You are on page 1of 6

Retorika

Depinisyon ng Retorika
Hango ang salitang retorika sa salitang
“retorikos” na nangangahulugang oratorikal at
“rhetor” o pampublikong mamamahayag. May
kaugnayan din ito sa salitang “rhema” na
nangangahulugang “pasalita”.
Retorika Ayon sa mga Dakilang Tao sa Mundo
1. Isocrates – Inihahayag niyang ang retorika
ay isa sa pundamental sa bahagi ng
pampublikong buhay ng bawat lipunan na
kailangan sa paglikha ng lahat ng aspetong
bumubuo dito.
2. Plato
Ang retorika ay isang sining ng
panghihikayat na tumatagos sa kaluluwa. Ayon
sa kanya ang retorika ay nararapat lamang na
maglalahad ng katotohanan at hindi
kailangang gamitin sa panlilinlang.
3. Aristotle
Ang retorika ay tumutukoy sa kakayahang tukuyin ang angkop na pamamaraan ng
panghihikayat sa isang tiyak na sitwasyong hindi lamang nalilimita sa larangan ng politika
kundi maging sa iba pang mga larangan.

3 uri ng Retorika
1. Panghukuman – tumutukoy sa retorikang may kinalaman sa mga nagawang kasong
criminal at ang angkop na kaparusahan sa krimen na nagawa, na naisasakatuparan sa
pamamagitan ng mga batas ng hukuman at humahantong sa pagkakamit ng katarungan o
kawalang katarungan.

2. Pampolitika- tumutukoy sa retorikang nakatuon sa mga patakarang ipinapatupad


na pinag-aralan ng sangay o kawalang lehislatura.

3. Pang-okasyon- retorikang may kinalaman sa tao, lugar o ideya sa kasalukuyang


panahon na nangyayari sa mga espesyal na okasyon o pagtitipon para
magbigay ng parangal o paratang.
THE END

You might also like