You are on page 1of 44

KAKAYAHANG

SOSYOLINGGUWISTIKO
Paglikha ng Angkop na Pahayag sa Tiyak
na Sitwasyon
Paano ka nakikipag-usap sa iyong
magulang, guro, at iba pang
nakatatanda?
Katulad lamang ba ito ng
pakikipag-usap mo sa iyong mga
kaibigan at kaklase?
Sa lahat ba ng lugar at
pagkakataon ay malaya
kang magsalita nang
magsalita ng anumang
iyong sabihin o may mga
sitwasyong
nangangailangan ng
pagtitimpi?
Ano ang kakayahang
sosyolingguwistiko?
Tinutukoy ng kakayahang
sosyolingguwistiko ang
kakayahang gamitin ang wika
nang may naaangkop na
panlipunang
papagpapakahulugan para sa
isang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon.
Halimbawa:
Inaasahan sa atin ang paggamit ng
pormal na wika sa pakikipag-ugnayan sa
mga nakatatanda at may awtoridad.

“Magandang araw po! Kumusta po


kayo?”
Kaiba ito sa paggamit ng
impormal na wika sa ating
mga kaibigan at kapareho
ng estado.

“ Uy! Kumusta ka naman?”


Bakit ito mahalagang pag-
aralan?
Ayon kay Freeman at Freeman 2004
Nararapat nating matutuhan kung paano
“lumikha at umunawa ng wika sa iba’t ibang
sosyolingguwistikong konteksto na may
pagsasaalang – alang sa mga salik gaya ng
estado ng kausap , layunin ng interaksyon at
itinakdang kumbensiyon ng interaksiyon”
Nilinaw ng
sosyolingguwistang si Dell
Hymes (1974) ang nasabing
mahahalagang salik ng
lingguwistikong interaksiyon
gamit ang kaniyang
modelong SPEAKING:
S – setting and scene : lugar at oras ng usapan;
naglalarawan sa kalikasan ng sitwasyon ng pag-uusap
* Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan? Kailan
ito nangyari?

P – participants: mga taong sangkot sa usapan:


ang nagsasalita at ang kinakausap
*Sino-sino ang kalahok sa usapan?
E – ends: layunin at mithiin ng usapan
gayundin ang maaaring bunga ng pag-
uusap
*Ano ang pakay , layunin at inaasahang
bunga ng pag-uusap?

A – act sequence: pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari habang
nagaganap ang pag-uusap
*Paano ang takbo o daloy ng pag-
uusap?
K – key :pangkalahatang tono o paraan ng
pagsasalita: pormal o di pormal ang takbo ng
usapan
*Ano ang tono ng pag-uusap ? Seryoso ba o
pabiro?
I – instrumentalities: anyo at estilong
ginagamit sa pag-uusap: pasalita, pasulat,
harapan, kasama rin ang uri ng wikang gamit
*Ano ang anyo at estilo ng pananalita?
Kumbersasyonal ba o may mahigpit na pagsunod
sa pamantayang panggramatika?
N – norms :kaangkupan at kaakmaan ng
usapan ng isang sitwasyon
*Ano ang umiiral na panuntunan sa pag-uusap
at ano ang reaksiyon dito ng mga kalahok? Malaya
bang nakapagsasalita ang mga kalahok o
nililimitahan ba ang pagkakataon ayon sa uri, lahi,
kasarian , edad at iba pang salik?

G – genre:uri ng pananalita na nakalahad mula


sa isang sitwasyon: nagsasalaysay, nakikipagtalo, o
nagmamatuwid
* Ano ang uri ng sitwasyon o material na
ginagamit ? (hal. Interbyu , panitikan , liham )
Bahagi ng sosyolingguwistiko
ang pagkilala sa mga
pagbabago sa wika at pag-
aangkop ng gamit nito ayon
sa lunan at sitwasyon.
Gawain: Dula mula sa Tula

Basahin ang tula sa ibaba at gawin


ang mga gawain pagkatapos
Iginigisa Ako Tuwing Umaga
Eugene Y. Evasco

Hindi pa man nakapagsusuklay,


Kakaripas na agad ako ng takbo
Upang mahagip at sumabit sa masasakyan.
Isang oras bago ang pasukan,
Nililigis ng gitgitan at siksikan.
Inip na inip na lahat sa paghihintay. Lalo pa akong nagmamantika
May mga sekretaryang naaagnas ang kolorete, Habang nangangarap maibala sa pana.
May empleyadong lukot na ang uniporme. Tumitilamsik na mantika ang nagmumula
Tuwing umaga, sardinas akong makikisiksik Sa tumatalak na pulis sa suwail na
Sa bus, inihahanay ng kundoktor tsuper.
Upang masulit ang puwang ng latang parihaba.
Pinapakulo pa sa tila karitelang takbo Ng
Bagong paligo pa naman ako
sasakyan; lalong pinagliliyab Ang sugba
At ang katabi ko’y bawang ang kilikili,
ng sakuna, kagyat na ulan, at baha.
Ang isa’y sibuyas na ang hininga;
Kumakalat ito sa aking kabuuan.
Ilang minuto na lamang, kami’y
Kawaling ibinibiling sa tungko
hahanguin na At ibubuhos sa sulyawan.
Ang paggaling ng bus na pilit umiiwas Dali-daling ihahatag Upang higupin at
Sa trapik; para na rin kaming sangkap namnamin ng amo ng pinapasukan
Na inihahalo – nagmamantika sa pawis; Iginigisa ako tuwing umaga,
Paano kaya ako isasalang sa darating na
hapunan?
Sagutin ang sumusunod:
1.Tungkol saan ang tula?
2.Bakit sinasabi ng persona o
nagsasalita na iginigisa siya tuwing
umaga?
3.Ano ang nais ipahiwatig ng
kaniyang tanong na “paano kaya
ako isasalang sa darating na
hapunan?
4.Mula sa naging pag-unawa sa tula,
magpangkat at bumuo ng pagsasadula ng
eksenang lumilitaw sa tula. Tiyak ang mga
tauhan at punan ng diyalogo ang bawat isa.
Bigyang-pansin ang kaangkupan ng
pananalita batay sa estado ng bawat
tauhan.
KAKAYAHANG
PRAGMATIKO
Pahiwatig at Pag-unawa sa mga Salita
at Kilos
Naranasan mo na bang magtampo sa
iyong kaibigan?
Paano mo ito ipinabatid sa kaniya?
Sa pamamagitan ba ng tahasang
pagsasabi o sa iyong mga aksiyon
lamang?
Nakakasakay ka ba sa mga
biruan?
Paano mo nalalamang biro
lamang ang sinasabi ng iyong
kausap?
Nakiusap ka na ba sa iyong guro
sa anumang pagkakataon sa iyong
buhay-mag-aaral? Paano mo ito
ginagawa?
Hindi lamang kaalaman sa bokabularyo at sa
pagbubuo ng mga pangungusap batay sa
itinatakda ng gramatika ang mahalaga para
sa isang mag-aaral ng wika. Mahalaga ring
matutuhan ang kasanayan sa pagtukoy sa
mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mga
papuri o paumanhin, pagkikila sa mga biro,
at pagpapadaloy ng usapan.
Samakatuwid, kailangang matukoy ng isang
tao ang maraming kahulugan na maaaring
dalhin ng isang pahayag batay sa iba’t ibang
sitwasyon (Lightbown at Spada 2006).
Halimbawa, ang tanong na, “Sa iyo ba ang
bag?” ay maaring mangahulugan ng:
(1) pagtiyak sa kung sino ang nagmamay-ari ng
bag:
(2) papuri o pagkutya sa estilo ng bag;o
(3) pagkainis sa nakakalat na bag.Ang ganitong
kakayahang komunikatibo ang nais nating
itampok sa araling ito sa pamamagitan ng
pag-unawa sa kakayahang pagkatuto.
Ano ang kakayahang
Pragmatiko?
Ayon kina Lightbown at Spada (2006), ang pragmatiko
ay tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa
isang partikular na konteksto upang magpahayag sa
paraang diretsahan o may paggalang. Ibig sabihin, ang
isang taong may kakayahang pargmatiko ay mabisang
nagagamit ng yaman upang makapagpahayag ng mga
intensiyon at kahulugang naaayon sa konteksto ng
usapan at gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng
sinasabi, di- sinasabi, at ikinikilos ng kausap.
Kadikit ng paglinang sa kakayahang
pragmatiko ang konsepto ng speech
act.Para sa pilosopo sa wika na si J.L.
Austin (1962; sipi kay Hoff 2001), ang
pakikipag-usap ay hindi lamang
paggamit ng mga salita upang
maglarawan ng isang karanasan kundi
“paggawa ng mga bagay gamit ang
mga salita” o speech act. Halimbawa
nito ay pakikiusap, pagtanggi,
pagpapaumanhin, pangako, at iba pa.
Tatlong Sangkap ng Speech Act.
1.Illocutionary force.Ito ay sadya o
intensiyonal na papel.
Halimbawa nito, pakiusap, utos, pangako.
2. Locution. Ito ay isang anyong lingguwistiko.
Halimbawa: patanong , pasalaysay
3. Perlocution : ito ang nagiging epekto sa
mga tagapakinig.
Halimbawa: pagtugon sa hiling , pagbibigay
atensiyon
GAWAIN : Tukuyin ang kahulugang
ipinahihiwatig ng mga kilos at
ekspresyong makikita sa mga ilustrasyon
sa ibaba. Matapos nito, bumuo ng isa
hanggang dalawang pangungusap na
diyalogo na posibleng sinasabi ng
tauhan habang isinasagawa ang mga
kilos at ekspresyon.
1. 3.

2. 4.
5.

You might also like