You are on page 1of 10

Filipino 1

Mga Salitang

Magkasingkahulugan

At

Magkasalungat
Mga Salitang Magkasingkahulugan

Ito ay mga salita na magkaparehas ang kahulugan.

Halimbawa:
maganda – marikit
maliit – munti
malaki – dambuhala
paaralan – eskwelahan
masaya - maligaya
Mga Salitang Magkasalungat

Ito ay mga salitang maka-iba ang kahulugan.

Halimbawa:
maganda – panget
maliit – malaki
mabango - mabaho
madilim - maliwanag
masaya - malungkot
Pagsasanay (Mga Salitang Magkasingkahulugan)
Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng salita sa kaliwa ng kahon.

1. madaldal basa maingay gabi

2. mataas madamot malapad matangkad

3. maliit tahimik munti malaki

4. maganda marikit panget malamig

5. paaralan simbahan bahay eskwelahan


Pagsasanay (Mga Salitang Magkasingkahulugan)
Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng salita sa kaliwa ng kahon.

6. masaya maligaya mabango mahal

7. sobra sarado labis pula

8. nalaglag gabi malalim nahulog

9. mabagal malaki makupad mali

10. daan kalsada malamig puti


Pagsasanay (Mga Salitang Magkasalungat)
Panuto: Piliin ang kasalungat ng mga salita sa kaliwa sa kanan.

1. ibabaw a. mabilis

2. kaunti b. maikli

3. mabagal c. madami

4. mabaho d. ilalim

5. mahaba e. mabango
Pagsasanay (Mga Salitang Magkasalungat)
Panuto: Piliin ang kasalungat ng mga salita sa kaliwa sa kanan.

6. makapal f. tamad

7. masipag g. kulang

8. mura h. manipis

9. sobra i. mahal

10. una e. huli


“Pamana”
I
Mula sa pagkamulat ng aking musmos na memorya

Ang lagi kong naaalala ay wika nina ama at ina

Bigyan ng halaga ang aral sa eskwela

Ito ang aming tanging maipapamana kung kami ay

matatanda na
“Pamana”
II
Dahil sa kanilang pagsisikap at walang sawang pagpapatnubay

Ang aking aral ay pinagbuti at nagsumikap nang walang humpay

Edukasyon ay aking ginawang tulay

Upang aking makamit ang inaasam na tagumpay


“Pamana”
III
Sa paglipas ng panahon ay nakamtam ko na rin ang inaasam na
biyaya

Ako ay napaiyak at tunay nga na nagalak

Hawak kamay ko na ang pamana nina ama at ina

Kayamanan na sadyang tangi na kailanman ay hindi maiwawaksi

You might also like