Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik (PERFORMANCE TASK 3) Isang dalagang Pilipina na nangangarap na maglingkod para sa kapakanan ng buhay ng tao. Na gustong umalalay sa kung ano man ang mga kailangan ng isang pasyente. Kita sa kanyang mabibiloy na mata na parang bituin na nag niningning sa kalangitan. Kanang kamay ng isang doktor upang mas mapabilis ang pagsusuri at paglalapat ng tamang gamot sa pasyente. Sa mala perlas niyang ngiti na nagpapalalong pagtingkad sa hugis puso niyang mukha. Handang isakripisyo ang kanyang buhay , lahat ng oras niya 24 oras sa pagaalaga. Kayod kalabaw ika nga nila, kaya niyang tiisin ang lahat, hindi siya magsasawang maglilingkod para sa ikakabuti ng lahat.