You are on page 1of 16

Sumulat ng Buod at

Isalaysay itong
Muli
Ano ang Buod?
Ang buod ay pagsasalaysay ng mga
pangyayari na naganap sa isang kwento sa
paraang mas madali itong maintindihan ng
mga mambabasa.
Pagsulat ng Buod
1. Basahin at unawaing mabuti ang binasa o
pinakinggan
2. Alamin ang kasagutan sa mga tanong na ano,
saan, sino, kalian, at bakit.
3. Iwasan ang pagdaragdag ng sariling opinion.
4. Ilahad ito sa maliwanag at magalang na
pamamaraan.
5. Gawing payak at tuwiran ang paglalahad.
Gawain 3

Sagutan ang Pagasasanay A B sa inyong


module na nasa pahina 71
Pangatnig
Pangatnig
Ang pangatnig ay mga salitang nag-uugnay sa
dalawang salita at parirala.
Nakatutulong ang mga pangatnig na ito sa
pagbubuo ng diwa sa buong pangungusap.
Ilan sa mga madalas gamiting pangatnig ay ang
mga salitang at, dahil, o, saka, pati, ngunit, ni,
maging, subalit, habang, at kung.
Ginagamit ang mga pangatnig na o, ni, maging bilang pamukod.
Pinagbubukod ng mga ito ang mga kaisipang pinag-ugnay.

Halimbawa:

• Ayaw kitang madamapa ni makagat ng lamok noong maliit ka pa.


• Ano ba ang mas masarap, lumpia o pritong manok?
• Nakasama ako sa kanila ngunit pag-uwi ko ay pinagalitan ako ni
Nanay.
Ginagamit naman ang at, saka, pati kapag may idaragdag na salita,
panimula, o sugnay.

Halimbawa:

• Ang mga lumang bote at papel ay maari pang mapakinabangan.


• Magdala ka ng pala saka walis.
• Pati tindahan ng matanda ay kanyang ninakawan.
Kapag sinasalungat naman ang ikalawang kaisipan ng unang
ipinahayag na kaisipan, pangatnig na ngunit, subalit, datapwat, at iba
pa.
Halimbawa:
• Dumating ako ngunit wala ka na.
• Matalino si Villar subalit maraming isyu.
• Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan.
Marami pang mga salitang pangatnig. Marami ang mga
ito dahil maraming pagkakataong dapat pag-ugnayin
ang mga salita at parirala upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
Narito pa ang ilang halimbawa ng pangatnig: sa, bagkus, sakali, kaya,
maging, subalit, kapag, samantala, anupa’t, datapwat, at iba pa.

• Ipinamigay niya ang kaniyang mga lumang damit maging


ang kaniyang mga laruan.
• Huwag kang malungkot bagkus ay dapat kang magsaya.
• Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.
• Anupa’t pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para
makaahon sa kahirapan.
Gawain 4

You might also like