You are on page 1of 19

Pagsulat ng Replektibong

Sanaysay, Artikulo sa Agham,


Fashion Article, Pictorial
Essay, Lakbay-Sanaysay,
Travel Brochures, at Poster
Paulat ng pangunahing pangkat:
Jean Klitzku T. Recamara
Christan Abestano
Jane Bulay-og
Key words:
Sanaysay (Essay)
-isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman
ng pananaw ng may katha, pagpuna, opinyon,
impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, at pang-
araw-araw na pangyayari.

Salaysay (Narrative)
-nagsisilbing paraan ng pagkukuwento o
pagpapahayag ng pagkakasunod-sunod at pinag-
ugnay-ugnay na mga pangyayari na may tiyak na
katapusan o wakas.
Kaalaman
- ang akademikong sulatin ay nagiging matagumpay depende sa
paraan ng pagdiskurso rito. Bawat akademikong sulatin ay may
angkop na paraan upang maisakatuparan. Isang anyo na matibay
na batayan sa pagsulat ang sanaysay na posibleng naglalaman ng
paglalahad, pagsasalaysay, at pangangatuwiran
REPLEKTIBONG SANAYSAY
- Taglay nito ang personal na realisasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aral na mapakikinabangan ng sarili sa hinaharap at
possible ring maging gabay sa iba.

- Nais ng sanaysay na suriin ang sarili upang matiyak na lumalago ang kaalaman, karanasan, at saloobin na makdaragdag sa
kalipunan ng karanasan ng isang manunulat.
ARTIKULO SA AGHAM
- Gumagamit ng mga salitang pang-agham o register sa larangan. May taglay rin itong istilo at kumbensiyon
ng gamit ng wika. Bagama’t teknikal ang mga salitang ginagamit, layunin ng artikulo o sanaysay na
maipaunawa ang nilalaman sa mga makababasa upang lalong mapahalagahan ang mga disiplinang siyentipiko.
FASHION ARTICLE
- Umuusbong na industriya ng adbertisment ang paglikha ng mga kaugnay sa larangan ng fashion. Nais nitong humikayat ng mga
target na mamimili gamit ang bisa ng sanaysay o artikulo. Kadalasang damit, pabango, gadget, at iba pa ang laman ng artikulong ito.
- Bukod sa paglalarawan o pag-endorse ng isang tiyak na nauuso, maaari ring suriin ang implikasyon ng usong ipinapakita ng isang
produkto o serbisyo upang gabayan at bigyan ng kamulatan ang isang mambabasa
PICTORIAL ESSAY
- Madalas inuumpisahan sa simpleng paglalarawan hanggang marating ang mas malalim na
diskurso upang ilahad ang layunin ng larawan, pangangatuwiranan ang nakikitang argumento o
tunggalian, at salaysay ang mensahe at iba pang ditalye ng larawan
LAKBAY-SANAYSAY
- Tumutukoy ito sa mhga detalyeng pagsasalaysay ng mga karanasan sa lugar na pinuntahan
- Isa-isang ibinabahagi ang mga karanasan, mabuti man o masama sa pook na pinuntahan upang
mamasyal, tumuklas ng mga bagay-bagay, maglibang, at iba pa.
(TRAVEL) BROCHURES
- Naglalaman ito ng iba’t ibang impormasyon upang ipakilala ang isang pagkain, tao, bagay, lugar, at iba pa.
- Mabisang kasangkapan ito upang manghikayat. Taglay nito ang bias ng paggamit ng maikli, ngunit malamang pagpapaliwanag sa inilalakong produkto o
serbisyo.
-Katangian ng brochure na maikli. Madalas ay baliktaran lamang sa makintab na papel inilalagay sa paniniwalang babasahin ito ng isang upuan lamang.
Kaya’t marapat na ito’y kahika-hikayat sa bisa ng akmang larawan at wika
POSTER
- Kadalasang ginagamit sa pag-endorso ng produkto o serbisyo, pinabisa ito ng nakahihikayat na larawan at
hanay ng mga salita.
- Pangunahing tampok ang paglalarawan sa kung ano ang aasahan sa produkto at serbisyo. Maaaring maglaman
ng benepisyo, patotoo, at iba pa gamit ang mabisang paraan ng pagsulat na naglalarawan at mapanghikayat.
“Ang sanaysay ay nakasulat
na karanasan ng isang sanay
sa pagsasalaysay”

- Alejandro G. Abadilla
(Ama ng Makabagong Tulang Tagalog)
Mayroon
bang mga
katanungan?
GROUP MEMBERS (XII - Justice)
• Jean Klitzku T. Recamara
• Christan Abestano
• Jane Bulay-og

You might also like