You are on page 1of 20

Pananaw at Saloobin ng mga Guro ng Filipino sa

Pagtuturo Gamit ang Kinagisnang wika o Mother


Tongue: Tungo sa Pagbuo ng Programang
Pangwika

Ni: Eleazaar C. Cirilo

1
 Panimula
Kung kakausapin mo ang isang tao
sa wikang kanyang nauunawaan, ito ay tatatak
sa kanyang isipan. Kung kakausapin mo ang
isang tao sa kanyang sariling wika, ito ay
titimo sa kanyang puso.- Nelson Mandela,
1999

Ang kinagisnang wika ayon kay (Nordquist,2019) ay


tumutukoy sa katutubong wika ng isang tao- wikang natutunan
mula kapanganakan.

2
Isa pang katawagan sa kinagisnang wika ay ang mga
sumusunod: unang wika, wikang pantahanan, o katutubong wika. Ayon
sa kasalukuyang mga dalubwika, ang kinagisnang wika ay tumutukoy
sa unang wika (L1). Samantalang ang L2 ay tumutukoy sa pangalawang
wika o pinag-aaralang banyagang wika.

3
Ang kinagisnang wika ay ang wika kung saan nakapaagsasalita ng
matatas ang bata bago pa siya papasok sa paaralan.
4
Ang MTB- MLE
Ang MTB-MLE (Mother Tongue
Based- Multilingual Education ay
pagtuturo sa pamamagitan ng
kinagisnang wika (L1), kadalasan gamit ang binalangkas na
transisyon tungo sa pangalawang wika (L2) o banyagang wika sa
paaralang primarya. Sa pagtuturo ng MTB, ginagamit ang wikang
pamilyar sa mga bata.
@ Nagsisimula ito sa kung ano ang nalalaman ng
mga bata
@ Ang MTB-MLE ay nagbibigay ng pagkakaton
upang ang wika at kultura ng bata ay magiging
pundasyon ng pagkatuto. Nagsisimula sa
pamamagitan ng paggamit ng wika ng bata sa
paaralan, at pagkatapos ay dahan-dahang
nagpapakilala ng pangalawa o pangatlong wika
habang ang bata ay unti- unting umuunlad sa
pagkatuto.
5
Saloobin ng mga Guro sa Wikang Filipino Kaugnay sa
Pagsasakatuparan ng MTB-MLE
Ang mga guro ay maaaring maging balakid sa mabisang
implementasyon ng MTB-MLE:
a. negatibong pananaw at saloobing may
malalim na kaugnayan sa mga katutubong
wika at ang kaangkupan ng mga ito bilang
wikang panturo sa silid-aralan,
b. inaasahang mabigat na karagdagang mga
gawain sa paggamit ng kinagisnang
wika (mother tongue) sa silid-aralan,
c. ang kasalatan ng kaalaman sa
kinagisnang wika ng mga mag-aaral,
at kakulangan ng tiwala sa
kakayahan na magturo ng pagbasa at
pagsulat sa natukoy na kinagisnang
wika ng mga mag-aaral
d. mga personal na saloobin at
pinaniniwalaan sa pinakamabisang
paraan ng pagkatuto batay sa karanasan, at 6
e. mga takot at pangamba sa pagkawala ng
kanilang awtoridad sa loob ng silid-aralan
(Paulson,2010).
@ Nagbabanta bilang balakid ang mga
negatibong saloobin at paniniwala sa MTB-
MLE dahil sa kaugnayan nito sa pagtuturo at
pagkatuto (Karavas- Doukas, 1996).
@ Napatunayan na ang mga pananaw at mga
saloobin ng mga guro ay lubhang
nakakaapekto sa ikatatagumpay ng anumang
pagbabago sa larangan ng edukasyon (Stern et
al. 1975)
@ Dahil ang mga pag-uugali at mga pinaniniwalaan ay malalim na
naibaon at madalas na hindi
namamalayang napapanatili sa
kamalayan, ang pagbabago ng mga pinaniniwalaan at mga
nakasanayan
ay maaaring maging napakahirap.
7
Kaugnay nito, nilalayon ng pag-aaral na ito na matugunan ang
pangunahing suliranin na malalaman kung ano-ano ang pananaw at
saloobin ng mga guro ng wikang Filipino kaugnay sa pagtuturo sa
pamamagitan ng kinagisnang wika. Partikular na sasagutin ng
pananaliksik ang susunod na tiyak na mga katanungan:
1) Ano-ano ang hamon na hatid ng pagtuturo sa
pamamagitan ng kinagisnang
wika batay sa karanasan ng
guro?
2) Ano-ano ang kapakinabangan
ng pagtuturo sa pamamagitan
ng kinagisnang wika sa
pagkatuto ng mga mag-aaral?
3) Anong programang pangwika
ang maaaring mailahad mula
sa naging resulta ng pananaliksik na ito na
makakatulong sa pagsasakatuparan ng MTB-
MLE?

8
METODO
Disenyo ng pananaliksik
 Ang pag-aaral ay gagamit ng
kwalitatibong disenyo gamit ang
dulog na penomenolohikal na uri
ng pananaliksik.
 Ang proseso ay magsasagawa ng mga pagtatanong, mga
pamamaraan sa pagtitipon ng mga datos ng kalahok sa
kanilang natural na kapaligiran, pagsusuri ng mga datos mula
pabuod mula sa partikular hanggang sa pangkalahatang tema.
 Ang pag-aaral ay gagamit ng kwalitatibong disenyo ng
pananaliksik sa pamamagitan ng surbey, pakikipanayam at
pagmamasid sa silid-aralan

9
 Ang talatanungang gagamitin
sa pananaliksik ay ginawa mismo
ng mananaliksik. Ang baliditi ng
talatanungan ay isasagawa sa
pamamagitan ng konsultasyon sa
mga dalubhasa.
 Dahil ito ay simpleng pag-aaral,
simpleng frequency counts at percentage
distributions ay gagamitin bilang mga
kagamitang estadistika para sa pag-aaral ng
nalikom na datos. Ang weighted mean ay
gagamitin sa pagtukoy ng pangkalahatang
saloobin ng mga guro ng wikang Filipino
kaugnay sa pagtuturo sa pamamagitan ng
kinagisnang wika.

10
Mga tagatugon
Ang mga tagatugon
sa pananaliksik ay mga guro
sa wikang Filipino na
manggagaling sa antas
elementarya, sekundarya, at
maging sa tersyarya o
kolehiyo. Ang mga tagatugon ay mga guro na manggagaling sa
lungsod ng Baguio, at munisipalidad ng La Trinidad.
Mahalagang malaman sa mga tagatugon ang kanilang mga
saloobin o pag-uugali kaugnay sa MTB-MLE sapagkat sila mismo
ang mga pangunahing tagapagpatupad ng MTB-MLE. Ang
kanilang mga pananaw ay nakakaapekto sa kanilang pag-uugali na
tumitiyak naman sa matagumpay na pagsasakatuparang Mother
Tongue Based –Multilingual Education.

11
Instrumento sa pangangalap ng datos
Ang kwestyuner ay binubuo ng 33 mga katanungan na
naglalarawan ng mga pananaw at mga saloobin ng mga guro ng wikang
Filipino kaugnay sa pagtuturo sa pamamagitan ng kinagisnang wika o
mother tongue. Kung mamarapatin ay magsasagawa ng ilang
pagmamasid sa loob ng silid-aralan upang makapagtala ng aktuwal na
kalagayan sa pagsasakatuparan ng
MTB-MLE. Ang
kwestyuner ay
nagtataglay ng mga
katanungan na
nagpapahayag ng mga
pananaw, gawi,
kinakatigan,
katangian, pag-uugali,
at katotohanan.

12
Pagtrato sa mga datos
 Kukunin ang mean ng iskor ng
33 mga aytem mula sa talatanungan
para matukoy ang mga pananaw
at mga saloobin ng mga guro ng wikang
Filipino kaugnay sa pagtuturo sa
pamamagitan ng kinagisnang wika o mother
tongue.
 Makikita sa ibaba ang apat na eskala na ginamit:

Eskala Deskripsyon Interpretasyon


4 Napakataas Lubos na sumasangsang-ayon
3 Mataas Sumasang-ayon
2 Mababa Hindi sumasang-ayon
1 Napakababa Lubos na hindi sumasang-ayon

13
 Ang sagot sa mga pananaw at mga saloobin ng mga guro ng wikang
Filipino kaugnay sa pagtuturo sa pamamagitan ng kinagisnang wika o
mother tongue ay nasa anyong kwantitatibo, samantalang ang puna, at
sagot ng mga guro sa wikang Filipino sa mga katanungan sa
isasagawang interbyu o pakikipanayam ay nasa anyong kwalitatibo.
 Dahil ito ay simpleng pag-
aaral, simpleng frequency
counts at percentage
distributions ay gagamitin
bilang mga kagamitang
estadistika para sa pag-aaral
ng nalikom na datos. Ang
weighted mean ay gagamitin
sa pagtukoy ng
pangkalahatang saloobin ng
mga guro ng wikang Filipino kaugnay sa pagtuturo sa pamamagitan ng
kinagisnang wika.

14
Pagsasaalang-alang sa etika
 Ang mananaliksik ay
magpapaalam sa mga
tagatugon ng pananaliksik at
hindi sapilitan ang pagsagot sa
lahat ng aytem sa talatanungan.
 Ang pagpapaalam sa mga
tagapangasiwa ng paaralan ay isasagawa. Ang
mga sagot sa mga katanungan ay lubhang
pag-iingatan at ituturing na konpidensyal
ayon sa etika ng pananaliksik.
 Ang pagiging obhektibo sa mga pagtalakay at pagsusuri sa mga
datos ay isasagawa sa buong proseso ng pananaliksik.
 Ang pagkilala sa mga sanggunian na gagamitin sa isasagawang
pag-aaral ay maingat na isaalang-alang.

15
Mga katanungan sa pangangalap ng datos
Ano-ano ang mga hamon
na hatid ng pagtuturo sa
pamamagitan ng
kinagisnang wika?
1. Sang-ayon ka ba sa
pagsasakatuparan ng
MTB-MLE sa loob ng
silid-aralan? Bakit?
2. Ano-ano ang mga pangunahing dahilan ng
hindi magandang pananaw kaugnay sa paggamit ng kinagisnang
wika? 3. Naniniwala ka ba na ang paggamit ng kinagisnang wika
sa pagtuturo ay may negatibong epekto sa pagkatuto ng wikang
Ingles? Bakit? 4. Sa iyong palagay, naniniwala ka ba na
tinatangkilik ng mga magulang ng mga mag-aaral ang pagkatuto sa
pamamagitan ng kinagisnang wika? Bakit?

16
5. Naniniwala ka ba na ang pag-aaral sa
pamamagitan ng kinagisnang wika o unang wika
ay maaaring makalito sa mga mag-aaral?
6. Naniniwala ka ba na may sapat na kahandaan
ang mga guro, mag-aaral at mga magulang sa
pagpapatupad ng MTB-MLE o pagtuturo sa
pamamagitan ng kinagisnang wika? Bakit?
7. Naniniwala ka bang ibayong nakapagdaragdag ng
trabaho sa panig ng mga guro ang pagpapatupad
ng MTB-MLE? Paano?
8. Sang-ayon ka ba na mayroon ng nakasasapat na
mga kagamitang pampagtuturo sa
pagsasakatuparan ng MTB-MLE?
Bakit?
9. Naniniwala ka ba na ang
kinagisnang wika ay may
kakayahang magamit sa mga
usaping pang- agham,
matematika, intelektwalisasyon
at modernisasyon?
17
Ano-ano ang mga kapakinabangan ng pagtuturo sa
pamamagitan ng kinagisnang wika?
1. Naniniwala ka ba na ang
mag-aaral na unang natuto
sa kinagisnang wika ay
nakalalamang kung
ihahambing sa ibang mga
mag-aaral na unang natututo
sa wikang banyaga?
2. Naniniwala ka ba na ang
paggamit ng kinagisnang wika sa silid-aralan ay
nakapagdaragdag ng kumpiyansa sa sarili ng
mga mag-aaral? Paano?
3. Naniniwala ka ba na sa pamamagitan ng
kinagisnang wika ay mas aktibong nakikilahok
sa klase ang mga mag-aaral? Bakit?
4. Sang-ayon ka ba na ang MTB-MLE ay nagtuturo
sa kamalayan ng mga mag-aaral ng kanilang
sariling kultura? Paano?
18
5. Naniniwala ka ba na ang mga mag-aaral na
unang natuto sa kinagisnang wika ay mas
madaling matututo sa mga wikang Ingles, at
wikang Filipino (mga pangalawang wika)
kinalaunan?
6. Sang-ayon ka ba na ang paggamit ng
kinagisnang wika sa pagkatuto ay nakalilinang
ng mas mataas na antas ng pag-iisip? Paano?
7. Naniniwala ka ba na ang unang pag-aaral ng
matematika, agham, at pagbasa
sa pamamagitan ng
kinagisnang wika ay
makatutulong sa mga
mag-aaral upang mas maging
mahusay sa nasabing mga
asignatura? Paano?

19
20

You might also like