You are on page 1of 8

Pinal na kahingian sa

Araling Pilipino
Konseptong Papel sa Filipino
• Tingnan ang silabus at doon humango ng maaaring paksang bubuuhin
sa pananaliksik
• Maaari ring gawing paksa ang ugnayan ng Araling Pilipino at ng
kursong kinukuha mo
Konseptong papel
• Upang higit na mabigyang pagpapahalaga ang pag-aaral ng Araling
Pilipino, pinakamabisang pagtataya ang paggawa ng konseptong papel
na magsusuri sa nasabing mga aralin.
1. Pagpili ng paksa
• Anong paksa ang nais suriin?

• Itanong sa sarili ang mga gabay na katanungan


• Ano ang nais kong saliksikin?
• Bakit ko ito nais saliksikin?
• Paano ko ito sasaliksikin?
2. Kahalagahan ng Panunuri (Rationale)
• Ilahad kung bakit mahalaga ang gagawin pananaliksik
• Iugnay sa umiiral nang paksa kung mayroon man
• Nakatala rito ang importanteng impormasyon tungkol sa paksa at
pinagmulang ideya
• Bahagi rin ng bahaging ito ang mga kaugnay na literatura na siyang
magpapatatag ng panunuri
3. Layunin
• Ilahad sa bahaging ito ang nais tunguhin ng panunuri
• Maaaring gumawa ng pangkalahatang layunin at ispesipikong layunin
ng pag-aaral
• Naipapaliwanag dito ang maaaring kahihinatnan ng pananaliksik
• Dapat ito ay makatotohanan, matapat at maisasagawa
Metodolohiya
• Tiyak na panunuri ang metodo ng konseptong papel na ating gagawin.
• Ilahad sa bahaging ito ang hakbang kung paano mo bubuuhin ang
konseptong papel
Sanggunian
• APA ang pormat ng sanggunian na susundin natin sa pananaliksik na
ito.
• Ang estilong APA ay nilikha para gabayan ang pag-unawa sa
pagbabasa sa agham panlipunan at pangkaugalian para sa malinaw na
komunikasyon, at para magamit ang salitang mainam sa pagbabawas
ng anumang maling palagay.

You might also like