You are on page 1of 6

Mga Barayti ng

Wika
Ang wika ay namamatay o nawawala rin, kung hindi na ito ginagamit
at nawala na ang pangangailangan dito, o may mga bagong
salitang umuusbong sa isang bagay na higit na ginagamit ng mga
tao kaya kalauna'y nawawala o namamatay ang orihinal na wika.
Tulad ng mga sumusunod:
• alimpuyok-(amoy o singaw ng kaning nasusunog)
• anluwage-(karpintero)
• awangan-(walang hanggan)
• hidhid-(maramot)
• hudhod-(ihaplos)
• napangilakan-(nakolekta)
• salakat-(pag krus ng mga binti)
Homogeneous- ang wikang puro at walang kahalong anumang
barayti. Sinasabing walang buhay na wika ang ganito sapagkat
kailanman ay hindi maaaring maging pare-pareho ang
pagsasalita ng lahat ng gumagamit ng isang wika.

Heterogeneous-Katangian ng wikang nagpapakitang ito'y hindi


maaaring maging puro sapagkat ang bawat wika ay binubuo ng
iba't ibang barayti dala na rin ng mga salik panlipunang nagiging
dahilan sa pagkakaiba-iba ng mga ito.
Dayalek-Ito ay barayti ng wikang ginagamit sa partikular na
pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng
lalawigan, rehiyon, o bayan.

Idyolek- Ito ay barayti ng wika kung saan lumulutang ang


personal na katangian at kakanyahang natatangi ng taong
nagsasalita.

Sosyolek- Sa barayting ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba-


iba sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng
mga taong gumagamit ng wika.
Etnolek- Ito ay barayti ng wikang nagiging bahagi na ng
pagkakakilanlan ng isang pangkat etniko-

Register- Ito ay barayti ng wika kung saan naiaangkop sa isang


nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa
kausap.

Gay Lingo-Ito ay tawag sa wika ng mga bakla o beki na


nagsisimula bilang sikretong wika subalit kalauna'y ginagamit na
rin ng nakakarami.
Creole-Ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang
nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika
na ng batang isinilang sa komunidad.

Pidgin- Barayti ng wikang nangyayari kapag may dalawang


taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may
magkaibang unang wika at di nakaaalam sa wika ng isa't isa.

You might also like