You are on page 1of 5

Pag-unawa sa Akdang Binasa

Mahalagang nauunawaan ng bawat mambabasa ang mga akdang


binabasa. Kailangan ang lalim sa pang-unawa upang makita at
maintindihan ang detalye ng bawat akdang binabasa. Sa araling ito,
kayo ay inaasahang malinang ang kakayahang umunawa sa mga binasa
sa pamamagitan ng paghihinuha batay sa:
(a) mga ideya o pangyayari sa akda; at

(b) mga dating kaalaman kaugnay sa binasa.


Gamit ang iyong sariling kaalaman, ibigay
ang mga bagay na maaari mong iugnay sa
salitang pinaguusapan.
• Ang pang-unawa ay mas nahahasa sa tulong ng dating kaalaman o ng
mga karanasan ng mambabasa. Sa pamamagitan ng dating kaalaman o
ng mga karanasan, naihahambing at naiuugnay ng mambabasa ang
kontekstong ipinapakita ng isang akda.
• 1. Ang dating kaalaman o mas kilala bilang prior knowledge ay
tumutukoy sa mga kaalalamang nakaimbak sa ating kaisipan na
nakuha mula sa mga bagay na ating nakita, narinig at nabasa.
• 2. Ang ating mga karanasan ay isang malaking tulong upang mas
madaling maunawaan ang isang akda. Sa pamamagitan ng pagbabasa
sa mga detalyeng ipinapakita ng isang akda, naiuugnay natin ang mga
konseptong ito sa ating personal na karanasan.
• SULAT NI NANAY AT TATAY SA ATIN
• ni Rev. Fr. Ariel F. Robles
• Maaaring mapakinggan ang tula sa

• https://www.youtube.com/watch?v=_I0fK4T8Xm0
Sagutan ang mga tanong sa ibaba sa inyong
papel.
• 1.Kanino iniaalay ang tula ng akda?
• 2. Anu-ano ang mga kahilingan ng nanay at tatay?
• 3. Anu-ano ang mga ginawa ng mga magulang para sa kanilang mga anak?
• 4. Ano sa tingin mo ang layunin ng may-akda sa pagsulat sa akdang ito?
• 5. Kung ikaw ang magulang, tama lang bang ihanay sa mga anak ang
kanyang kahilingan?
• 6. Bilang anak, ano ang magiging tugon mo rito?
• 7. Paano mo maihahalintulad ang nasabing akda sa iyong mga karanasan sa
iyong tunay na buhay?

You might also like