala


ni Malea.
 Inaamoy, inaayos, at inaalam ng mga ina ang mga
inihahanda.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

KONSONANS

 Ito naman ay kakikitaan ng pag-uulit


ng mga tunog-katinig sa pinal na
bahagi ng salita.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Halimbawa:

 Bukal ang inalay niyang pagmamahal kaya’t lalo


itong tumatatag habang tumatagal.
 Bumalik ang pananabik sa kahapon dahil sa tamis ng
halik.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

ASONANS

 Ito ang uri ng aliterasyon kung saan


ang tunog ng patinig lamang ang
inuulit mula sa mga magkakaugnay na
mga salita.
 Inuulit ang mga tunog-patinig sa
alinmang bahagi ng salita.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Halimbawa:

 Lumabas ang dugo sa malapad niyang noo.


 Tatahakin ang sulok ng mundo upang makamit ang
matamis mong oo.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

ANAPORA
 Ito naman ang pag-uulit ng mga
salita sa unang bahagi ng mga
pahayag o taludtod.

Halimbawa:
Ikaw ang aking pangarap,
Ikaw ang bigay ng Maykapal,
Ikaw ang lahat sa akin.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

EPIPORA
 Ito naman ang pag-uulit ng mga
salita sa huling bahagi ng mga
pahayag o taludtod.

Halimbawa:
Ang Konstitusyon ay para sa mamamayan, gawa ng mamamayan
at mula sa mamamayan.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

ANADIPLOSIS

 Ito naman ay katatagpuan ng pag-


uulit ng salita sa una at huling
bahagi ng pahayag o taludtod.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Halimbawa:
Ang mahal ko ay tanging ikaw,
Ikaw na nagbigay ng ilaw,
Ilaw sa gabi na kay dilim,
Dilim man o liwanag, ikaw ay mahal pa rin.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

PAGHIHIMIG

 Paggamit ng mga salitang gumagagad sa


tunog na nalilikha ng bagay na tinutukoy.

Halimbawa:
 Nangingibabaw ang tik-tak ng relo sa buong silid.
 Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan ng matatalim
na kidlat.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

PAGPAPALIT-TAWAG

 Ito ay pagpapalit ng ngalan o katawagan


sa bagay na tinutukoy.

Halimbawa:
 Mabigat ang pasan niyang krus.
 Inuna sa pila ang mga may uban.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

PAGPAPALIT-SAKLAW

 Pagbanggit ng bahagi bilang


katapat/katumbas ng kabuuan.

Halimbawa:
 Isang Juan dela Cruz ang naging kinatawan ng bansa.
 Sandaang palad ang nakalahad sa simbahan.
 Hiningi ng binata ang kamay ng dalaga sa kanyang mga magulang.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

PAGLILIPAT-WIKA

 Inililipat sa bagay ang mga pang-uring


gamit lamang sa tao.

Halimbawa:
 Ang mapusok na patalim ay ibinaon niya sa lupa.
 Ang mapag-arugang kamiseta ang suot ng maysakit.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Sanggunian:

 Austero, C. et.al. Retorika: Masining na Pagpapahayag. Sta.

Mesa, Manila: Rajah Publishing House. 2015.

 https://noypi.com.ph/tayutay/

You might also like