You are on page 1of 19

•Mga inaasahan sa aralin:

A.Natutukoy ang kahulugan at katangian ng isang tekstong


deskriptibo;
B.Naipapaliwanag ang kaisipang nakapaloob sa isang tekstong
binasa ;
C.Nagagamit ang kakayahan sa paglalarawan ng isang bagay o
konsepto;
D.Nakasusulat ng isang halimbawa ng tekstong deskriptibo.
Subukang ipikit ang mga mata,mag-isip ng isang
imahe na sa tingin mo ay nakaiimpluwensiya ngayon sa
pang araw-araw na pagpapasya mo sa buhay.
Ano ang nabuong diwa sa iyong kaisipan?
Bakit ganoon?
Ano sa tingin mo ang ibig ipakahulugan nito?
Anong katangian ang litaw sa iyong isip?

Gawain
Sumulat ng isang talata na ibinibigay ang mensaheng mula sa imaheng
nabuo sa iyong isip.
Pamantayan sa pagmamarka
a.May kaangkupan sa paksa –---------------- 5
b.Gumamit ng mga bantas –-------------------- 5
c.Malinaw na nilalaman–------------------------ 5
kabuuan -----------------------15
• Mga Katanungan
1.Paano mo nabuo ang iyong talata?
2.Ano-anong paraan ang ginawa mo upang mabuo ang iyong
talata?
3.Ano ba ang salitang deskriptibo para sa iyo?
4.Ano ang tekstong deskriptibo?
5.Ano ang katangiang taglay ng iyong tekstong sinulat?Bakit?
MGA URI NG TEKSTONG DESKRIPTIBO:

1.Karaniwang paglalarawan – gumagamit ng mga payak na


pananalita.
-gumagamit dito ng payak na pang-uri o pang-abay
upang ilarawan ang mga imahe.

2.Masining na paglalarawan – gumagamit ng mataas o


mas mataas na paraan ng paglalarawan
*May dalawang uri ang tekstong deskriptibo;
A.Karaniwang Paglalarawan-gumagamit ito ng mga
payak na anyo ng pananalita sa paglalarawan.
B.Masining na paglalarawan-gumagamit ito ng mga
salitang panuring na ang kaibahan lamang ay nasa
mataas at mas mabulaklak na pamamaraan.
• *Ang tekstong deskriptibo ay inilalarawan dito ang
tao,bagay,pangyayari,o sitwasyon,ideya,konsepto o isang kaisipan at
kilos na may mahalagang bisa sa paghahatid ng makabuluhang
mensahe.
*Gumagamit dito ng mga salitang panuring o naglalarawan,tulad ng
pang-uri at pang-abay.Paglalarawan ng nilalaman ang instrumento ng
tekstong deskriptibo.
*May natatanging halaga ang tekstong deskriptibo bilang sanggunian
sa pagsusulat ng isang pananaliksik- ito ay nakakatulong sa
pagpapagalaw ng isip sa pagbuo ng isang imahe.
• Mga maaaring pangunahing paksa upang makabuo ng
isang makabuluhan at epektibong deskriptibo o
paglalarawang teksto:
1.Tao
2.Bagay
3.Lugar
4.Ideya o konsepto
5.Mga estratehiya sa mabisang paglalarawanss
• Mga estratehiya sa paglalarawan
1.Mahalagang pumili ng anggulong gagamitin
sa paglalarawan;
2.Paggamit ng mga salitang naglalarawan na
kaugnay sa mga pandama;
3.Paggamit ng mga tayutay o matatalinghagang
pananalita.

You might also like