Katotohanan at Opinyon

You might also like

You are on page 1of 24

GRADE 2

GAME: FANTASY VS.


REALITY
Ms. May Apongol
Ang bata ang
kumakain ng
mansanas.
Ang fairy ay
sumasayaw.
Ang buwaya
ay naglalaro
ng basketball.
Si Matilda ay
nagbabasa ng
mga aklat.
Ang paru-paro ay
nakadikit sa
bulaklak.
KATOTOHANAN AT
OPINYON
Ms. May Apongol
KATOTOHANAN

Magbigay ng
halimbawa tungkol
sa katotohanan o
reality.
OPINYON

Magbigay ng
halimbawa tungkol sa
opinyon o ideya.
KATOTOHANAN

Ang katotohanan ay isang pahayag


na nagsasaad ng ideya o
pangyayaring napatunayan at tanggap
ng lahat na totoo at hindi
mapapasubalian kahit sa ibang lugar.
Hindi ito nagbabago at maaaring i-
verify ang pagkamakatotohanan nito
sa ibang sanggunian tulad ng mga
babasahin at mga taong nakasaksi nito
Katotohanan – Ito ay
nagbibigay ng tunay at tiyak na
impormasyon o sagot. Mga
kapani-paniwalang kaisipan at
tinatanggap ng lahat.
Sa pagpapahayag ng katotohanan ay maaaring
gumamit ng mga sumusunod na pananda:
 Batay sa resulta,
 Pinatutunayan ni,
 Mula kay,
 Sang-ayon sa,
 Tinutukoy ng,
 Mababasa sa… at iba pa.
HALIMBAWA

 Si Doktor Jose Rizal ang ating pambansang bayani.


 May tatlong bituin at isang araw ang watawat ng
Pilipinas.
 Ang bantayog ni Lapu-Lapu ay matatagpuan sa
Mactan Cebu.
 Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti
ng nababawasan ang mga out-of-school youth.
HALIMBAWA

 Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng


mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang
turismo ng ating bansa.
 Ayon sa bibliya, masama ang pagsisinungaling.
 Lahat ng bahay ay humihinga.
 Si Marian Rivera ay isang sikat na artista.
HALIMBAWA

 Si Presidente Duterte ang kasalukuyang presidente


ng Pilipinas.
 Ang Luzon, Visayas at Mindanao ay ang tatlong
pangunahing isla ng Pilipinas.
 Ang isang oras ay may 60 minuto.
 Ang Pilipinas ay nasa Timog-Silangang Asya.
 Ang mga mata ay ginagamit upang makakita ng
mga bagay-bagay.
 
OPINYON

Ang opinyon naman ay isang


pananaw, palagay o kuru-kuro ng
isang tao o pangkat na maaaring
totoo pero pwedeng pasubalian ng
iba. Ito rin ay isang paniniwala na
mas malakas pa sa impresyon, mas
mahina sa positibong kaalaman na
batay sa obserbasyon at
eksperimento.
OPINYON

Opinyon- Ito kabaligtaran ng


katotohanan dahil ang impormasyon
ay nalaman ng walang basehan. Ito ay
isang palagay o haka- haka lamang ng
isang akda.
Sa pagpapahayag ng opinyon ay maaaring gumamit ng mga
sumusunod na pananda:
 Sa aking palagay,
 Sa tingin ko,
 Sa nakikita ko,
 Sa pakiwari ko,
 Kung ako ang tatanungin,
 Para sa akin, at iba pa
HALIMBAWA NG OPINYON

 Ang bulaklak na rosas ay tataas ang presyo bukas.


 Baka manalo ka sa paligsahan bukas.
 Ikaw ay tatangkad sa isang taon.
 Para sa akin, si Hannah ang pinakamaganda sa
lahat.
 Sa aking palagay ay siya nga ang napangasawa ni
Belen.
HALIMBAWA NG OPINYON

 Sa tingin ko, si Maya ay


nagsisinungaling.
 Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa
magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa.
 Mas nakakaaliw ang mga palabas sa
ABS-CBN kaysa palabas ng GMA.
HALIMBAWA NG OPINYON

 Mas magandang gamitin ang Facebook


kaysa Twitter dahil limitado lang ang
maaaring masabi sa Twitter.
 Para sa akin, ang Singapore ay ang
pinakamaayos na lugar sa buong mundo.
 Mas matibay at maganda ang Nike kaysa
Adidas.
MODULE TIME

A.Panuto: Sagutin ang “Pag-Usapan


Natin” sa pahina 44 at “Kaya Mo Ito A at
B” sa pahina 45-46 sa inyong aklat. Isulat
ang sagot sa patlang na nasa ibaba.
MODULE TIME

B. Panuto: Sagutin ang “Lagumang


Pagsusulit” sa pahina 47-48 sa inyong
aklat. Isulat ang sagot sa patlang na nasa
ibaba.
MODULE TIME

C. Panuto: Isulat sa patlang ang


KATOTOHANAN kung ito ay nagsasaad ng
katotohanan at OPINYON naman kung ito
ay nagsasaad ng opinyon.

You might also like