You are on page 1of 32

Kasanayan sa Pagkatuto:

1. Natutukoy ang mga pinagdaanang


pangyayari /kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11PS –
Ig – 88) ­
2. Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t
ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng
wika. (F11PB – If – 95)
Balik-aral

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


Isipin !!!!

Paano nabuo ang ibat-


ibang wika sa daigdig?
Mga Teorya sa pagbuo ng Wika
-Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa
iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na
may mga batayan subalit hindi pa lubusang
napapatunayan.
-Iba’t ibang pagsipat o lente ang
pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto.
-Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog
samantalang relihiyoso naman sa iba.
-May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang
layo ng koneksiyong sa isa’t isa. (Gonzales,
1994)
-Nahahati sa dalawang kategorya
ang mga teorya sa pagkabuo ng
wika.
-Ito ay ang paniniwala sa banal
na pagkilos ng Panginoon at ang
Ebolusyon.
Teorya ng Tore ng Babel

-Napakarami at napakasalimuot nga naman ng


mga wika at halos kung hindi man perpekto
ang pagkakaayos ng mga wika sa daigdig.
-Walang makagagawa nito kung hindi ang
Maylalang ng lahat.
-Sa Bibliya pa rin, isinasalaysay kung
paanong mula sa iisang wika, ang mga tao sa
daigdig ay nagkaroon ng iba’t ibang wika.
-Pansinin natin ang isinasaad sa Genesis 11:
1-9.
At ito ay ang patungkol naman sa
ebolusyon.
-Ayon sa ga antropologo, masasabi raw na
sa pagdaan ng panahon ang mga tao ay
nagkaroon ng mas sopistikadong pag-iisip.
-Umunlad ang kakayahan na tumuklas ng mga
bagay-bagay upang mabuhay kaya sila
nakadiskubre ng mga wikang kanilang
ginamit sa pakikipagtalastasan.
Teoryang Bow-Wow

Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay


nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang
tao sa mga tunog na nalilikha ng mga
hayop, katulad ng aw aw para sa aso,
ngiyaw para sa pusa, kwak-kwak para sa
pato at moo para sa baka. (Dayag, et
al., 2017)
Teoryang Pooh-Pooh

-Unang natutong magsalita ang mga tao,


ayon sa teoryang ito, nang hindi
sinasadya ay napabulalas sila bunga ng
mga masisidhing damdamin tulad ng
sakit, tuwa, sarap, kalungkutan,
takot, pagkabigla at iba pa .
-Pansinin nga naman ang isang
Pilipinong napapabulalas sa sakit.
Teoryang Ding Dong

Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon


daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang
ito, sa pamamagitan ng mga tunog na
nalilikha ng mga bagay-bagay sa
paligid. (Gonzales, n.d.)
Teoryang Ta-ta

-Ayon naman sa teoryang ito, ang


kumpas o galaw ng kamay ng tao na
kanyang ginagawa sa bawat partikular
na okasyon ay ginaya ng dila at naging
sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng
tunog at kalauna’y naging salita.
-Tinatawag itong ta-ta na sa wikang
Pranses ay nangangahulugang paalam o
goodbye.
Teoryang Yo-he-ho

-Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S.


Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay
natutong magsalita bunga diumano ng kanyang
pwersang pisikal.
-Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng
tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa.
-Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin
kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay,
kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag
ang mga ina ay nanganganak.
Kasaysayan ng Wika
sa Panahon ng mga
Katutubo
-Pinatunayan ni Padre
Pedro Chirino ang
kalinangan ng Pilipinas sa
kaniyang Relacion de las
Islas Filipinas (1604).
-Sinabi niya na may
sariling sistema ng
pagsulat ang mga katutubo
noon at ito ay tinawag na
Baybayin. (Amparado, 2016)
BAYBAYIN

-Ang tawag sa paraan ng sinauang pagsulat ng mga


Pilipino.
-Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3)
patinig at labing-apat (14) na katinig.
-Ang baybayin ay isang mabisang paraan ng mga ninuno
ng pagsusulat ‘di lamang upang makipagusap sa isa’t
isa kundi makita rin nila ang kanilang mga paniniwala
sa pamamagitan ng pagbaybay sa mga salita.
-Ang baybayin ay isang piktoryal na uri ng
pagsusulat.
-‘Di tulad ng ilang mga piktoryal na sistema ng
pagsusulat, ito ay madaling isulat at kabisaduhin.
(Burce, 2013)
-Ang mga katinig ay binibigkas
na may kasamang tunog ng
patinig na /a/.
-Kung nais basahin o bigkasin
ang mga katinig na kasama ang
tunog na /e/ o /i/, nilalagyan
ang titik ng tuldok sa itaas.
-Samantala, kung ang tunog
ng /o/ o /u/ ang nais isama sa
pagbasa ng mga katinig, tuldok
sa ibaba nito ang inilalagay.
-Samantala, kung ang nais
kaltasin ay ang anumang tunog
ng patinig na kasama ng katinig
sa hulihan ng isang salita,
ginagamitan ito ng panandang
kruz (+) bilang hudyat sa
pagkakaltas ng huling tunog.
-Gumagamit naman ng dalawang
pahilis na guhit // sa hulihan
ng pangungusap bilang hudyat ng
pagtatapos nito. (Pamatin,
n.d.)
Kasaysayan ng Wika
sa Panahon ng mga
Kastila/Espanyol
-Maraming pagbabago ang naganap noong
panahon ng mga Kastila at isa na rito ang
sistema ng ating pagsulat.
-Ang dating baybayin ay napalitan ng
Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20
titik, limang (5) patinig at labinlimang
(15) katinig. (a, e, i, o, u b, k, d, g,
h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y)
-Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa
naging layunin ng pananakop ng mga Kastila,
ngunit nagkaroon sila ng suliranin hinggil sa
komunikasyon.
-Kaya naman nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga
paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa mga
Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle.
-Sa halip na pag-aralin ang mga Pilipino, ang
mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng
mga wikang katutubo dahil sa mga sumusunod na
dahilan:
1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang
rehiyon kaysa ituro ito sa lahat ang
Espanyol.
2. Higit na magiging kapani-paniwala at
mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita
ng katutubong wika.
-Ang mga prayle ay nagsulat ng mga
diksyunaryo at aklat-panggramatika,
katekismo at mga kumpesyonal para sa mabilis
na pagkatuto nila ng katutubong wika.
-Nasa kamay ng mga misyonerong nasa ilalim
ng pamamahala ng simbahan ang edukasyon ng
mga mamamayan noong panahon ng mga
Espanyol.
-Naging usapin ang wikang panturong
gagamitin sa mga Pilipino.
-Dahil dito, iniutos ng Hari na gamitin ang
wikang katutubo sa pagtuturo ngunit hindi
naman ito nasunod.
-Nagmungkahi naman si Gobernador Tello na
turuan ang mga Indio ng wikang Kastila.
-Sina Carlos I at Felipe II naman ay
naniniwalang kailangang maging bilinggwal ng
mga Pilipino.
-Iminungkahi naman ni Carlos I na ituro ang
Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol.
-Sa huli, napalapit ang mga katutubo sa mga
prayle dahil sa wikang katutubo ang ginamit
nila samantalang napalayo naman sa pamahalaan
dahil sa wikang Espanyol ang gamit nila.
-Muling inulit ni Haring Felipe II ang utos
tungkol sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat
ng mga katutubo noong ika-2 ng Marso 1634.
-Nabigo ang nabanggit na kautusan kaya si Carlos
II ay lumagda ng isang dekrito na inuulit ang
probisyon ng nabanggit na kautusan.
-Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi
susunod dito.
-Noong Disyembre 29,1792, si Carlos IV ay lumagda
ng isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin ang
wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatatag sa
pamayanan ng mga Indio.
-Mababatid sa parte ng kasaysayang ito na
nanganib ang wikang katutubo.
-Sa panahong ito, lalong nagkawatak ang mga
Pilipino.
-Matagumpay na nahati at nasakop ng mga
Espanyol ang mga katutubo.
-Hindi nila itinanim sa isipan ng mga
Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang
magbibigkis ng kanilang mga damdamin.
ENRICHMENT ACTIVITY

Iclick ang link ng


Google Forms na
ipopost sa inyong GC.

You might also like