You are on page 1of 19

PAALALA:

1. Marapating i-off ang microphone habang


nagsasalita ang guro, buksan lamang ito kung
kinakailangan.
2. Panatilihing bukas ang camera upang
masigurado ang pagbibigay ng atensyon sa aralin.
3. Gamitin ang comment box sa pagsagot at
pakikiisa sa mga aktibidad.
LAYUNIN:
• Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw
batay sa napakingggang pag-uulat;
• Nagagamit ng wasto ang mga panandang diskuro
at makrong kasanayang pangwika;
• Nakagagawa ng opinyon ukol sa mga piling paksa
sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan at
angking kakayahan.
PAGBABAHAGI NG SARILING
OPINYON AT PANANAW
OPINYON O PANANAW
Ang opinyon o sariling pananaw ay pahayag na
nagpapakita ng ideya batay sa personal na
paniniwala at iniisip ng isang tao. Maaaring ito ay
nakasandig sa mga nagdaang karanasan,
natamong kaalaman, o sariling kagustuhang may
kinalaman sa paksang pinag-uusapan.
PANANDANG DISKURSO

Para sa akin Sa pakiwari ko


Sa nakikita ko Sa tingin ko
Gusto ko
Kung ako ang tatanungin
Ang palagay ko
Sa ganang akin
HALIMBAWA:
• Para sa akin dapat na maagang namumulat ang
mga kabataan sa teknolohiya.
• Kung ako ang tatanungin higit na komportable
ang pagtigil sa bahay kaysa sa paglabas kasama
ang mga kaibigan.
• Sa nakikita ko unti unti nang bumabalik ang
normal na gawain ng bawat isa.
PANUTO:
Pumili ng isa sa mga temang nakalahad. Ibigay
ang inyong opinyon sa pinakamalikhaing pamamaraan
ayon sa inyong angking kakayahan. Maaaring sa
pamamagitan ng pagguhit, pagkanta, pagsayaw,
pagbuo ng sanaysay o tula. 5 minuto para sa
pagsasanay ng inyong isasagawa sa unahan. At 2-3
minuto naman para sa pagsasagawa.
PAG-IBIG SA
GITNA NG
PAG-AARAL
PAG-AARAL
GAMIT ANG
TEKNOLOHIYA
PAGLABAN SA PANDEMYA
RUBRIKS
Nilalaman 20
Kaayusan ng paglalahad 10
Pagkamalikhain 10
Pagsunod sa oras 10
KABUUAN 50
PANUTO:
Sa bawat dalawang magkasalungat na
larawang nakikita. Pumili lamang ng isa,
ipahayag ang opinyon o dahilan kung bakit ito
ang pinili mo. Dapat na binubuo lamang ito ng
dalawa hanggang tatlong pangungusap,
gamitan ito ng mga panandang diskurso, isulat
ito sa isang buong papel.
FACE TO FACE ONLINE CLASS
INDIBIDWAL NA GAWAIN PANGKATANG GAWAIN
ONLINE GAMES LARONG PANGLANSANGAN
Takdang Aralin:
Gumawa ng isang sanaysay na magpapakita ng iyong repleksyon
tungkol opinyon o pananaw. Ipapasa bukas bago magsimula ang ating
klase sa asignaturang ito.
RUBRIKS SA PAGSASAGAWA NG TAKDANG-ARALIN
Nilalaman 20
Kaayusan ng paglalahad 20
Kalinisan 10
Pagsunod sa itinakdang oras na pasahan 5
KABUUAN 50

You might also like