You are on page 1of 20

MAGANDANG UMAGA !!!

Bb. CATHERINE M. DOLLENTE


SINO AKO?
Pa n u to : Ala m in a n g w a sto n g sa lita sa p a m a m a g ita n n g p a g -a a n a lisa n g m g a
la ra w a n . G a m itin a n g sim b o lo n g (-) sa p a g ka lta s n g m g a le tra / p a n tig n g m g a
sa lita n a n a sa la ra w a n a t (+) n a m a n sa p a g d a g d a g n g m g a p a n tig n g sa lita
m u la sa la ra w a n .

Ha lim b a w a :

- HAS+ - PA= AKO


SIMULAN NATIN!!!

1.

-SIW+ -PAPA= SIYA


2.

-TLOG+ -BA= ITO


3. -LA+ -MUL= DITO
4.
-IL+ - LAMAN+ -SI= PANGHALIP
KASANAYAN!!!
Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan
MELCs Code #: F7WG-IIIh-i-16

LAYUNIN!!!
1. Natutukoy ang mga pangngalan at panghalip sa pangungusap.
2. Napaghahambing ang panandang anaporik at kataporik.

3. Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng


pangngalan.
KOHESIYONG
GRAMATIKAL
ANAPORIK AT KATAPORIK
• Ang Kohesyong gramatikal (cohesive device) ay mga salitang nagsisilbing pananda upang
hindi paulit-ulit ang mga salitang pangngalang ginagamit.

• Ang mga cohesive device na ito ay mga panghalip.


Mga halimbawa:
ako, ikaw, siya, sila, tayo, kayo, kami, niya, nila, kaniya, kanila, naming, natin – ito ay ginagamit
bilang panghalili sa ngalan ng tao.

ito, iyan, iyon, nito, niyan, noon, dito, diyan, doon, ganito, ganyan, ganoon – ito ay ginagamit
bilang panghalili sa bagay, lugar, at iba pa na itinuturo o inihihimaton.
• Ito ay mga panghalip na nagkakawing sa mga salita, parirala at sugnay. Nakababagot na
mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit sa isang teksto o pahayag.
Maiiwasan ang nabanggit na pag-uulit kung gagamit tayo ng panghalip tulad ng mga
nabanggit sa itaas. Ang paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangalan ay tinatawag
na pagpapatungkol.

Nahahati ang kohesiyong gramatikal sa dalawa:


• 1. ANAPORIK/ANAPORA- ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa unahan.
PANGKATANG GAWAIN!!!
• Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat at ang bawat pangkat ay
bibigyan ng Gawain.Bibigyan lamang ng 20 minuto ang bawat pangkat at
pagkatapos ng itinakdang oras ay iuulat ng bawat pangkat ang kanilang
ginawa.Bibigyan ng puntos ang bawat pangkat batay sa pamantayan:

Kawastuhan sa itinalagang Gawain -10

Kalinawan ng Pagpapaliwanag -5

Kaisahan ng bawat kasapi ng pangkat-5

Kabuuan -20 puntos


A.Tukuyin mo!

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang panghalip na ginamit at ikahon
ang pangngalan.

B.Paghambingin Mo!

Panuto:Paghambingin ang dalawang uri ng kohesiyong gramatikal gamit ang Venn Diagram.

C. Suriin Mo!

Panuto: Suriin ang mga pahayag.Salungguhitan ang mga Kohesiyong Gramatikal na ginamit at
Isulat ang tsek (√) sa kolum kung anaporik o kataporik ito.

D.Buuin Mo!

Panuto: Bumuo ng 3 makabuluhang pangungusap para sa Anapora/Anaporik at 2 naman sa


Katapora/ kataporik batay sa ibinigay na larawan.
INDIBIDWAL NA GAWAIN!!!
AYUSIN MO!

Panuto: Ayusin ang pangungusap gamit ang wastong panghalip sa mga salitang paulit ulit na
ginamit. Tukuyin kung ito ay Anapora /Katapora.

1. Pumunta ako sa Maynila kung saan ang Maynila ang kabisera ng Pilipinas.
2. Nadatnan ko si Diego sa Quiapo Church na nagdarasal at pagkatapos nakita ni Diego ako.
3. Nilibot naming ang Luneta at ang Luneta ay lugar kung saan naganap ang pagkamartir ni Rizal.
4. Nilibot naming ang Intramuros gamit ang kabayo pero ang kabayo ay napagod na.
5. Higit sa lahat nakita naming ang Fort Santiago at ang Fort Santiago ay isang makasaysayang pook
sa Maynila.
PAGLALAPAT!!!
Sagutin:

1. Paano mo nalalaman na ikaw ay naiintindihan ng iyong kaibigan?

2. Bakit nakatutulong sa atin bilang tao ang anapora at katapora? Saang


aspeto/ disipilina nakatutulong ito?
PAGLALAHAT!!!
SAGUTIN!!!
1. Ano ang Kohesiyong Gramatikal?
2. Ano ang dalawang uri ng Kohesiyong Gramatikal?

3.Paano ito nagkaiba?


PAGTATAYA
A. Panuto: Suriin ang mga pahayag. Salungguhitan ang panghalip na ginamit at ikahon ang salitang
pinalitan.Isulat ang Anaporik o Kataporik sa patlang.

________1. Nag-aalinlangan si G. Reyes na tanggapin ang inaalok na regalo sa kanya.

________2. Siya ay labis na nagdusa ,ang laki ng kasalanan ni Cardo.

________3. Ang tubig ay mahalaga kaya huwag itong sayangin.

B. Panuto: Bumuo ng sarili at makabuluhang mga pangungusap gamit ang wastong cohesive devices na
anaporik at kataporik.
1.(Anapora)_______________________________________________

2.(Katapora)_______________________________________________
TAKDANG ARALIN!!!
• Basahin ang isang halimbawa ng talumpati na pinamagatang "Ako si
Magiting" sa pahina 256 ng inyong aklat. Pagkatapos, magtala ng ilang
pangungusap na nagtataglay ng mga panandang anaporik at kataporik.
MARAMING SALAMAT!

You might also like