You are on page 1of 7

Pang-uri ang mga salitang panlarawan.

Naglalarawan ito ng anyo, kulay, hugis,


amoy,bilang, at iba pang katangian ng pangngalan
at panghalip.
Kaantasan ng
Pang-uri
1. Lantay
Naglalarawan ito ng isang pangngalan at
panghalip.
Halimbawa:
a. Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong
nasa bakuran ng munisipyo.

b. Kupas ang gris niyang suot.


2. Pahambing
Naglalarawan ito ng katangian ng dalawang
pangngalan at panghalip. Ginagamitan ito ng mga
salita o katagang tulad ng ga-, sing-
/kasing-,magsing-/ magkasing-, higit… kaysa,
lalo...kaysa, di-gaano...kaysa, di- hamak… kaysa.
Halimbawa:
a. Kakaunti ang mga taong dumating sa
munisipyo ngayon kaysa kahapon.

b. Magkasinglungkot sila nang magkita sa


tanggapan ng alkalde.
3. Pasukdol
Naglalarawan ito ng namumukod o
nangingibabaw na katangian ng pangngalan at
panghalip na wala nang hihigit pa sa lahat ng
pinaghahambingan. Maaaring gamitin ang mga
panlapi at salitang tulad ng pinaka-, napaka-,
ubod ng..., hari ng..., o kaya ay pag- uulit ng mga
salitang naglalarawan.
Halimbawa:
a. Magulong-magulo ang mga taong nakikiusyoso
sa munisipyo.

b. Ubod ng yaman ang kabesa sa kanilang bayan


kaya kumampi sa kanya ang hepe.

You might also like