You are on page 1of 16

Mga Katangian ng

Isang Mabuting Balita


1.Ganap na Kawastuhan- dapat wasto o
tama ang mga datos na ibibigay ng isang
reporter, maayos ang paglalahad ng mga
detalye, at hindi dapat magulo o
masalimuot ang diwa ng balita.
2. Timbang- tumutukoy ito sa
pagkamakatotohanan ng mga
pangyayari na iniuulat sa publiko
at sinasabing balance ang
pagbibigay-diin sa paglalahad ng
mga pangyayari.
3. Walang kinikilingan- hindi
dapat kinakampihan ang isang
panig lamang kaya dapat obhetibo
ang pag-uulat ng mga pangyayari.
4. Kaiklian, kalinawan, at kasariwaan-
kailangang maikli lamang ang pag-
uulat ng mga pangyayari at iyong
mahahalagang pangyayari lamang ang
iulat. Linawin ang isinasagawang pag-
uulat at mas tawag-pansin sa
mambabasa at tagapakinig ang mga
sariwang balita.
Uri ng mga Balita
1. Paunang Balita- nagbibigay ito ng
paunang impormasyon sa mangyayari sa
isang event tulad ng inaasahang
mangyayari sa palaro (basketbol, boxing) at
iba pa. Tuwirang balita (straight news) ang
ginagamit na paraan sa pagsulat nito.
2. Balitang Di-inaasahan- isang ulat ito ng
mga pangyayari na hindi inaasahang
mangyayari. Ibig sabihin nito, biglaan ang
mga pangyayari tulad ng mga aksidenteng
nangyayari sa lansangan, paglubog ng
barko sa karagatan, pagsabog ng eroplano
sa himpapawid at iba pa.
3. Balitang Itinalaga- batay ito sa ibinigay na
paksa o assignment na isusulat. Inaasahan
itong mangyayari kaya itinakda ang pagsulat ng
balita sa reporter. Halimbawa nito ang
pagdiriwang o paggunita sa kamatayan ni Rizal,
pagtatapos ng mga estudyante sa PMA, at iba
pang pangyayari na inaasahang magaganap.
4. Balitang Panubaybay- isa itong ulat
sa kasunod na pangyayari na nauna ng
naiulat. Sinusubaybayan nito ang
susunod na mangyayari tulad
halimbawa ng isyu tungkol sa pork
barrel scam, pagkawala ng eroplano
sa Malaysia; basketbol ng PBA, NBA at
iba pa.
5. Balitang Rutinaryo o Kinagawian-
ibig sabihin nito, palaging nagaganap
ang pangyayari at regular itong
nangyayari gaya ng pag-uulat sa bar
exam, SONA ng pangulo, pagpupulong
ng mga mambabatas at iba pa.

You might also like