ADBERTISMENT SA KAPALIGIRANG PINOY ADBERTISMENT SA KAPALIGIRANG PINOY
• Tinatawag na adbertisment ang tila isang maikling penikula o isang nakasulat na
pabatid/impromasyon na ipinalabas ipinakikita sa publiko upang makatulong na mabili ang produkto. Nagbibigay rin ng anunsiyo ang isang adbertisment.
• Layon ng adbvertisment na magbigay ng maayos na impormasyon sa mga
mamimili, gayundin mga mensaheng nagbibigay ng paalala sa isang Gawain sa pamamagitan ng isang anunsiyo. Matalinong mamimili ang mga Pilipino.Pinatutunayan ito ng paglabas ng iba’t ibang paraan ng adbertisment na nagpapakita ng kompetisyon ng iba’t ibang adbertayser upang mahikayat ang mamimili.
Masasabing may mga elementong taglay ang bawat adbertisment na naaakit sa
paningin at panlasa ng isang mamimili ayon sa uri nito. Nariyan ang makukulay na hitsura,maayos na mga larawan at letra kung nasa billboard o tarpaulin,nakasulat sa mga sasakyan gaya ng BUS,LRT,MRT at iba pang gamit pang transportasyon.kung sa telebisyon naman bukod sa makukulay na pag kilos ng mga tauhan ng Adbertisment,nilalapatan pa ito ng musika na malaking tulong upang mahikayat ang mamimili. Sa radyo naman, kailangang malinaw na malinaw ang bawat pahayag at may iba-ibang sound effect bukod sa musika. ADBERTISMENT SA BUS Karaniwang mga pelikula o isang produkto ng gadget,pagkain,gamit pang medikal, at iba pa ang makikitang Adbertisment sa bus. Naniniwala ang mga adbertayser na malaking pang hikayat kung sa bus ay maglalagay din sila ng adbertisment sa pagkat bawat makakikita nito ay hindi maaaring hindi mapalingon lalo na kung maganda ang pagkakagawa, na bentahe para magkaroon ng interes at lumaon ay mahikayat na bilhin ang isang produkto. Madali ring maunawaan ang gamit ng wika. Bukod sa naka panghihikayat ang adbertisment sa bus, naka pag dudulot din ito ng karagdagang kagandahan sa desinyo ng bus. ADBERTISMENT SA BILLBOARD Malalaking estruktura ang billboard na makikita sa mga pambublikong lugar na nagpapakita ng adbertisment sa mga motorist at pedestrian na dumaraan tungkol sa isang produkto. Karaniwang makikita sa mga pangunahing lansangan kung saan dumaraan ang maraming tao. Makikita rin ang mga ito sa mga lugar na matao tulad ng terminal ng bus, sa mga mall, mga gusaling pinagtarabahuhan, mga stadium, at marami pang iba. Marami pang paraan kung paano maisasagawa ang mga adbertisment. Ang mahalaga, ang kaangkupan ng gamit ng mga salita sa bawat produktong inaadbertays. May sariling register ang lipunan ng adbertisment nang ayon sa produktong ibenebenta.
Maayos na mga Larawan ng Letra
ADBERTISMENT SA TELEBISYON Ang bawat komersiyal sa telebisyon ang nagsisilbing adbertisment. Ito ang sinasabing pinakaepektibong uri ng adbertisment sa pagkat halos lahat ng tao ay may panahon sa panonood ng telebisyon Iba-iba ang register na gamit nang ayon sa produkto o sitwasyon. Ginagawa kaaya-aya,,maayos,at malinaw ang pangpapahayag na nais iparating sa adbertisment sa telebisyon upang mabigyan g- tuon ito ng mga manood.
May makukulay na Hitsura
ADBERTISMENT SA RADYO Epektibo ring paraan ang radio upang mahikayat sa isang produkto ang isang produkto ang isang mamimili. Tulad din sa telebisyon kailangan ang airtime sa estasyo o network upang marinig ang mga mga komersiyal kaugnay ng adbertusment. Sa radyo ay nagkukuwento o parang nakikipag-usap na daan sa mabisang pag- aadbertays ng anumang produkto. Di tulad ng uri ng adbertisment,sa radio ay di na kailangan pang pagtuunan ng paningin upang maganap na maunawaan ang mensahe,at bawat detalye ng ng adbertisment, pakinggan mo lamang.
Malinaw na malinaw ang bawat
ADBERTISMENT SA ONLINE Isang paraan ng promosyon ang adbertisment sa online gamit ang Internet at World at Wold Wide Web upang ipahayag ang husay at ganda ng produktong inaadbertays. KAHALAGAHAN NG ADBERTISMENT SA LIPUNANG PILIPINO
Likas sa mamimiling Pilipino na maghanap at bumili ng
mga produkto na maayos, matibay, maganda, at iba pa sa tamang halaga lamang. Gaya nga ng nabanggit na, mahalaga ang adbertisment upang matamo ang layunin sa pamimili. Narito ang ilang dahilan kung bakit mahalaga ang isang adbertisment para sa isang produkto.
Ngsisilbing gabay sa tamang pagbili
Nalalaman ang kakaibang katangiang taglay ng isang produkto Nagkakaroon ng pagkakataon na piliin ang tamang produkto Nakapagbibigay ng karagdagang mga impormasyon na laging tatandaan sa pagbili Nagiging kritikal sa pagpili ng bibilhin Nagpapaalala ng magandang katangian ng mga produkto na dapat lagging tandaan