You are on page 1of 23

Araling Panlipunan – Day 4

Balik - Aral
Tanong
a. Anu-ano ang mga pangunahing direksyon?
b. Anong bansa ang nasa dakong hilaga ng Pilipinas?
c. Nasa anong direksyon mula sa Pilipinas ang
bansang Japan?
d. Anong bansa ang nasa kanlurang bahagi ng
Pilipinas?
e. Nasa anong direksyon mula sa Pilipinas ang
Vietnam?
Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong.Piliin ang titik
nang tamang sagot.
1. Maaaring matukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas batay
sa mga karatig bansa nito.Ano ang tawag sa lokasyon ng
isang lugar ayon sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit
nitong lugar?

A. Lokasyong Insular C. Relatibong Lokasyon


B. Lokasyong Bisinal D. Rehiyong Lokasyon
Panimulang Pagtataya
2. Sa pagitan ng mga pangunahing direksyon
ay ang mgapangalawang direksyon. Anong
direksyon ang nasa pagitan ng kanluran at
hilaga?

A. Kanlurang-hilaga C. Hilagang-silangan
B. Silangang-hilaga D. Hilagang-kanluran
Panimulang Pagtataya
3. Kung pagbabatayan ang pangalawang
direksyon,matutukoy ang kinalalagyan ng
Pilipinas na napapaligiran ng _________ sa
hilagang-silangan
A. Dagat ng Pilipinas C. Dagat Celebes

B. Dagat Tsina D. Dagat Sulu


Panimulang Pagtataya
4. Maraming bansa ang nakapaligid sa
Pilipinas, anong bansa ang nasa timog-
kanluran nito?
A. Japan
B. Borneo
C. Taiwan
D. Indonesia
Panimulang Pagtataya
5. Marami ang pumapalibot sa Pilipinas
kung pagbabatayan ang mga pangalawang
direksyon maliban sa isa,alin ito?

A. Dagat ng Pilipinas C. Isla ng Palau


B. Mga isla ng Paracel D. Bansang Indonesia
Pagganyak
Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang tamang salita.
N A R U L N A K G A G A LI H
___________________________
o Ito ay kabilang sa pangalawang direksyon upang matukoy ang mga
nakapaligid sa bansa.

TIBONGRELA LOSYONKAS
____________________________________
o Ito ay lokasyon ng isang lugar ayon sa kinalalagyan ng mga katabi o
kalapit nitong lugar
Pangkatang Gawain

1. a. Gawain 1 - Ating Tukuyin


Kagamitan: manila paper, marker,mapa ng mundo/
Pilipinas
Panuto: Pagmasdang mabuti ang mapa ng
mundo.Tukuyin ang mga bansang nakapaligid/
anyong lupa o tubig na nakapaligid sa Pilipinas gamit
ang pangalawang direksyon. Isulat sa tamang
direksyon ang mga ito.
Pangkatang Gawain

b.Gawain 2 – Ituro Natin


Kagamitan: mapa, globo, plaskard
Panuto: Gamit ang mapa o globo,
ituturo ang mga nakapalibot sa bansang
Pilipinas ayon sa pangalawang direksyon
na nakasulat sa plaskard.
Pangkatang Gawain

c.Gawain 3 – Alamin Natin


Kagamitan: manila paper, marker, aklat
Panuto: Alamin kung saang pangalawang direksyon mula sa
Pilipinas matatagpuan ang mga sumusunod: Isulat sa patlang
ang tamang sagot.
Bansang Borneo - _______________
Dagat ng Pilipinas - ______________
Mga isla ng Palau - ______________
Mga isla ng Paracel - _____________
Talakayan

Ang relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan


ng bansa ay ang lokasyon ng isang lugar ayon sa
kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar.

Ito ay natutukoy batay sa mga anyong lupa at


tubig na nakapaligid sa isang lugar.
Talakayan

DALAWANG PARAAN SA PAGTUKOY


NG RELATIBONG LOKASYON NG
PILIPINAS
1. Insular
2. Vicinal
Talakayan

INSULAR
-paraan ng pagtukoy ng mga
katubigang nakapalibot sa
Pilipinas.
Tingnan sa LM p.6
Bashi
Channel

West
Pacific
Philippine PILIPINAS Ocean
Sea

Celebes
Sea
Talakayan

BISINAL (VICINAL)
-paraan sa pagtukoy sa lokasyon ng
pilipinas batay sa kalupaang
nakapalibot dito.
H
HK HS

K DIREKSYON
S

TK TS
T
Pagsusuri

a. Ano ang relatibong lokasyon?


b. Anu-ano ang kabilang sa pangalawang direksyon?
c. Batay sa inyong pagguhit, ano ang nasa dakong hilagang –
silangan ng Pilipinas?
d. Saang pangalawang direksyon naroroon ang mga isla ng
Paracel?
e. Batay sa lahat ng inyong ipinakita at isinagawa, ano-ano
ang mga pangalawang direksyon?
Paglalahat

a. Ano ang relatibong lokasyon?


b. Ano-ano ang mga karatig bansa ng Pilipinas gamit ang
pangalawang direksyon?
c. Kung pagbabatayan ang mga pangalawang direksyon,
matutukoy rin ang kinalalagyan ng Pilipinas na
napapaligiran ng Dagat Pilipinas sa hilagang-silangan,
mga isla ng Paracel sa hilagang-kanluran,mga isla ng
Palau sa timog-silangan at Borneo sa timog-kanluran nito.
Pagtataya
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang Wasto kung tama ang
isinasaad ng bawat pangungusap at Di- Wasto kung mali at guhitan ang
mga salitang nagpamali dito.
1. Ang relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan ng bansa ay ang
lokasyon ng isang lugar ayon sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong
lugar.
2. Kabilang sa mga pangalawang direksyon ang hilagang-silangan, timog-
silangan, hilagang-kanluran, timog-kanluran.
3. Kung pagbabatayan ang pangalawang direksyon, matutukoy ang
kinalalagyan ng Pilipinas na napapaligiran ng Dagat ng Pilipinas sa hilagang-
silangan.
4. Nasa timog-kanluran ng Pilipinas ang bansang Borneo.
5. Batay sa pangalawang direksyon matatagpuan sa timog-silangan ang mga
isla ng Palau.
Takdang Aralin

Mangalap ng impormasyon na
may kinalaman sa pagbabago ng
temperature ng ibat-ibang pook
sa bansa.
Takdang Aralin:
Performance Task # 3
Isulat ang pangalan ng karatig bansa ng
Pilipinas na gusto ninyong puntahan. Iguhit
ito at kulayan. Sa ibaba isulat ang dahilan
kung bakit ninyo dito gustong makapunta.
(short bond paper, portrait)

You might also like