• Ang worksyap o workshop ay kinabibilangan ng mga elemetong taglay ng
isang pantas-aral o seminar, bagamat ang malaking bahagi ay nakapokus sa “hand on practice. • Ito ay idinisenyo upang aktwal na magabayan ng tagapagsalita o tagapangasiwa ang mga partisipant. TRAINING WORKSHOP
• Isang uri ng interaktibong pagsasanay na kung saan ang mga partisipant ay
sumasailalim sa mga gawaing huhubog sa kanilang kasanayan sa halip na ang maging mga pasibong tagapakinig lamang 2 anyo ng training workshop: • General workshop • Closed workshop KAKANYAHAN NG WORKSYAP
1. Binubuo ito ng maliit na bilang ng mga partisipant
2. Nakadisenyo para sa mga taong pare-parehongninteres o kaya ay nasa parehong sangay ng pag-aaral 3. Inihahanda ito para sa mga partisipant na aktwal na karanasan sa paksa ng talakayan 4. Hindi limitado sa iisang tao ang pangangasiwa ng worksyap 5. Kinasasangkutan ito ng mga aktibong partisipant na maaaring makaimpluwensya sa direksyon ng worksyap KAKANYAHAN NG WORKSYAP
6. Impormal ang pagtatalakay sa worksyap
7. Limitado sa ilang sesyon ang worksyap 8. Karaniwan itong nagtatapos sa presentasyon ng awtput na nabuo sa loob ng sesyon ng workshop KAHALAGAHAN NG WORKSYAP
1. Makapagbibigay ng insentibong karanasan sa edukasyong larangan sa loob ng
maiksing panahon. 2. Ito ay magandang pagkakataon na masubukan ng partisipant na aktwal na gamitin ang natutunang teorya ng walang dapat ipangamba para sa pagkakamali 3. Pagkakataon din ng partisipant na ibahagi sa ibang partisipant ang kanyang mga ideya at metodo na sa kanyang palagay ay napakahalaga 4. Isa ring paaraan upang matutunan ng partisipant ang kahalagahan ng pagkakaisa ng pangkat upang makabuo ng isang awtput KAANGKUPAN NG WORKSHOP
1. Pagsisimula ng isang bagong bagay
2. Inisyal na pagsasanay para sa mga staff o volunteers 3. In-service 4. Demonstrasyon