You are on page 1of 17

Una at Ikalawang

Wika
Unang Wika
Ayon kina Skutnabb-Kangas at Philippson
(1989) ang unang wika ay:
 Ang wikang natutuhan sa mga magulang
 Ang unang wikang natutuhan, kanino pa
man ito natutuhan
Unang Wika
 Ang mas dominanteng wikang gamit ng isang
tao sa kaniyang buhay
 Ang unang wika ng isang bayan o bansa o bansa
 Ang wikang pinakamadalas gamitin ng isang
tao sa pakikipagtalastasan
 Ang wikang mas gustong gamitin ng isang tao
Unang Wika
Tinalakay ni B.F. Skinner sa kanyang aklat
na Verbal Behavior (1957) kung paano
nagiging “asal” na nagpapatibay ang
pagkatuto ng unang wika, sa halip na isang
“aral” na natututuhan. Ang pagkatuto ng
unang wika ay isang “nabubuong
Unang Wika
ugali”na mailalarawan sa mga sumusunod:
1. Ginagaya ng isang bata ang mga tunog at
ayos ng mga naririnig niya sa kanyang
paligid
2. Alam ng matanda na sinusubukan ng
batang makapagsalita gaya niya
Unang Wika
kaya ipararamdam nya ritong tama ang
ginagawa nito upang ganahan itong
magpatuloy
3. Upang lalo pang matuwa sa kanya ang
matanda o magbigay ito sa kanya ng
gantimpala, uulit-ulitin ng bata ang pagsasalita
hanggang sa
Unang Wika
ito ay makaugalian na niya
4. Ang pagsasalita ng isang bata ay patuloy na
nahuhubog hanggang sa ito ay tuluyan nang
maging katulad ng pagsasalita ng matanda
Unang Wika
Ayon kay Noam Chomsky, ang bata ay may
likas na kakayahang matuto ng unang wika.
Sinasabing dahil ito sa tinatawag na Language
Acquisition Device o LAD, isang aparato sa
pagsasalita na bahagi na ng isip ng tao. Ayon
kay Littlewood (1984), ang
Unang Wika
LAD ay may mga sumusunod na katangian:
1. Tanging ang mga tao ang may LAD at likas
itong gumagana para sa mga normal na tao
mula pagsilang hanggang mga edad labing-isa
Unang Wika
2. Ito ang nagbibigay sa mga bata ng
kakayahang masagap at maintindihan ang mga
salitang ginagamit sa kanilang kapaligiran
upang sila mismo ay magamit ito.
Unang Wika
2. Ito ang nagbibigay sa mga bata ng
kakayahang masagap at maintindihan ang mga
salitang ginagamit sa kanilang kapaligiran
upang sila mismo ay magamit ito.
Ikalawang Wika
 Anumang bagong wikang natututuhan ng
isang tao pagkatapos niyang matutuhan ang
unang wika
 Maaring magkaroon ng ng dalawang unang
wika ang isang tao, lalo na kung magkaiba
ang unang wika ng kaniyang mga magulang
Ikalawang Wika
Tatlong Paraan ng Pagkatuto
1. Impormal na pagkatuto – nagaganap sa
likas na kapaligiran
2. Pormal na pagkatuto –organisadong pag-
aaral ng wikang nagaganap sa paaralan.
Ikalawang Wika
Tatlong Paraan ng Pagkatuto
3. Magkahalong Pagkatuto – kapuwa
gumagamit ng likas at pormal na mga paraan
sa pagkatuto ng ikalawang wika.
PAGNILAYAN
Sa iyong pananaw, tama ba ang ginagawa
ng pamahalaan sa bago nitong kurikulum na K
to 12 na ituro ang lahat ng asignatura, maliban
sa Ingles at Filipino, sa unang wika mula
baitang 1 hanggang 3? Ipaliwanag.

You might also like