You are on page 1of 8

Department of Education

National Capital Region


Division of Taguig City and Pateros
Monlimar Development Academy, Inc.
317 Manuel L. Quezon St. Lower Bicutan, Taguig City

FILIPINO 8
Baitang : Ikawalong Baitang
Markahan : Ikatlong Markahan
Taong Panuruan : 2022-2023
Guro : Bb. Maria lourdes T. Uru

JUNIOR HIGH SCHOOL: Curriculum I Instruction I Assessment SCHOOL YEAR: 2022 - 2023
Paglinang sa Kabihasaan
1. Bakit puno ng hinagpis, takot, at kalungkutan ang nadarama ni
Florante? Ano-anong alalahanin ang nagdadala sa kaniya ng
ganitong uri ng damdamin?
2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Florante, ano ang gagawin upang
hindi lubusang maglaho ang iyong pag-asa?
3. Paano maiuugnya ang malungkot na panimula sa awit sa naging
buhay ni Balagtas?
4. Sa ano-anong pangyayari sa ating kasaysayan maaaring maiugnay
ang gubat na mapanglaw at pagkakatali ni Florante sa puno ng
Higera?
5. Sa ano-anong pangyayari sa kasalukuyang panahon naman maaring
maiugnay ang sitwasyong ito?
JUNIOR HIGH SCHOOL Filipino 8 (Mga Panitikang Pambansa at Florante at Laura) School Year: 2022 - 2023
Paglinang sa Kabihasaan
1. Ano-anong gunita ang nakababawas sa pagdurusa ni Florante?
2. Anong uri ng kasintahan si Laura? Ano-ano ang mga ginagawa
niyang nagpapatunay na wagas at tunay ang kaniyang pagmamahal
kay Florante?
3. Kung mapapayuhan mo si Florante, ano ang sasabihin mo sa kaniya
upang maiwasan niyang magselos at mag-isip na hindi naging tapat
sa kaniya ang kasintahan?

JUNIOR HIGH SCHOOL Filipino 8 (Mga Panitikang Pambansa at Florante at Laura) School Year: 2022 - 2023
JUNIOR HIGH SCHOOL Filipino 8 (Mga Panitikang Pambansa at Florante at Laura) School Year: 2022 - 2023
Gawaing Pagsulat 1: PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN

Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayong magkaroon ng mas malawak na kaalaman ang
mga mag-aaral sa mga salitang Filipino na hindi gaanong naririnig at nagagamit
sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon.

Gabay at Panuntunan:
Sa kani-kaniyang kuwaderno sa Filipino, ang mga mag-aaral ay maglalahad ng
20 salita na mula at ginamit sa obrang, Florante at Laura. Ang mga salitang ito
ay bibigyan ng kahulugan at gagamitin sa isang makabuluhang pangungusap.

JUNIOR HIGH SCHOOL Filipino 8 (Mga Panitikang Pambansa at Florante at Laura) School Year: 2022 - 2023
Gabay at Panuntunan:
Sa kani-kaniyang kuwaderno sa Filipino, ang mga mag-aaral ay maglalahad ng
20 salita na mula at ginamit sa obrang, Florante at Laura. Ang mga salitang ito
ay bibigyan ng kahulugan at gagamitin sa isang makabuluhang pangungusap.

Halimbawa:
Lumiliyag (pandiwa)
- Umiibig, nagmamahal

Pangungusap:

Ang taong lumiliyag ay nagtataglay ng kabutihan ng puso na siyang makikita


sa kilos nito.

JUNIOR HIGH SCHOOL Filipino 8 (Mga Panitikang Pambansa at Florante at Laura) School Year: 2022 - 2023
Gawaing Pagsulat 2: PAGBUO NG ISANG TULA

Layunin:
Ang layunin ng gawaing ito ay maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang
kahusayan sa pagbuo ng kanilang sariling tula na kakikitaan ng mga salitang
ginamit sa akdang, Florante at Laura na nakaangkla sa ibinigay na paksa.

Gabay at Panuntunan:
1. Ang pangkatang gawain na ito ay susubok sa kakayahan ng mag-aaral na
bumuo ng kanilang sariling tula na nakasandig sa paksang, “Pilipino, ika’y
tunay na matatag.”
2. Ang tula ay binubuo ng 3 saknong na may tig-aapat na taludtod na may
wawaluhing pantig na mayroong tugmaan.

JUNIOR HIGH SCHOOL Filipino 8 (Mga Panitikang Pambansa at Florante at Laura) School Year: 2022 - 2023
Gawaing Pagsulat 2: PAGBUO NG ISANG TULA

Gabay at Panuntunan:
3. Ang bawat miyembro ng pangkat ay kinakailangang magbigay ng kani-
kaniyang ideya sa pagbuo ng tula.
4. Ang lider ay bibigyan ng karapatan na magtanggal ng miyembro kung ito ay
hindi nakatutulong sa grupo.
5. Ang isasagawang tula ay ilalahad sa isang short bond paper na naglalaman
ng mga sumusunod:

a. Pangalan ng miyembro
b. Titulo ng Tula
c. Nilalaman ng tula

JUNIOR HIGH SCHOOL Filipino 8 (Mga Panitikang Pambansa at Florante at Laura) School Year: 2022 - 2023

You might also like