You are on page 1of 19

DISKURSO

DISKURSO
Ano ang kahulugan ng Diskurso?

 Ang pagbabatid ng iniisip at


nadarama sa hangaring maunawaan
at unawain ang kausap na maaaring
maisagawa nang pasalita o pasulat ay
tinatawag na diskurso
 Ang diskurso ay pakikipagtalastasan ,
pakikipag-usap o anumang paraan ng
pagpapahayag ng ideya tungkol sa
isang paksa
Dalawang Anyo ng Diskurso

Pasalita
Pasulat
PASALITANG DISKURSO
 Karaniwang magkaharap ang mga
partisipant kung kaya’t bukod sa
kahalagahan ng mga salitang sinasambit,
pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang
sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan
ng pagbigkas ng tono, diin, kilos, kumpas ng
kamay, tinig, tindig at iba pang salik ng
pakikipagtalastasan na maaaring
makapagpabago sa kahulugan ng mensahe.
PASULAT NA DISKURSO

 Higit na pag-iingat ang ginawagawa


ng isang manunulat. Sa sandaling ang
mensaheng nakapaloob sa isang
sinulat na diskurso ay nakarating sa
tatanggap at ito’y kanyang nabasa , at
hindi na maaaring baguhin ng
manunulat ang kanyang sinulat.
URI NG
DISKURSO
DESKRIPTIV/ PAGLALARAWAN
 pagbibigay ng malinaw na imahen ng tao, bagay,
pook, damdamin o teorya upang makalikha ng
isang impresyon o kakintalan.
 Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipan ng
kanyang mambabasa, upang maging sila ay
maranasan din ang naranasan ng manunulat.
 Hal:
 - Paglalarawan ng pook pasyalan upang
makahikayat ng mga turista.
NARATIV/ PAGSASALAYSAY

 Dito isinasambit natin ang mga detalyeng


kalakip ng isang partikular na pangyayari
upang maibahagi sa iba ang mga bagay na
nagaganap sa atin o mga bagay na ating
nasaksihan.
 Layunin nito na mailahad ang mga detalyeng
kalakip ng isang pangyayari sa isang maayos
at sistematikong kaayusan
EKSPOSITORI/ PAGLALAHAD

 ito ay anyo ng diskurso kung saan


nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya,
kaisipan at impormasyon na sakop ng
kanyang kaalaman na naihanay sa isang
maayos at malinaw na pamamaraan upang
magkaroon ng bago at dagdag na kaalaman
ang ibang tao.
 Layunin nito na makapagbigay ng
impormasyon
ARGUMENTATIB/PANGANGATWIRAN

 Ito ay anyo ng diskurso na nakatuon sa


pagbibigay ng isang sapat at matibay na
pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang
makahikayat o makaenganyo ng mambabasa
o tagapakinig.
 Layunin nitong makahikayat ng tao sa isang
isyu o panig.
Isinasaalang-alang sa dalawang
diskursong nabanggit (pasalita at
pasulat)

 Kakayahang linggwistika ( lingguistic


competence) – ito ang kakayahang makabuo ng
pangungusap o pahayag na may wastong
kayariang panggramatika.
 Kakayahang komunikatibo ( communicative
competence)- kakayahang umunawa at magamit
ang mga pangungusap na may wastong kayariang
panggramatika na angkop sa panlipunang
kapaligiran o sa pisikal na envayronment o setting
ayon sa hinihingi ng sitwasyon
- Kakayahang ipakita at
gamitin ang alinmang gawi
ng pakikipag-usap
( speech behavior or
speech acts ) na angkop at
naaayon sa sitwasyon
Mga kailangang ikonsidera upang matiyak na
magiging mabisa ang komunikasyon at
pagpapahayag ( ayon kay Dell Hymes)
S - setting ( Saan nag-usap? )
P - participants (sino ang nagusap? )
E - ends ( ano ang layon sa pag-uusap)
A - act sequence ( paano ang takbo ng usapan
K - keys ( pormal o di- pormal?)
I - instrumentalities (pasalita o pasulat ba? )
N - norms ( ano ang paksa ng pag-
G - genre uusap?
(nagsasalaysay,nakikipagtalo
o nagmamatuwid?)
ANG TEXTO AT KONTEKSTO NG DISKURSO

 Ang texto ay binubuo ng mga


pangungusap na isinasaayos
upang maghatid ng mensahe.
Ang mga kahulugang
nakapaloob sa texto ay
isinasaayos upang magbigay ng
mensahe sa iba’t ibang paraan
- Samantala may kabuluhan din sa
interpretasyon ng mga pangungusap ang
salik ng konteksto at kaganapan sa panahon .
- Bahagi ng konteksto hindi lamang ang
pisikal na envayronment o setting kapag
- Ipinapahayag ang isang pangungusap kundi
ang iba pang mga sinasabi ng nagsasalita
- Samakatuwid , nakadepende sa setting ang
interpretasyon ng isang pangungusap o
pahayag
( diskors .)
Sa mga salitang ito, iyon, dito, dyan, o doon
ay maaaring matukoy ang distansya
ng kausap o nagsasalita.
Sa Ingles dalawang distingsyon ng nagsasalita
na maaring masulkat
Here – ibig sabihin malapit sa nagsasalita
That o there – maaaring malapits sa kausap at /
o malayo sa nagsasalita
Sa Filipino tatlo ang distingsyon:
Ito o dito – malapit sa nagsasalita
Iyan o dyan – malapit sa kausap
Iyon o doon – malayo sa nagsasalita o kausap
PAGPAPAKAHULUGAN BATAY SA KOMBERSASYON O
KONTEXTO NG NAGSASALITA

 Sa isang usapan , maaring hindi


direktang ibinibigay ang mensahe
at makukuha lamang ito ng kausap
sa pamamagitan ng inferens na
binitiwang pahayag ng nagsalita.
Halimbawa:
Nikki: Gwapo ba ang boyfriend mo?
Lisa: Responsible at mayaman siya.
Nikki: Ano ba ang itsura niya?
Lisa: Sinabi ko namang responsible at
mayaman dahill may kotse at sa exclusive
school nag-aaral.

*Nangangahulugan ito hindi gwapo ang


boyfriend ni Lisa.
SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like