You are on page 1of 9

MAGANDANG UMAGA

o
MAGANDANG HAPON!
Kami ang Unang Pangkat
Ralph Lawrence Mana, James Jayson Adaro, Bryan Baguinang,
Pauline Joy Aligway
Yunit 3: Aralin 1
Ang Parabula ng Utang at Pagpapatawad
Paggamit ng Matalinghagang Salita
Layunin:

• Mapatunayan ang mga pangyayari sa binasang


parabola ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.
• Magamit nang wasto sa pangungusap ang
matatalinghagang pahayag.
Ang Basahin: Ang Parabula ng Utang at Pagpapatawad
(pahina 64-65)

Minsan, si Hesus ay naanyayahang kumain sa bahay ng isang pariseo.Pumunta


naman siya at dumulog sa hapag.

Nang mabalitaang kumakain si Hesus sa bahay ng naturang pariseo, isang


babaing itinuturing na makasalanan sa bayang iyon ang nagpunta roon na may dalang
pabangong nasa sisidlang alabastro.

Umiiyak siyang lumapit sa paanan ni Hesus, at hinugasan ng kanyang luha ang


mga paa nito. Pinunasan niya ng kanyang sariling buhok ang mga paa ni Hesus,
Hinalikan ito at binuhusan ng pabango.Nang ito’y Makita ng pariseong nag-anyaya kay
Hesus, nasabi ito sa sarili,”Kung talagang propeta ang taong ito, dapat ay alam niya na
ang babaing humahawak sa kaniyang paa ay isang makasalanan.”Bilang tugon sa iniisip
ni Simon, sinabi ni Hesus,”Simon, may sasabihin ako sa iyo.”

“Ano po iyon, Guro?” sagot niya. Kaya’t nagpatuloy si Hesus,

“May dalawang taong umuutang sa isang nagpapahiram ng pera; limang daang


salaping pilak ang inutang ng isa, at limampung salaping pilak naman ang sa ikalawa.
Nang hindi sila makabayad, kapwa sila pinatawad. Ngayon, sino kaya sa kanila ang higit
na magmamahal sa pinagkautangan?”

Sumagot si Simon,”Sa palagay po’y ang pinatawad sa mas malaking utang.”

“Tama ng sagot mo,” tugon ni Hesus. Nilingon niya ang babae at sinabi kay Simon,
“Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lamang
ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa; ngunit hinugasan niya ng luha ang aking
Aking mga paa at pinunasan ito ng sarili niyang buhok.Hindi mo ako
hinalikan;ngunit siya,mula nang pumasok ay hindi tumigil ng kahahalik sa
aking paa.Hindi mo nilagyan ng langis ang aking ulo,subalit binuhusan niya
ng pabango ang aking mga paa.Kaya’t sinabi ko sa iyo,Malaki ang kaniyang
pagmamahal sapagkat maraming kasalanan ang pinatawad sa kaniya; ngunit
ang pinatawad ng kaunti ay kaunti rin lang ang nadaramang pagmamahal

At sinabi niya sa babae, “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”

At ang kaniyang mga kasalo sa pagkain ay nagsimulang magtanong sa


sarili, “Sino ba itong nangangahas na mapatawad ng kasalanan?Ngunit
sinabi ni Hesus sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Umiwi ka
na.
ARALIN :
Paggamit ng Matalinghagang Salita

Ang paggamit ng mga matalinghagang salita sa pagsulat ay


nagpapakita ng pagiging malikhain ng isang may-akda.Bukod pa rito,
nagagawa niyang bumuo ng isang mas malalim na kaisipan gamit
laman ang pagsasama-sama ng mga salitang sa unang tingin ay
hindi naman talagang magkakaugnay.
HALIMBAWA:
Ang talinghagang, “Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng
tinapay”.
Wala naman talagang kahulugan ito kung babasahin mo sa unang tingin. Ngunit kung
papasukan mo na ito ng konteksto at pakahulugan, mas maiitindihan mo ito.

PALIWANAG:

Sa kultura ng mga Hudyo ng Israel, pinakamabigat na parusa nila ay ang pagbato sa isang
makasalanan hanggang sa ito ay mamatay. Karaniwan din lamang sa kanilang batuhin
ang isang tao kapag ito ay marumi sa kanilang paningin. Matigas ang bato masakit kapag
tumama sa’yo. Ginagamit din natin bilang simbolo ng katigasan halimbawa ay “pusong
bato”. Kabaliktaran naman ng bato ang tinapay. Malambot ito at pumapawi ng gutom. Ito
ang turo ni Hesus, kapag ginawan ka ng masama ng iyong kapwa, ang iganti mo sa kaniya
ay kabutihan. Dahil baka ang taong magagalitin na ‘yun ay maaaring nagugutom lamang
sa pagmamahal at pang-unawa.

Napakagandang halimbawa nito dahil gumamit lamang ito ng mga karaniwang bagay sa
ating paligid upang makapagbigay ng mas malalim na kaisipan. Mahalagang na matukoy
ang mga susing salita sa isang parabula at mahanap ang simbolo nito.
MARAMING SALAMAT!!

You might also like