You are on page 1of 18

ANG PROSESO

NG
PAGBABASA
“ The man who reads is
the man who leads”
- Lord Chesterfield
ANO ANG
PAGBASA PARA
SA IYO?
Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at
kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang
pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa
pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo.
( Austero, et al: 1999)
Ayon kay Goodman, ang pagbasa ay
isang psycholinguistic guessing game.
Ang pagbasa ay proseso ng pag-aayos, pagkuha,
at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng
impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga
salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin
upang maunawaan.
Pisyolohikal na Aspekto ng Pagbabasa

Kung minsan ay napapatitig ang ating mata upang kilalanin at intindihin ang teksto.
Ang pagtitig ay tinatawag na fixation.
Kung minsan naman ay gumagalaw ang ating mata mula kaliwa pakanan o mula itaas
pababa na karaniwang nangyayari habang tayo’y nagbabasa ay tinatawag naming inter
fixation.
Gumagalaw rin ang mga mata mula simula ng binabasa hanggang dulo ng teksto na
tinatawag naming return sweeps.
Kung minsan din ay kailangang balik-balikan at suriin ang ating binabasa. Ang paggalaw
ng mga mata para gawin ito ay tinatawag na regression.
Proseso ng Pagbasa
Persepsyon- Ito ay hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at
maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.
Komprehensyon- Pagpoproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang
ipinapahayag ng simbulong nakalimbag na binasa.
Reaksyon- Sa hakbang na ito, hinahatulan o pinagpapasyahan ang
kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
Asimilasyon- Sa hakbang naming ito, isinasama at iniuugnay ang kaalamang
nabasa sa mga dati nang kaalaman at/o karanasan.
Mga Teorya sa Pagbasa
Teoryang Bottom-Up
Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga
nakasulat na simbulo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Ang proseso
ng pag-unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto( bottom) patungo
sa mambabasa ( up).
Teoryang Top-Down
Tinatawag din itong teoryang inside-out dahil ang kahulugan o impormasyon
ay nagsisimula sa mambabasa patungong teksto.
TEKSTONG
IMPORMATIBO
Ang tekstong
impormatibo ay
babasahing di- piksyon.

Jens Martensson 11
Ano ang layunin ng tekstong impormatibo?

• Maghatid ng kaalaman

• Magpaliwanag ng mga ideya

• Magbigay ng kahulugan sa mga ideya

• Ilarawan ang anumang bagay na ipinapaliwanag

Jens Martensson 12
Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin na
naglalaman ng tekstong impormatibo
• Mga sangguniang aklat
• Ulat
• Pananaliksik
• Polyeto
• Balita

Jens Martensson 13
Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo
Malaki ang naitutulong sa pag-unawa sa binabasang teksto o materyales kung
nalalaman ang kayarian ng katha. Tinutukoy nito kung paano nakaayos ang mga
impormasyon sa isang teksto.

• Kahulugan
• Pagsusuri
• Paghahambing
• Sanhi at bunga
• Suliranin at solusyon

Jens Martensson 14
Gabay sa Pagbabasa ng Tekstong Impormatibo

• Layunin ng may-akda • Mga pangunahin at


• Ano ang hangarin ng may-akda suportang ideya
sa kaniyang pagsulat? • Tungkol saan ang teksto?
• Malinaw bang naipakita sa teksto
ang layunin ng may-akda na • Ano-ano ang pangunahing
makapagpaliwanag o magbigay ideya nito tungkol sa paksa?
ng impormasyon? • Ano-ano ang detalyeng
• Anong impormasyon ang nais sumusuporta sa
ipaalam ng may-akda? pangunahing ideya?

Jens Martensson 15
• Hulwarang Organisasyon • Kredibilidad ng mga
• Paano inilahad ang mga impormasyong nakasaad sa
suportang ideya? teksto
• Ano ang hulwaran ng organisyon • Mula ba sa kilala at
na ginamit sa paglalahad ng mga mapagkakatiwalaang materyal ang
mga nakasaad na impormasyon?
detalye sa teksto?
• Maayos bang naihanay ang mga
ideya gamit ang mga hulwarang
organisayon sa pagbasa?

Jens Martensson 16
Mga pamatnubay na tanong

1. Tungkol saan ang teksto? Ano ang layunin nito?


2. Ano-anong katangian ng tekstong impormatibo ang makikita sa teksto?
Ibigay ang hulwaran ng organnisasyon na ginamit sa teksto
3. Anong impormasyon ang nakuha mo tungkol sa paksa?
• Ano ang MERS-CoV?
• Saan ito nanggaling at paano ito nakakahawa?
• Ano-ano ang dapat gawin upang makaiwas sa sakit na MERS?
4. Paano maiuugnay ang mga impormasyon mula sa binasang teksto sa
komunidad, bansa, at daigdig?

Jens Martensson 17
Large image slide

Jens Martensson 18

You might also like