You are on page 1of 22

Pagsusuri sa Maikling

Kuwento mula sa Timog-


Silangang Asya Unang
Markahan Ikalawang
Linggo Modyul 2
Kasanayang
1. Pampagkatuto:
Nasusuri ang mga pangyayari at nabubuo ang sariling
paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa nabasang akdang Asyano

2. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa


pagkakasunod-sunod ng pangyayari gamit ang
angkop na mga pang-ugnay
Sariling
01 03
Pagsusunod-sunod ng
Paghahatol o mga Pangyayari Gamit
Pagmamatuwid ang mga Pang-ugnay

02 Asetileno at
Bakal 04 Pangatnig
Sariling Paghahatol o
Pagmamatuwid

Ang paghahatol o paghuhusga ay


tumutukoy sa kakayahan ng isang
indibidwal na magpasya kung ano
ang nais na panigan o sang-ayunan.
Maaari itong isang palagay o
opinyon patungkol sa ugali, gawi o
katangian ng isang tao, bagay, pook o
pangyayari batay sa nabasa, narinig,
napanood o nasaksihan.
Sariling Paghahatol o
Pagmamatuwid
Ang pagmamatuwid ay isang anyo ng
pakikipag-usap na may layuning
makahikayat sa pamamagitan ng
pangangatwiran. Ginagawa ito upang
umakit ng paniniwala o
makapagpahinuhod sa paniniwala ng iba.
Sa pagmamatuwid, kinakailangan na
magkaroon ng matibay at buong
paninindigan sa bagay o ideyang
ipinaglalaban at higit na mainam kung
sasamahan ng mga patunay o ebidensya.
Asetileno at Bakal
ni Julie DG. Madera

Namasukan sa ibayong dagat si Tatay Arsenio


upang matustusan ang pangangailangan ng
kanyang pamilya sa Pilipinas. Apat ang kanyang
anak na lalaki na naiwan sa pangangalaga ng
kanyang butihing asawa habang nasa ibang
bayan. Tiniis niya ang hirap at kalungkutang
mawalay sa pamilya. Sa kabila ng lahat,
napagtagumpayan niyang matapos ang dalawang
taong kontrata sa abroad.
Asetileno at Bakal
ni Julie DG. Madera

“Hindi na ako muling pipirma ng panibagong


kontrata sa aming kompanya, lumalaki na ang
mga bata at nais kong katuwang mo ako sa
paggabay sa kanila, puro barako pa naman ang
mga anak natin baka mahirapan ka sa pagsuheto
sa kanilang mga ugali. Sana maunawaan mo ang
desisyon ko.” Iginalang ng kanyang maybahay
ang napagpasyahang desisyon dahil sa
kasalukuyang panahon, mainam talagang kasama
ng naglalakihan na nilang mga anak ang kalinga
ng isang haligi ng tahanan.
Asetileno at Bakal
ni Julie DG. Madera
Naghanap ng trabaho ang ama pagbalik ng Pilipinas
ngunit sadyang kakambal na yata ng buhay ang
pagdating ng problema. Isang araw habang naghahanap
ng mapapasukang trabaho ay naaksidente si Tatay
Arsenio. Nabundol ng motor ang kanyang binti at
naapektuhan ang kanyang paglakad. Ganun pa man,
dahil ulirang ama, namasukan pa rin siya kahit
napabilang na siya sa tinatawag na PWD.
Nakapagtapos na sa kolehiyo ang isa niyang anak at
kasalukuyang guro sa isang Mataas na Paaralan sa
Maynila na tumutulong din sa pagpapaaral ng
nakababatang mga kapatid.
Asetileno at Bakal
ni Julie DG. Madera

Kailan lamang ay ginawaran ng karangalan si G.


Arsenio Cajurao ng Manila Public Information Office
bilang Manggawa na Nataas ng Tungkulin. Sa
kasalukuyan, siya ang itinalagang Head Welder ng
mga ginagawang vending stalls na isa sa pangunahing
proyekto ni Mayor Francisco Isko Domagoso sa
panahon ng pandemya. Dahil sa ipinamalas na
dedikasyon sa hanapbuhay, nabigyang-pansin ito ng
Department of Engineering and Public Works ng
Maynila.
Asetileno at Bakal
ni Julie DG. Madera

“Kaysa ibang lahi ang makinabang sa aking


kakayahan, dito na ako tutulong sa sarili nating
bansa, sa lungsod ng Maynila”, ang nakabibilib
na pahayag ni Tatay Arsenio. Sa kasalukuyan ay
masiglang nilalasap ng ama ang tamis na bunga
ng kanyang tagumpay kapiling ang kanyang
lumalaking pamilya.
Pagsusunod-sunod ng mga
Pangyayari Gamit ang mga Pang-
ugnay

PANGATNIG
A PICTURE IS WORTH A
THOUSAND WORDS
Pangatnig na Pantuwang
Pinag-uugnay ang magkasinghalaga o magkapantay na
kaisipan. (at, saka, pati)

Halimbawa:
Ang ipinamalas na kasipagan at ang
dedikasyon sa trabaho ay dalawang katangiang taglay ni
Tatay Arsenio.
Pangatnig na Pamukod
May ibig itangi sa dalawa o ilang bagay at kaisipan. (ni,
maging, o, Kaya)

Halimbawa:
Kapiling ang buong pamilya o malaking kita sa abroad ang
mabigat na pinagpilian ng ama sa pagbuo ng desisyon.
Pangatnig na Paninsay
Ginagamit ito kung sinasalungat ng unang bahagi ng
pangungusap ang ikalawang bahagi nito. (ngunit, datapwat,
subalit, bagaman, samantala, kahiman, kahit)

Halimbawa: Naaksidente ang ama habang naghahanap ng


mapapasukang trabaho ngunit hindi na ito naging hadlang
upang sumuko.
Pangatnig na Panubali

Nagsasaad ito ng pag-aalinlangan. (kung, kapag,


pag, sakali, disin sana)

Halimbawa: Hindi malayo ang tagumpay sa


hinaharap kapag buong husay na ipinamalas ang
natatanging kakayahan.
Pangatnig na Pananhi

Ginagamit ito upang magbigay ng dahilan o


katuwiran sa pagganap ng kilos. (dahil sa, sanhi sa,
sapagkat, mangyari)

Halimbawa:
Napataas ng tungkulin ang ama dahil sa ipinamalas
na dedikasyon sa kanyang trabaho.
Pangatnig na Panlinaw
Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan
ng isang banggit. (samakatuwid, kaya, kung gayon

Halimbawa:
Sinang-ayunan niya ang desisyon ng asawa na sa
sariling bayan na lamang mamamasukan, samakatuwid
ipinaramdam niya ang pagsuporta sa kagustuhan ng
Pangatnig na Panapos
Nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita.
(upang, sa lahat ng ito, sa di-kawasa, sa wakas, sa bagay na
ito)

Halimbawa:
Sa wakas, nagbunga ang kanyang kasipagan sa tulong ng
mapag-arugang pamilya.
Ang Transitional Devices ay mga salita o parirala na nag-
uugnay ng mga kaisipan sa susunod na kaisipan, ng pangungusap sa
susunod na pangungusap o kaya’y mga parirala.
Nakatutulong din ito upang mapagsunod-sunod ang mga pangyayari o
iba pang nais ilahad. (sa wakas, sa lahat, sa pagtatapos, sa kabilang
dako, sa katunayan)

Halimbawa:
Sa katunayan, nakamit niya ang promosyong inaasam bunga ng
kanyang pagsisikap. Sa lahat ng ito, naniniwala ang ama na di hadlang
ang kapansanan upang magtagumpay sa pangarap sa buhay.

You might also like