You are on page 1of 31

ESP Q3 WEEK 6 DAY 1-5

Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga


programa ng
pamahalaan na may
Kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan.
25.1 Paggalang sa karapatang pantao
25.2 Paggalang sa opinion ng iba
25.3 Paggalang sa ideya ng iba

ALEXANDRA G. BIRCO
SPET 1
Division of Nueva Vizcaya
Alamin
(Unang Araw)
Ano-ano ang mga iligal
na gawain na nakasisira
sa ating kapaligiran?
Paano tayo
makatutulong upang
mapigilan ang mga
gawaing ito?
Ang pagiging vigilant sa mga iligal na
gawain ay pagpapakita ng pagrespeto
sa kalikasan. Ang respeto ay dapat
nating ibigay lalo’t higit ay sa ating
kapwa. Tingnan ang diyagram sa
ibaba. Punan ang mga biluhaba ng
kaugnay na salita ng salitang nasa
gitna.
Ayusin ang mga letra na nasa ibaba
upang makabuo ng salita.
1. A G A L A N G N G A A P
2. I S A I P K I I K A
3. A A P N A A Y P A K
4. I K A A A K N S L
5. N T A R A P A A K
Basahin ang tulang Respeto
Respeto
ni Corazon S. Vizmanos
Minsan isang araw
Aking napagmasdan
Kartero’y patungo
Sa bawat sambahayan.
Sa kanyang balikat
May bag na mabigat
May sobreng hawak-hawak
Sa kamay, habang naglalakad.
Inabot kapagdaka
Sa bata ang isa
Ngunit bago lumisan
Ang karterong pagal
Nagbilin sa batang
Sulat ay huwag bubukasan.
Mangha ma’y hinabol
Ng batang nagtataka
Ang karterong palayo na
At saka nagsalita…
Mamang kartero,
Maaari bang malaman ko ang dahilan
Kung bakit ang sulat ay
Huwag kung bubuksan?
Simple lang ang dahilan
Ang agad niyang kasagutan.
Ito ay sa tatay mo
Sa kanya’y ibigay mo
Iyong irespeto
Pagkat iyan ang tatak
Ng mabuting pagkato.
a. Paano mo ilalarawan ang ugaling taglay ng
kartero?
b. Kung ikaw ang bata sa tula, susundin mo
ba ang bilin ng kartero? Bakit?
c. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga linya ng
tula sa huling saknong.
Matapat na sagutin.
a. Importante bang magkaroon ng pagrespeto
sa iba kahit pa ito ay malapit na miyembro ng
iyong pamilya? Bakit?
b. Sa paanong paraan pa maipakikita ang
paggalang sa karapatan ng ibang tao?
Isagawa
(Ikalawang Araw)
Bashin ang tula
Opinyon ng Iba, Igalang
ni G. Manuel B. Franco
Ang bawat isa’y may saloobin
Nais ipabatid ng bawat isa sa atin
Opinyon at pananaw ating bigyang-pansin
Karapatang pantao laging pakalimiin.
Di ba’t kay ganda, kung ang mga tao’y nagkakaisa
Opinyon at saloobin, kanilang naipahahayag nang malaya
Respeto at paggalang sa oipnyon ng iba’y makita
Ng bawat isa sa tuwi-tuwina.
Ako, ikaw, tayong lahat ay magkaisa
Paggalang sa opinion nawa’y laging alintana
Dulot nito’y kapayapaan sa buong madla
Hangad nating lahat upang maging mapayapa.
Kaya’y payo ko’y pakatandaan
Iyo sanang isakatuparan
Paggalang sa opinion ng kapwa, sanay huwag kaligtaan
Karapatang pantao, ganap na makamtan.
2. Sumulat ng maikling paliwanag kung
paano natin maipakikita ang paggalang sa
karapatan ng iba na magbigay ng saloobin o
sariling opinyon.
Gawain 2: Pangkatang gawain
Pangkat 1: Gumawa ng isang pantomina na
nagpapakita ng paggalang/pagrespeto sa
karapatan ng ibang tao.
Pangkat 2: Kumatha ng isang jingle na
nagpapahayag ng paggalang/ pagrespeto sa
opinyon o saloobin ng ibang tao.
Pangkat 3: Sumulat ng isang tula tungkol sa
respeto sa kapwa.
Rubrik
Isapuso
(Ikatlong Araw)
Gawain 1
Basahin ang sitwasyon ang sagutin.
May dumating na isang package galing
abroad para sa ate mo. Gustong-gusto mong
malaman kung ano ang nilalaman nito. Pero
nagdadalawang isip ka dahil baka magalit
ang iyong ate. Alin sa dalawa mong naiisip
ang iyong isasagawa? Bakit?
Gawain 2
Atasan ang mga mag-aaral na bumalik sa
kanilang kapangkat. Magkaroon ng isang
pagtatanghal na nagpapakita ng paggalang sa
saloobin o opinyon ng iba sa harap ng isang
pagpupulong. Bago simulan ang pagtatanghal
ay ipaliwanag sa mga bata ang mga
pamantayan sa pagmamarka.
Gawain 3
Limiin at unawain ang ibig ipakahulugan ng
isang saknong na hango sa awiting
“Cotabato” ng grupong Asin. Isulat sa isang
papel ang iyong pananaw dito.
“Prinsipyo mo’y igagalang ko
Kung ako’y iyong nirespeto
Kung nagtutulungan tayo
Di sana magulo ang bayan ko.”
TANDAAN NATIN
Ang paggalang ay hindi lamang naipakikita sa
paghalik sa kamay at pagmamano. Nagagawa rin
naman ito sa pagbibigay ng respeto. Paggalang sa
opinyon ng kapwa ay laging isakatuparan upang
magkaunawaan ang bawat nilalang, dulot nito’y
sadyang kapayapaan.
Ang pakikiisa sa programa ng
pamahalaan,paggalang sa karapatang
pantao at paggalang sa desisyon ng iba ang
daan tungo sa pagkakaroon ng kapayapaan
sa bansa
Isabuhay
(Ika-apat na Araw)
Basahin ang sitwasyon at sagutin ito ng buong
husay.
1. Gabing-gabi na at patuloy pa rin sa
pagtugtog ng gitara si Arlene kahit
marami na ang natutulog.
2. Habang nasa opisina ang ama ni Ambet ay
pinakikialaman nito ang mga
gamit nitong hindi ipinapahiram sa kanya.
3. Hinikayat ng guro ang mga mag-aaral na
magkwento ng kanilang karanasan sa
kanilang nagdaang bakasyon.Marami sa
kaklase ni Sheena ang nagkwento tungkol sa
pagbabakasyon nila sa iba’t ibang lugar.Ng
tawagin siya nag-imbento na lamang si
Sheena ng kwento upang hindi mapahiya sa
mga kaklase.
4. Hindi nakisali si Arman sa panglalait kay
Amboy,bagkus binabawal pa nga
niya ang mga ito.
5. Pinilit ni Fe na tanggihan ni Lorna ang
inaalok ng guro na sumali sa
paligsahan ng awit upang siya ang alukin ng
guro kahit alam ni Fe na mas
mahusay umawit sa kanya si Lorna.
Subukin
(Ikalimang Araw)
Lagyan ng tsek ang mga mabuting gawi at ekis ang
masamang gawi ayon sa sariling kaalaman
______ 1. Buksan ang sulat na hindi sa iyo kapag walang
nakakakita.
______ 2.Pakialaman ang personal na gamit ng iyong kasama
sa bahay man o paaralan
_______ 3.Paghingi ng pahintulot sa kapwa bago gumalaw o
kumuha ng kagamitan ng iba.
_______4 Kontrahin agad-agda ang opinion ng inyong
kapwa.
_______5. Pakinggan ang opinion ng iba bilang paggalang sa
karapatang pantao.

You might also like