You are on page 1of 8

PONOLOHIYA

WEEK 3
Layunin:

1. Nalalaman ang kahulugan ng ponolohiya.


2. Natutukoy ang bawat salita base sa kanilang
konsepto
3. Nakabubuo ng halimbawa ng ponemang
suprasegmental, klaster, diptonggo at pares
minimal
PONOLOHIYA
Ang lahat ng wika saan mang panig ng mundo
ay binubuo ng iba't ibang tunog, mga tunog na
ginagamit upang makabuo ng mga salita. Ang
pag-aaral ng mga tunog na ito ay tinatawag na
ponolohiya at ang makahulugang tunog naman
ng isang salita ay tinatawag na ponema.
Ito ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang
wika na nagpapaiba ng isang katuturan.
Ponemang Suprasegmental
 Ito ang mga tunog na nakapagpapabago ng kahulugan ng mga
salita/pangungusap na hindi kinakatawan ng letra ng alpabeta.
May mga pagkakataon na kinakatawan ito ng mga bantas.
Ito ang mga sumusunod:
 Diin (stress)
 Pagtaas o pagbaba ng tinig (pitch)
 Pagpapahaba ng Tunog (lengthening)
 Paghihinto (juncture)
 Intonasyon
Ponemang Segmental
 Makahulugang tunog na inirerepresenta ng simbolo at mga titik
na maaaring katinig o patinig.
Ang /?/ ay kumakatawan sa glotal na tunog, na hindi
kinakatawan ng anumang letra at hindi isinusulat sa
pagbaybay ng salita.

Ayon sa pag-aaral, may 21 ponemang segmental.


Ponemang patinig: /a,e,i,o,u/.
Ponemang katinig: b, k, d, g, h, I, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, /?/
A. Diptonggo
 Alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig
na /w/ o/ y/ sa loob ng isang pantig ay itinuturing
na isang diptonggo. Ilan sa mga gamiting mga
diptonggo sa Filipino ay ang aw, iw, ay, oy, at uy.
Halimbawa:
Sa-YAW a-RAW ka-GAW ga-LAW-GAW ta-NAW
a-LIW-IW a-GAY-A ba-TAY sa-LUY-SOY da-LOY
B. Klaster
 Ang klaster o kambal katinig ay ang magkakabit na
dalawang magkaibang katinig sa loob ng isang
pantig. Maari itong matagpuan sa unahan, gitna, at
hulihang pantig ng salita.
Halimbawa:
GRI-po KLA-ro PLU-ma PLA-kard TRA-po
PLE-ges KRIS-mas DRA-ma TRI-PLE KLI-ma
C. Pares Minimal
 Ito ay ang mga pares ng salita na magkatulad na
magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na
matatagpuan sa magkatulad na posisyon na
nagpapabago ng kahulugan.
 Karaniwan itong ginagamit sa pagpapakita ng
pagkakaiba ng mga tunog na magkakahawig nguni't
magkakaibang ponema.
Halimbawa:
sisig-sisid taga-daga bigkis-ligkis tala-sala bala-pala

You might also like